Bumili kaagad ako ng bulaklak pagkatapos mag-simba. Malapit na ang tanghalian kaya naisipan kung sa mall nalang kakain.
Hindi ko mapigilang hindi napabuntong-hininga. Kailangan ko pang magpadala ng pera sa susunod na araw. Mamayang gabi kailangan ko pang maghanap ng trabaho dahil pinaalis ako ni Manager sa ginawa ko sa demonyong 'yon.
"Ate, pahingi po kahit piso lang..." Napatingin ako sa gilid ng may batang kumalabit sa 'kin. Naluluha ko itong tinignan dahil ka-edad niya lang ang tatlo at may hawak-hawak pa itong two years old na bata rin.
"Nasaan ang mama mo? Si papa mo? Nasaan?"
Bigla naman itong nag-iwas ng tingin dahil sa mga tanong ko. Mukhang hindi niya gusto ang sinabi ko.
"Pinabayaan na po kami."
Tinignan ko naman ang kasama nitong bata na buhat-buhat pa niya.
"Kapatid mo?" Tanong ko at napangiti naman itong tumango tsaka tinignan ang kapatid niyang babae.
"Opo, maganda po ang kapatid ko po no?" Ngumiti naman akong sumang-ayun sa sinabi niya. May halong banyaga ang mga bata'ng 'to dahil sa mga mata nila.
Kulay blue kasi.
Gusto ko ulit tanungin ang tungkol sa magulang nila pero hindi na.
"S-saan kayo matutulog?"
"Kung saan po kami aantukin, do'n po kami matutulog ate." Pilit na ngiting sabi nito. Pilit kung hindi maiyak sa sipag at katapangan na sinapit ng batang 'to. Anak ng anak ang magulang niya tapos pababayaan na naman.
Sobrang dilikado ang ginagawa nila dahil pareho silang mga bata pa.
Hindi ko alam kung papayag ba sila sa alok ko.
"G-gusto mo bang sa apartment ko nalang kayong tumuloy? Delikado kasi kung palaboy-laboy kayo at tsaka ako lang mag-isa do'n."
Nakita ko namang natigilan ito sa sinabi ko.
"A-ate nakakahiya naman po..." Nahihiyang sabi nito. "...pero-"
"Wala ng pero-pero ha?" Ngiting sabi ko. "Alam mo, bata ka pa ang marami ka pang mararating sa buhay. Kaya pabayaan mo 'kong tutulong sa iyo at sa kapatid mo ah? Nakikita ko pang mahal na mahal mo ang kapatid mo, tapos pagala-gala lang kayo rito, hindi mo naman siguro gustong may mangyaring masama sa kaniya diba?"
Dahil sa sinabi ko ay nakita ko itong papaiyak na. Napangiti naman ako at niyakap ito.
"S-salamat po..."
"Simula ngayon ako na ang Nanay, Tatay at Kapatid niyo ngayon. Aalagaan ko kayo simula ngayon." Pinatahan ko naman ito ng tuluyan na itong umiyak. Unti-unti naman umiyak ang kapatid niya kaya kumawala ito sa yakap ko at pinatahan ang kapatid.
Hindi ko mapigilan mapangiti habang nakatingin sa dalawa.
"Tara na, may pupuntahan tayo," aniko.
Nagtataka naman itong tumitingin sa 'kin.
"Saan po?"
"Basta," tinignan ko naman ang kapatid niya. "Ako na magbubuhat sa kapatid mo," tumango naman ito tsaka ngumiti.
Hawak-hawak ko ngayon ang kamay niya at sa kabila naman ay buhat-buhat ko ang kapatid niya. Pumasok naman kaagad kami sa boutique na pambata ang pumili kaagad ako ng damit ng dalawa. Naramdaman kung maraming nakatingin sa 'min pero hindi ko na 'yon pinansin.
"Kunin mo ang gusto mong susuotin, ako na ang bahalang magbayad. Tapos ako naman ang mamili ng damit sa kapatid mo," sabi ko. Nahihiya pa itong tumango habang panay tingin nito sa paligid.
ESTÁS LEYENDO
Babysitting The Billionaire's Triplets
AcciónCOMPLETED | WARNING : UNEDITED Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang lupang isinangla. Hindi lang niya naman akalain na unti-unti siya mahuhulog sa ama nga mga batang binabantayan niya. Paano kung unti-unt...