Author's note: This is denifitely an unfinish chapter, bakit? Kasi wala ako sa focus at WAAAAAAH! Ilang araw na lang at showing na ang the FAULT IN OUR STARS! Sobrang nababaliw na talaga ako as in baliw na ngumingiti lang mag-isa pag na iisip ko ang movie adaptation nito. Ilabyou TFIOS :*
・*:..。o○☆*゚¨゚゚・*:.☆.*・((ε(*・ω・)_(・ω・*)з)).。o○☆*゚¨゚゚・*:..。o○☆*゚¨゚
Nang gabing iyon kahit na may sakit ako ay di siya nawala sa isip ko. Di ako makatulog nang maayos dahil sa aking lagnat. Tuwing nagigising ako siya ang una kong naiisip at tuwing babalik na ako sa pagtulog siya rin ang aking iniisip. Gusto kong mag-umaga na agad at sana pag gising ko ay wala na tong lagnat ko para makapasok ako bukas sa trabaho. Gusto ko talaga siyang makita. Ngayon lang ako nakadama ng ganito, yung excitement na makita ang isang tao. Iniisip ko pa lang ang pagkikita namin, napapangiti ako.
Di ko alam kung ordinayong affection lang ito o mas higit pa ang tangi ko lang alam na gusto ko ay makasama siya. Kahit na may sakit ako isa lang ang bagay na alam kong sigurado ako, gusto ko siyang pumasok.
Nagising ako ng mga alas syete, nagising ako dahil sa katok ni Tsong, sabi niya sakin bumangon na daw ako para kumain at uminom ng gamot, nang nakabangon na ako ay narinig kong nag ring ang aking cp na nasa loob ng bag ko. Simula ng nagkalagnat ako kahapon ay di ko na ito natignan, may mga 5 limang messages na unread, yung tatlo ay galing sa network na nagsasabing may mas pinasulit na naman daw sila na promo.
Yung isa naman ay galing kay cookie sabi sa text.
Hey Gal pals, sory to say dis pero sa tngin ko ay keylangan muna nating e.post pone ang ating get 2gether, dami ko pa kacng keylangan gawin at ganun din ang karamihan sa atin, kaya sorrri tlaga, txt nyo ko kung my mga tanong kau.
Nalungkot ako bigla ng mabasa ko ang text ni Cookie, gusto ko kasi silang makita at maka usap. Nang bumalik na ako sa aking inbox kumunot ang noo ko ng malaman kung kanino galing ang isa pang text, psshhh kay Seth. Sabi niya.
Hi ahm, balita ko nagsakit ka, kamusta kana?
Kanino niya kaya nalaman na may sakit ako. Baka si Maggie ang nagsabi.
Ni replayan ko siya ng:
Okay lang ako kaya wag ka nang mag text.
Hahaha, ang sama ko. Nang makababa ako ay nag hahanda na si Tsong ng agahan, ang bango sobra.
"Oh Hedwig, kumain ka na, at pagkatapos ay magpahinga." tumango lang ako bilang response sa tanong niya.
Habang kumakain kami ay bigla namang nagtanong sakin si Tsong.
"Aabsent ka ngayon sa trabaho?" tanong niya sakin na naging dahilan ng panlalaki ng mata ko.
"Ba't ako aabsent Tsong?" kumunot ang noo niya sa tanong ko.
"Kasi may sakit ka, diba obvious?" sabi niya sakin, noooo! Hindi ako aabsent, gusto kong pumasok, gusto kong mag trabaho at gumalaw galaw, at gusto kong makita si Kenneth.
"Ahmm, hindi Tsong, kaya ko na naman eh, okay na ako." nakipagtitigan sakin si Tsong na obvious na mang hindi naniniwala.
"Tsaka kong dito lang ako ay mahihiga lang ako buong araw, di ba dapat gumagalaw galaw ako." rason ko sa kanya, Lord sana po pumayag siya.
"Hedwig, hindi exercise ang trabaho mo, na pwede ka lang mag pa easy-easy, kailan mong magpahinga." sabi niya
"Tsong, sige na, magaling na naman ako ( ang totoo niyan may nararamdaman pa rin akong sakit sa ulo pero kaya ko na naman ) tsaka Tsong last week na namin sa trabaho sa susunod na linggo." Di ko pa nga pala kayo nasasabihan tungkol dito, mga 3 buwan lang kasi ang tagal ng part-time job namin, nakasaad yun sa application form na finill upan namin.
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Dla nastolatkówDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...