Chapter 6: Ang Damdamin ng may apat na mata

492 8 0
                                    

KENNETH'S PERSPECTIVE

"May pera ka?" nagulat ako sa tanong niya kanina, naniningil kaya siya ng bayad sa pag-aalaga sa akin? Pero kahit na ganun ay tinuro ko sa kanya kung nasaan ang purse ko. Hindi naman mababayaran na kahit na anong halaga ang kasiyahan na nadarama ko ngayon. Bumalik si Hedwig sa bahay ko at inalagan pa niya ako. Ang saya ko sobra, kahit na hindi siya nag-aalala sakin, feeling ko Oo. Pagbigyan niyo na mahilig ka talagang mag-assume pag gusto mo ang isang tao, kahit papaano kasi medyo nabibigyan ka nito ng pag-asa. Tama nabasa niyo, gusto ko si Hedwig, gustong-gustoooooo. Ay di panga pala ako nagpapakilala sa inyo.

Ako si Kenneth Ian Hugo, ang lalampa lampang payat na may apat na mata na may gusto sa babae na dati ay binubully siya. Oo tanga ko lang, nagkakagusto sa taong ang tingin sa akin ay walang kwenta pero okay lang sanay na ata ako sa pagtingin niya sa akin. Hehehehe.

Nanggaling kami sa parehong skwelahan dati ni Hedwig, alam niyo naman ata yon. Nagsimula akong magka gusto sa kanya noong nasa 7th grade pa lang kami. Ang Hedwig na kilala niyo ngayon ay ibang-iba sa Hedwig na kilala ko noon. Masayahin si Hedwig, parati siyang nakangiti pag nagsasalubong kami at ang bait pa niya. Tsaka ang ganda din niya noon, di ko naman sinasabi na panget na siya ngayon pero mas maaliwalas lang talaga mukha niya dati dahil hindi siya noon bully, hindi pa sila magkasama noon nila Cookie. Nagsimula siyang magbago sa isang pangyayari na ako ay isa sa mga salarin. Pero ang saya ko talaga, kasi nagawa kong hawakan kamay niya kanina, Yeeiiiiiii, kinikilig ang bone marrows ko. HAHAHA! Di nga ako makapaniwala na sa dinami daming skwelahan na pwede siya magtransfer, eh sa Whorf pa at magkaklase pa kami, akalain mo yun?

Feeling ko tuloy destiny nato, ayy ang bakla! Kahit na di niya ko sinipot nung sabado ay okay lang, sobra pa ito sa birthday gift. Thank You Lord :D, hindi ko birthday ngayon nung sabado pa. Oo kaya ko gustong makipag kita sa kanya kahit n medyo di na maganda yung pakiramdan ko, gusto ko lang siyang makasama siya sa araw na iyon, gusto ko siyang ilibre, rason ko lang naman talaga yong bili kami ng candy. Ang plano ko talaga ay pagkatapos naming mamili ng candy ay kakain lami sa labas, oh diba parang date lang. Kaya lang di siya dumating, hinintay ko talaga siya kaya nga ako nagkasakit diba? Pero dahil doon kaya pumunta siya dito kahapon at ngayon at ibinili pa niya ako ng pagkain at gamot, hihihi Hang saya ng life ^________^ . Magpapagaling na talaga ako, kakain na ako ng marami mula ngayon, gusto ko na kasi siyang makita.

O.O.O.O.O.O.O.O.O.O.O.O.O.O.O.O.O.O.O

Nang makauwi ako ay naligo muna ako bago maghapunan, gaan kasi ng pakiramdam ko,bpagkatapos kong magbihis ay chineck ko ang aking cellphone, my text ito galing may Manager Diona, sabi niya sa friday na daw yung opening nung pastry shop mga 3:00 o'clock in the afternoon hanggang closing ang duty namin, napaisip ako bigla kay Kenneth, magaling na kaya pagdating nang biyernes? Ba't ba parang nag-aalala ako masyado sa payat na yon. Pero tama nga yung sinasabi ng karamihan na magaan sa kalooban kung may nagawa kang mabuti sa iyong kapwa. Ang tagal na rin ng huli ko itong maramdaman, sa ngdaang panahon ng buhay ko, obvious naman na di ko ito na achieve.

Friday afternoon nas shop na kami, ngayon ko lang nakita ang loob ng shop, ang ganda pala kahit hindi ito masyadong malaki.Yung theme parang doll house yun bang ang sigla ng mga colors, nang lights pati furniture design ang ganda rin, they are complimenting each other. Ang sasarap ng mga paninda namin, ang daming cakes, muffins, donuts, bread sticks at pies, nakatingin ka lang busog ka na. Pero hanggang tingin na nga lang kami, gustuhin ko mang ilagay ang mga ito sa bag at itakbo, di ko pwede gawin yun. Nang makarating kami doon ay marami parin ang tao kaya medyo ang daming kailangang gawin. Kami ni Maggie ang parang waitress, taga kuha at hatid ng orders, di pa kami pwede ilagay s cashier, wala pa kaming knowledge tungko dito. Habang si Kenneth naman ay naka assign sa mga beverages, ang sarap din mga drinks nila dito. Mga anim kaming naka duty ngayon, kaming tatlo nila Maggie, Kenneth, ako kasama ang manager na nagsisilbing cashier, isang pastry chief at isa na naka assign din sa beverages. Nagseserve ako ng beverages ng biglang bumukas ang pinto at ang ingay ng mga pumasok, nang makabalik na ako sa counter ay nagulat ako nang makiga ko ang aming mga kaklase, ang dami nila.

"Hi Magie and Hedwig,"sabi ni Clarisse "narinig namin na opening daw ngayon dito sa shop niyo kaya pumunta kami, gusto namin tikman mga products niyo." May discounts mga products namin ngayonkaya mas makakatipid sila, lalo na't mga estudyante sila. Sobrang napagod kami ni Maggie sa pagkuha at pagserve ng mga orders nila, ang dami eh, tsaka may kasama pang biruan sa kada hatid ko nang pagkain sa mga table nila, nung una ay medyo awkward pero nang sinabayan ko ito ay okay lang naman pala, natutuwa ko dahil dati wala ako nito.

Nang maayos na pakikitungo sa mga kaklase ko dati. Dati kasi parati silang umiiwas samin at pag nababalitang gulo, sa mga tingin nil samin ipinapakita nito na sa tingin nila kami ang salarin. Isa ito sa mga rason kung baKit ayaw naming magtambay sa skwelahan. Pagkauwi ko ay agad akong nakatulog ng di ko namamalayan habang nakaupo sa sofa, ginising ako ni Tsong para maghapunan, grabe ang bigat ng pakiramdam ko, naninibago talaga ako.

Nang ma in-love ang Dating Bully  (Ongoing Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon