Napalingon na lang ako sa pinto ng narinig ang sigaw ni Sabrina. Sumunod naman dito ang apat niyang kapatid na nakasuot na ng tuxedo. Kasal na namin ngayon ni Damon. Dalawang araw na kaming hindi nagkikita dahil ayaw ni Tatay-lalong lalo na si Nanay na magkita kami ni Damon bago ang kasal.
Sumunod lang naman ako sa pamahiin nila. Wala na naman akong magagawa baka ipatigil pa ang kasal namin.
"Punta ka muna kay lola. Minimake-upan pa si mommy." Aniko. Yumuko naman ako konti para halikan ang noo nito.
Lumapit naman siya kay Nanay at binuhat tsaka inupo sa sofa.
"Mommy, gusto ko rin make-up."
Napatawa naman ako konti. "Sige, pagkatapos ni mommy."
Pinagpatuloy naman ang pag-make-up sa 'kin. Nakikinig lang ako sa mga bata habang panay kwento nito nung nangyari sa kanila kahapon. Wala na atang araw na hindi nila ikwenento sa 'kin pag-naglalaro sila sa labas.
Panay tanong din sa 'kin nila Axciel kung pwede ba rin silang make-upan. Si Sebastian naman ang nagsabi rito na hindi kasi babakla sila kung may make-up sa kanilang mukha. Kaya ayun, natigil sa pagtatanong ang tatlo.
Nang malapit na ang oras ay hindi ko mapigilang hindi maging kabado. Sa mga pagsubok na nangyari sa 'min ni Damon ay hindi ko akalain na aabot kami dito. Aabot kami sa kasalan. Noon pa man ay palagi kung dinarasal na mangyayari 'to at ngayon ay tinupad ng Panginoon.
"Nanginginig ka, Nak. Ayusin mo, baka mahimatay ka habang papalapit sa altar, hindi talaga kita lalapitan."
Napanguso naman ako sa sinabi ni Tatay.
"Tay naman! Baka ikaw ata 'yong mawalan ng malay sa atlar."
Tinignan niya naman ng masama. "Tss, nga pala huwag kang titingin sa 'kin pag-iiyak ka, ang pangit mo namang umiyak," napasinghap naman ako sa sinabi niya.
"Tay baka nakalimutan mong sa 'ting dalawa ikaw ang original. Ibig sabihin nun, kung pangit ako mas pangit ka," babatukan na sana ako at inunahan na siyang binatukan ni Nanay na nasa likod niya pala. Sinamaan naman ng tingin ni Nanay si Tatay. Nag-iwas naman ito ng tingin eh halatang takot sa asawa.
"Don ka nga! Ang tanda-tanda mo na, inaaway mo pa ang anak mo," napatawa naman ako ng malakas dito. Napakamot naman sa batok si Tatay at lumabas na.
Tinignan naman ni Nanay ang kabuohan ko at inayos ang hibla ng buhok ko. Ayan na naman iyong tingin niya. Malungkot na may halong saya ang ngiti nito.
"Ikakasal ka na. Tara na. Kanina ka pa hinihintay ng mapapangasawa mo sa simbahan. Pinapunta niya pa ako dito para tingnan ka baka raw tatakas ka." Aniya. Napangiwi namana ko dito.
"Tatakas? Eh, limang dosenang tauhan niya ang nasa labas para bantayan ako. Makakatakas pa ba ako don?" sarkastiko kung sabi. Napatawa naman konti si Nanay.
Sabay na kaming lumabas ni Nanay at may tumulong naman na mga tauhan ni Damon para buhatin ang likod ng gown ko. Baka madumihan pa. Anlakas ng kabog ng dibdib ko kaya nagpakawala ako ng hininga ng umandar na ang sasakyan. Nauna ang sasakyan na sinakyan nila ni Nanay kasama rito ang mga bata.
Dahan-dahan lang ang takbo ng sasakyan papunta sa simbahan. Sa sikat na simbahan sa probinsya namin kami kinasal. Mas gusto kung dito ako ikakasal dahil nandito ang mga pamilya ko. Mga pamilya at malalapit lang sa buhay namin ang dadalo.
Nang nakarating na kami ay may tumulong kaagad sa 'kin. Nakasara ang pinto ng simbahan at pinahinto muna ako sa pintuan para na rin ayusin ang damit ko. Nanginginig na ang kamay ko dahil sa saya. Hindi ko pa nakita ang design sa loob ng simbahan dahil ang lahat na nag-plano sa kasal namin ay si Damon lang. Gusto niyang siya lang ang mag-asikaso sa kasal namin para hindi ako mahirapan at ma-stress ngayon't buntis ako. Gusto niya rin akong surpresahin.
YOU ARE READING
Babysitting The Billionaire's Triplets
ActionCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...