Chapter 24: The SBWYE Part 2

365 9 0
                                    

A/N: Here is another chapter, medyo busy na ako ngayon, panahon na naman kasi ng research eh, keylangan kong maka graduate. Kaya pasensya na kung medyo late ako makapag update. Mag comment po sa sana kayo tungkol sa mga mali ko. Maraming salamat.

Okay so di ko alam kung paaano ako mag-rereact, nasa harap kami ngayon ng scooter ni Kenneth. Di ko alam may scooter pala siya pero mas shocking tong mangyayari. Sasakay ako sa scooter niya, WAAAAAAHHHHH! As in for real. Isa ako sa mga pinalad na makasakay sa sasakyan ng crush niya. Maraming babae ang nangangarap na mangyari to sa kanila, I'm so blessed.

"Angkas na." sabi niya sakin sabay abot ng helmet.

Tumango lang ako, at umangkas agad. Nagulat ako ng pina-andar na ni Kenneth yung scooter, napakapit ako bigla sa braso niyang mahigpit.

"Okay ka lang?"

Ang totoo hindi talaga ako okay, aaminin ko takot akong umangkas ng motor. Nung maliit pa kasi ako nahulog ako mula dito. Muntik kasi kaming mabangga ni Papa ng bus nung umiwas siya ay nahulog ako, buti na nga lang at sa gilid ako nang kalsada nag landing. Nagkasugat, nagkapasa at halos mabali-an ako ng buto pagkatapos nun. Kaya eto medyo scared to death ang lola niyo.

"Okay lang, nagulat lang ako."

Agad kaming bumyahe, sa daan pinagtitinginan kami ng mga tao, syempre di dahil sakin. Dahil yun kay Kenneth. Sino ba naman ang di makakapansin sa kanya ang cool niyang tignan kahit scooter ang dala niya. Napapangiti sila tuwing lumalanding ang tingin nila kay Kenneth pero kumukunot ang noo nila tuwing nakikita nilang may angkas siyang babae. Akala siguro nila na girlfriend ako. Hayy kung ganoon lang sana kadali.

Di naman masyadong malayo yung binyahe namin. Pagdating namin sa mall ay ganun parin ang eksena, ang daming napapatingin kay Kenneth minsan dumidestansya ako sa kanya. Kahit na cruh ko siya ayoko na nang papasukin pa ang maraming hangin dito sa utak ko. Alam ko namang misinterpretations lang ang mga bagay na iniisip ko. Ganoon talaga siguro kung may gusto ka sa isang tao, iniisip mo yung kabaliktaran ng mga ginagawa nila para di sila masaktan dahil araw-araw na sinasaktan ng katotohanan.

Natapos din naman agad kami ng pamimili, nag yaya si Kenneth na kumain libre niya daw, ohoi ba't ko naman aayawan tong libre niya, libre na nga eh.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw." Haaaaaa? Ano nga ulit yung sinabi ko?

"Ang ibig kong sabihin ikaw anong gusto mo." Napangiti siya sa sinabi ko. Napaka Defensive ko naman kasi eh,

Hindi kami nakabalik agad mula sa pamimili, c Ken kasi gusto daw muna nyang maglaro ng arcade games. Sinabi ko sa kanya na baka hanapin na kami ni Ms.

"Wag kang mag-alala, di pa naman gagamitin tong pinamili natin."

Yun ang sabi niya sakin di ko na rin siya pinilit, nang makarating na kami sa may arcade games, agad siyang naglaro ng basketball, di ako masyadong mahilig sa aracade games, napaupo na lang ako sa isang tabi. Natuon ang attensyon ko sa kaharap kong laro, yun bang tinatawag na "the claw" sa toy story, kung saan maaring makuha moh yung mga malilit na stuff toys na nasa loob gamit ang "the claw". Nasubukan ko yan dati pero wala naman akong nakuha, kaya wala na akong plano pang subukan yan. Type ko yung mga stuff toys nila, mga characters kasi ito ng naruto, nandyan c Naruto, Hinata, Sasuke, Sakura, at iba pa. Sobrang natuwa nga pala ako sa ending ng naruto. Naruhina and Sasusaku Long live! Mga bet ko talaga sila.

Napapaisip tuloy ako na buti pa sila Hinata at Sakura, nagkatuluyan sila ng mga taong noong una ay di sila ang gusto, nadaan sa porsege at pagpapakatotoo. Magpakatotoo na rin kaya ako, Sabihin ko din kaya kay Kenneth ang nararamdaman ko, baka madaan ko siya sa mga panalangin at pagpapakatotoo. Baka kaming dalawa din sa hinaharap.

Nang ma in-love ang Dating Bully  (Ongoing Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon