Chapter 30: Say It's ME

215 9 12
                                    

AN: The long wait is over, Enjoy loves :*

Dapat simula ngayon mag-ingat na ako sa aking mga kilos. Para iwas sa gulo, kahit na emosyon ko pa yung involved, kasi wala naman talagang akin.

"Uy Hedwig." Napalingon ako sa direksyon ni Maggie.

"Kanina pa kita tinatawag, nung nangyari sayo?" Kanina pa pala siya nagsasalita di ko man lang narinig.

"Uy, ba't ang passive moh?" Ba't nga ba? Tange, ba't moh pa kailangang tanungin ang sarili moh, eh, alama na alam moh naman kong bakit.

Nagka-usap kami ni Sophia kanina.

Kakalabas ko lang ng cubicle nang biglang pumasok c Sophia sa banyo, ngumiti ako sa kanya, ganun din siya sakin. Habang naghuhugas ako ng kamay bigla siyang nagsalita.

"Hedwig"

Agad ko siyang tinignan sa salamin.

"Close ba kayo ni Kenneth dati?" Biglang bumilis ang tibok ng puso, ba't ba parang kinakabahan ako.

"Eh, hindi naman masyado." Pilit kong inalis ang aking mga naiisip dahil sa kaba ko.

"Talaga? May alam ka bang babae na gusto niya dati?" Wala akong ideya kung saan patungo tong usapan namin.

"Wala eh." Lalabas na ako ng banyo.

"How about you, do you like someone?" Nagpause muna siya "someone like Kenneth?" I was thunderstrucked, paano niya nalaman. Ang lakas na talaga ng kabog ng dibdib ko.

"Hahaha, wala, tsaka magkaibigan lang kami." Di ko alam kung nasabi ko ba yun ng diretso.

"Oo nga pala, pero ang close niyo kasi nakakaselos tuloy, pamin-minsan." Di ako makagalaw. Pero dapat di ako magpadala, dapat masagot ko siya.

"Magkaibigan lang kami yun ang totoo." I answer her with an emotionless face.

"Hahaha, ano ka ba binibiro lang kita, tsaka impossible rin namang magkagusto ang dating biktima ng pambubully sa nambubully sa kanya dati." May sinabi pa siya pagkatapos nun pero di ko na ito narinig, ang namalayan ko nalang ay ako na lang mag isa sa CR, pinaparinggan niya ako, sigurado ako dun, pero saan niya nalaman, kay Seth? Ano na bang nangyayari?

_+_+_

"Hedwig."

"Haa?" Pag-aalala, yun ang ekspresyon na nakasulat sa mukha ni Maggie.

"Okay ka lang ba, kanina pa kita tinatawag, masama ba pakiramdam moh?" Napangiti ako dahil sa malasakit sakin ni Maggie, umiling ako bilang tugon sa mga tanong niya.

"Okay lang ako." Tapos nun ay bumalik na kami sa practice, nag prapractice kasi kami ng sayaw para sa ball. Pero sobrang bothered parin ako, naramdaman ko tuloy na nawalan ako ng kalayaan, kalayaang gusto c Kenneth, kalayaan siya na tinignan sa malayo. Kahit na ang pagkakaibigan ang para impossible na rin, ayoko kasing may mamagitan sa kanilang gulo baka kasi maging hadlang lang ako, masakit man aminin pero maaring gusto din ni Kenneth c Sophia, it's inevitable, parati silang magkasama, malamang nadevelop na sila sa isat-isa. Defense mechanism ko na rin to, baka mas masaktan na naman ako.

"Alvarez." Mula sa pagkakatulala ay napansin kong nasa harap ko na pala yung dance instructor namin, nagprapractice kami ng sayaw para dun sa sayawan.

"Why aren't you moving?" Nakatingin sakin ang mga kaklase ko, nakakahiya, ano ba tong mga pinag-gagawa ko.

"I'm sorry Sir." Sabi ko ng nakayuko.

He just sighed and went back to his business.

Natapos ang practice, nagsibalikan ang lahat sa classroom, ang ingay namin, kadalasan ang napag-uusapan ay ang paghahanda para dun sa sayawan.

Nang ma in-love ang Dating Bully  (Ongoing Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon