Chapter 13: The Costumers

534 5 0
                                    

Habang papalapit na ng papalapit ang aming exam, naging mas busy kami. Kailangan naming magpractice para sa mini olympics.

"Okay guys magpractice muna tayo ng basketball at volleyball." sabi bigla ni Raffy ng nasa court kami dahil sa P.E period namin ngayon.

Kaya yung mga gustong mag practice ng volleyball ay nagpunta sa volleyball court kasama na doon si Maggie, habang ako naman ay naiwan dun sa basketball court, yung iba nagsimula ng mag practice ng shooting.

"Hedwig, magpractice tayo ng dribbling." sabi bigla sakin ni Kenneth, napansin ko hindi siya naka eyeglasses ngayon.

"Marunong na akong magdribble." sagot ko.

"Alam ko pero, di ka pa ganun ka galing." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, gusto ko sana siyang sigawan pero tama naman siya, di pa ako ganun ka galing ni kahit nga pag shoot ng bola nahihirapan ako. Kailangan ko muna kainin tong pride ko kubg gusto kong hindi maging pabigat sa mga kaklase ko sa darating na olympics.

"Sige, siguraduhin mong may matutunan talaga ako dito sa practice na sinasabi mo." Ngumiti siya bigla, ang gwapo niya, ang hopya! Ayan ka na naman Hedwig!

"Of course," sabi niya sakin "doon tayo sa kabilang court." na-una siyang nagpunta doon. Napaisip ako bigla, who would have thought na ang dating nangbubully ay tinuturu.an ng dati niyang binubully.

"Sabi mo sakin, marunong kanang mag dribble, subukan mo nga." sabi niya sabay pasa sakin sa bola.

Agad naman akong nag dribble gaya ng sabi niya, di naman ganun katagal yung ginawa kong pag dribble. Nakakailang nga lang kasi sobrang nakatitig siya sakin, parang lahat ng galaw ko sinusubaybayan niya.

"Tama ka, marunong kang mag dribble," sabi niya ng matapos na ako, "pero dapat kung nag dri-dribble ka hindi ka tumitingin sa bola, kundi sa kalaban mo." tama siya nakatingin nga lang ako sa bola kanina.

"Sige, subukan mo." ipinasa niya sakin ang bola, "mag dribble ka at dapat nasa akin ka lang nakatingin." ba't parang naiilang akong gawin ito, hopya! Di mo dapat iniisip yan Hedwig, isipin mong si Kenneth lang yan, ang payat na may apat na mata na may bag na parang kung saan mag cacamping.

Sinimulan ko ng mag dribble, nung una di ako makatingin sa kanya ng maayos kaya parati niya akong sinisita. Naiilang talaga ako.

"Hedwig, ba't di makatitig sakin?" napalunok ako sa tanong niya, " may gusto ka ba sakin?" parang luluwa ang mata ko dahil sa tanong niya.

"Ang kapal ng pagmumukha mo!" paano kaya niya nalaman? Ayy mani! Anno ba Hedwig, ano ba yang pinagsasabi mo. Wala kang gusto sa kanya, waalllaaaa!

"Eh kung wala naman pala eh ba't di mo ako kayang tignan?" napaisip ako, bakit nga ba, kasi ayaw ko sa mga titig mo baka matunaw ako. Yak! Kadiri.

"Sige na, balik na tayo sa practice." sabi niya sakin.

Nag simula na akong mag dribble, sinabi ko sa aking sarili na dapat di ako mailang o magpakita ng kahit na anong signs of uneasyness para di siya magduda, baka kung ano na naman ang isipin nito.

Huminga ako bago tumingin sa kanya, okay kaya ko to. Tinignan ko siya, tanging siya lang habang nag di dribble, habang nakatingin ako sa kanya, at siya nakatingin sakin,parang naramadaman kong bumilis ang tibok ng puso ko, gaya ng parati kong napapansin ang ganda pala talaga bg mga mata niya, his eyes are so soulful. Habang nakatitig ako dito para akong dinala sa ibang dimension na dahil dito ay hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid namin. Nang mga sandaling iyon na isip ako na sana mas tumagal pa ang panahon na matitigan ko siya.

Nagulat ako kasi bigla siyang kumilos at inaagaw yung bola.

"Ang pabaya mo naman." sabi niya, hindi pa ako masyadong nakakget-over sa aking naramdaman kanina.

Nang ma in-love ang Dating Bully  (Ongoing Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon