Sobrang inaantok ako ngayon sino ba naman di aantukin kung ang subject niyong literature ay sa holy hours. Ahhh.... Sarap talagang matulog, inilibot ko ang aking paningin sa buong klase, grabe nakakatawa yung mga pagmumukha ng mga kaklase ko. Mutual pala kasi ang feelings naming lahat, Si maggie na katabi ko ay papikit-pikit ng nakikinig, habang si Raffy ay natutulog na may takip na panyo ang mukha, yung isa naman ang nilagay ang libro sa harap na para bang nagbabasa yun pala natutulog na, yung iba naman na ayaw makatulog ay mina massage yung mga mata nila, kanya kanyang diskarte na lang kami nito. Nang makatingin ako sa harap, grabeh si Kenneth lang ata nakikinig at talagang may planong makinig. Sorry pero di ko na talaga kaya, papiliin niyo ako ngayon kumain ng chocolate o matulog, mas pipiliin kong matulog. Yuyuko na sana ako ng bigla naman nagsalita ng malakas ang teacher namin.
"Okay, now I want two representatives from your class to read the lines of Romeo and Juliet in the famous balcony scene." Romeo and Juliet pala pinag-uusapan namin? Hahahaha, nakakatawa kanina pa nagsasalita teacher namin, tapos di ko man lang alam anong pinag-uusapan. Kakayuko ko pa lang ng nagsalita na naman si Mdm.
"After this, we would be having a quiz, so any volunteers?" tanong ni teacher, dahil sa sinabing quiz ni Madam ay para kaming binuhusan ng malamig na tubig at nagising ang lahat mula sa antok, ano naman kaya ang isasagot namin pag nagkatao? Sorry maam i don't know the answer because we're too sleepy to pay attention? Hahaha, ano kaya reaksyon ng guro pag ganun? pero kahit ganun ay wala man lang ni kahit isang kaluluwa ang nagvolunteer para sa dialogue.
"Okay, so I guess I'll be the one to pick." Nakayuko na ako sa aking silya, wala akong balak makinig sa mga magdadialogue.
"For the boys, I would like Mr. Hugo, to stand up and read the lines of Romeo."
"And for the girls, hmmm--, okay Ms. Alvarez. Please do come here in front." HA-LE?! HANU RAW?
"Huy Hedwig! Punta ka daw sa harap." sabi Maggie. Parang lumipad lahat ng antok ko sa katawan ng tawagin ko ang aking pangalan. Nang tumingin ako sa harap nakita kong nakatingin si Mdm sakin at si Payatot!
"Ms. Alvarez please do come here in front, we don't have all the time in the world to wait for you." Nakakainis ba't sa lahat ako pa? Ako na inaatok at walang malay sa pinag-uusapin nila. Ang damin namang dyan na pwede.
Nung nasa harap na ako ay binigyan niya ako ng photocopy ng Scene II kung saan naganap ang balcony scene na ang lines ang aming babasahin. Nandidiri ako, ang chesseey ng mga lines, this is not me, I'm not even romantic tapos si Kenneth pa ang partner ko. Mas lalo akong nandiri ng sinabi niya samin na hindi lang simpleng dialogue ang gagawin namin dapat daw with feelings, as if daw parang may feelings kami sa isa't-isa. Isipin niyo yun?! ?My feelings isat-isa? As in mahal ang isat-isa! Ayaw ko na, ayaw kong isipin, di kaya ng utak ko. It's all greek to me ?.
"Okay so before we start I would like everyone to know that everytime you participate in my class will be graded, what they are about to do would be under oral participation which is 15% of your grades, and please pay respect to the people in front, listen.
"Okay, so let's start." pagtatapos ni Teacher.
Napalunok ako. Nakakahiya to.'
"Ahem," pagsisimula ni Kenneth.
"She speaks:
O, speak again, bright angel! for thou art
As glorious to this night, being o'er my head
As is a winged messenger of heaven
Unto the white-upturned wondering eyes." habang nagbabasa siya parang gusto kong tumakbo. "Of mortals that fall back to gaze on him
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Novela JuvenilDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...