Chapter 27
Mga alas 10 na nung makapunta ako ng school. Nagulat ako nung makarating ako sa booth namin, waaaww bumebenta ang pakulo namin, ang daming dinadakip.
"Gulat ka ano?" Salubong na tanong sakin ni Maggie.
"Kahapon parang deserted area tong booth natin tapos ngayon, wedding bells at thousand years na ang naririnig ko." Sa kabila ng kinatatayu-an namin sa malayo, kita ko sila Raffy yung nagmamaneho sa padyak, may kasama pa siyang dalawa taga-tulak HAHAHA!
"Yan kasi ba't pa kasi padyak pa ang naging suggestion niya sa meeting natin, yan tuloy siya rin ang nagmamaneho nito." Grabe, nakakatawa silang tignan.
"Di ba sila magpapalitan?" Kawawa naman c Raffy at yung dalawa ko pang kaklaseng lalake.
"Silipin moh sa likod, nakatambay ang mga kaklase nating lalaki dun, naghihintay ng turn nila." Agad akong nagpunta sa likod ng ginawa nilang altar at yun nga, nagpapahinga ang mga kaklase kung lalaki may water dispenser at electric fan sa waiting area namin, halos silang lahat naka sleeveless yung iba eh, shirtless na.
Napansin ako ng aking mga kaklase.
"Early bird ka talaga Hed." Sabi ni Stephen sakin.
"I know right." Tugon ko naman, napangiti na lang sila sa sinabi ko.
"Feeling beach bod din pala tong mga kaklase natin." Sabi ko kay Maggie nang bumalik ako sa harap, may bagong pares na ulit.
"Sinabi moh pa." Tinulungan ko na sila sa aming wedding ceremony daw, yung kaklase kong c Yuichi ang pari namin.
Nakakatawa yung mga facial expression ng mga ikakasal daw, yung iba nagugulat pag tinatanggal na ang blind fold, sino ba namang hindi, isipin moh mga ilang segundo, itim lang ang nakikita moh tapos pag nakakita kana ng liwanag, bigla-bigla ka nalang sisigawan ng 'welcome, it's ur wedding day'. WAAW! Nalaman moh na lang ikakasal ka na pala.
May mga estudyante na umaayaw pero wala silang magagawa, buti na lang at may mga supportive na kaibigan may nagreremind na kasayahan lang ang nagaganap. Yung iba naman kinikilig, lalo pag nalaman nila na sa kanilang crush pala sila ikakasal. All made possible through the effort of their ever supportive friends, na nagbayad samin para sila ay hulihin at ikasal. Iba talaga ang nagagawa ng maayos na briefing, cooperation lang talaga ang sekreto dyan.
May mga studyante naman na parang wala lang. At pinaka nakaka choks na part ay ang statement ng pari na 'you may kiss the bride' grabe nagtitili-an ang mga tao dahil dun, habang namumula naman yung mga ikinakasal, yung mga taga ibang booth paminsan-minsan lumalabas sa area nila para tumingin sa kaganapan sa aming booth.
Habang nasa likod kami, naopen sakin ni Maggie yung gaganapin na Ball.
"Alam moh na ba kung saan ka makaka-upa ng damit?"
"Oo may kakilala ako na pwede kong upahan." May mga botique naman malapit samin.
"Talaga, may mga costume sila?" Kumunot ang noo ko ng marinig yun.
"Yung Ball costume party?"
Umiling c Maggie, "Siyempre hindi iba kasi ang ball ngayong taon, mayroon na tayong theme." Napansin ni Maggie na di ko alam ang mga pinagsasabi niya.
"Akala ko alam moh na, yung theme natin para sa ball ay yung mga kasuotan noong medieval at renaissance period."
The middle ages and rebirth, yun ang ibig sabihin ng mga terms na sinabi ni Maggie.
'°•.¸¸.•°' '°•.¸¸.•°' '°•.¸¸.•°''°''°•.¸¸.•° '°•.¸¸.•°' '°•.¸¸.•°' '°•.¸¸.•°''°''°•.¸¸.•°
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Teen FictionDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...