Chapter 18: Iwasan ka.

471 7 0
  • Dedicated kay Hazel Grace and Gus who proved to us that life doesn't have to be perfect for lo
                                    

Soooobbbraaannnnnggg nakakapagod ang mini olympics! Grabe! Tsaka ang init pa, halos di na kami makilala dahil sa pagbabago ng aming mga skin tone, naluto kami ng wala sa oras sa ilalim ng araw pero okay lang din naman. Nanalo kasi sa basketball boys ang mga kaklase namin, sobrang saya ng mga kaklase ko, well, masaya din naman ako. Di nga lang ako ganun ka expressive na tumatalon-talon, may hinahampas-hampas at kung ano pa dahil sa aming epic victory! Chookkss!

Akala ko talaga na sa basketball girls lang ako masasali pero nagulat na lang ako ng isa ako sa mga tinawag para maglaro sa second set ng volleyball. Para di na humaba pa ang usapan, ang ending ng laro. Nanalo ang kabilang team, the end.

Sa basketball talaga ako napagod at nasaktan, isa ako sa dalawang forwards, 5 minutes pa nga lang kaming naglalaro ay naghihingalo na kami. Kaya bilib talaga ako sa resistensya ng mga athletes, limang minuto pa lang kami nga nag-lalaro ang lalim na ng aming paghinga, paano na kaya kung tag titi 12 minutes or more pa ang time. Kung naiinom at nakakain lang sana ang tubig, ay ginawa na siguro namin. At ang masakit dahil sa nag-aagawan kami ng bola malapit sa rin ay nasiko ang ilong ko ng isa sa aming mga kalaban at di man lang ito nakita ng dalawang referee, tama dalawang referee, ang sakkiiit kaya!

Pero past is past, wala na akong magagawa pa tungkol dun, at buti na lang talaga at naka-uwi na ako dahil gusto ko nang magpahinga. Ang baho-baho ko na sa suot kong jersey, tama yung jersey ni Kenneth. Ang totoo niyan sobrang bango talaga nito ng ibinigay niya sakin, nakakahiya man pero sige aamin ko na lang. Kagabi di ko na naiwasan na yakapin ang jersey niya habang nakahiga ako, alam ko nakaka-eww akong tignan. Para akong day dreamer well in respect with the period I'm doing it, isa akong night dreamer. Masisi niyo ba ang isang babae na hawak-hawak ang isang mabango na jersey na pag-aari ng lalakeng nagugustuhan niya? Oh sige na, sisihin niyo na ako all you want.

Pero kahit na niyakap ko ito the night before ay parang ayaw ko itong suotin nang mag-umaga na. Di dahil nasinghot ko na lahat ng amoy nito kundi dahil ayaw kong mag-isip ng di maganda ang mga tao, lalo ng bali-balita na nililigawan ni Kenneth c Sophia. Di ko maiwasang makaramdam ng kirot tuwing naiisip ko yun, kung iisipin lang kasi, para akong isang maliit na bato na hinahampas sa isang malaking pader. Kung sa anime pa, para akong is Naruto na hindi naka sage mode o kahit na ano pa na hinaharap c Uchiha Madara, sa madaling usapan. Wala akong panama kay Sophia, that's the conclusion of the whole matter.

Pero wala akong choice eh, napaisip din naman ako na sana nanghiram na lang ako kay Seth, pero pag nagkataon ay sinuot ko ang jersey niya, iisipin naman ng lahat na kami na. Which is a big NO. Buti na nga lang at walang di magandang reaction akong natanggap nung makarating ako sa school. Tanging mga tanong lang na wala namang di magandang ibig sabihin.

Through out the day, sinubukan ko na naman na di siya pansinin pero kadalasan nagfe-fail naman ako. Paano ba naman kasi tuwing nasa bench kami, bigla na lang naghihiyawan ang mga manonood dahil sa naka score na naman at kadalasan ay dahil kay Kenneth. May mga fan girls na ata siya dahil dun.

Nang makapasok ako kanina sa pinto, sinalubong ako ni Tsong nang malakas na halakhak, tanong niya kung nag-araro ba daw ako, pero wala ako sa mood para sakyan ang pang-iinis niya, ang sarap na talagang magpahinga kaya dumiretso na ako sa aking kwarto. Nagbihis muna ako, sinabi ko na lang sa tyuhin ko na gisingin na lang ako kung mag-hahapunan na.

Sa sumunod na araw ay nilabhan ko ang aking mga maruruming damit at ang kay Tsong din pala kahit na medyo matigas ang ulo ko eh may puso pa rin naman ako. Marami na kasing kailangang gawin is Tsong kaya ako na ang naglalaba at naglilinis ng bahay. imbes na sabado ay linggo na ako naglaba, kahapon kaya yung mini olympics namin. Ako lang mag-isa ngayon sa bahay c Tsong kasi umalis para mag simba habang ako naman ay nagpa-iwan. Ewan ko ba simula nung naging "medyo" magulo ang buhay ko ay ayaw ko nang magsimba pa, feeling ko kasi di ako worthy, sa dami pa naman ng gulong nagawa ko, di na ta ako bagay dun.

Nang ma in-love ang Dating Bully  (Ongoing Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon