"Nasa library kami, punta ka dito may pinapagawa satin." Tsk. Ba't sa lahat ng pwedeng puntahan dito sa school eh library pa, nakakaantok dun. As usual late na naman ako, pagdating ko sa classroom wala ang mga kaklase ko, kaya t.next ko si Maggie at yun ang naging reply niya.
Nasa 4th floor ng building yung library, nung nasa 2nd floor nako, ay biglang may tumawag sakin.
"Hedwig" paglingon ko sa bandang kaliwa ng building ay bumungad sakin si Seth, tama siya na naman, nung isang araw nang-inis siya sakin tapos ngayon ito na naman? Psh. Napapagod na rin ako sa mute drama ko pag nagkikita kami, kaya kinausap ko siya.
"Ano na naman?" ang aga-aga naninira ka ng mood.
"Di ka man lang ba manghihingi ng sorry sa ginawa mo?"
"Ba't naman ako mag sosorry sayo, eh kasalanan mo naman, you provoked me." eh, totoo naman eh, kung pinipili niya lang sana pinagtritripan niya, wala sanang gulo.
"Tsk, tignan mo, putok yung labi ko, minus pogi points." psh, Buti nga yan sayo.
"Ba't ba galit ka sakin?"
"Dahil ayoko sa mga taong katulad mo, yung mga presko at wala nang inatupag kundi mga mukha nila, ang dali mong sabihin na gusto mo ako, ni hindi mo nga ako kilala, hindi mo nga alam kung ano ang pinanggalingan ko."
"Diyan ka nagkakamali, alam ko kung ano ka dati" nagulat ako sa sinabi niya "diba, bully ka dati?" I am dumbfounded, san niya nalaman ang tungko dun.
"At pag di ka nag sorry sa ginawa mo sakin ay magrereklamo ako sa SAO (Students Affairs Office) na may isang freshman senior high na nanuntok sa kanyang upper class man." natatawa ako sa kanya, tinatakot niya ba ako?
"So you're blackmailing me?"
"If that's what I need to do, then so be it." Bigla kong naalala ang pangako ko kay Tsong, hindi ako pwedeng pumalpak sa bagong buhay mission ko, hindi ko kayang saktan ulit si Tsong at ang mga taong may tiwala pa sa akin. Pag naakabot sa SAO yung ginawa ko ay maari akong ma expel, nung enrollment, dahil sa past records ko ay may pinermahan ako dito sa school na hindi na ako gagawa pa ng kahit na anong gulo pag di ko sinunod yun ay matatanggal ako dito.
"Don't worry, you don't need to say sorry in the traditional way." Anong ibig niyang sabihin?
"The only thing you need to do is to come with me, this saturday." haaa? Anong mangyayari sa saturday?
"I'll text you the other informations, see yah!" tapos nun ay bigla siyang nawala, teka, paano niya ako e.tetext kong di ko naman siya binigyan ng number ko.
Yan kasi Hedwig, di ka kasi nag-iisip yan tuloy na corner ka ng matsing, wala ka ng choice kundi pumayag.
±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±±
"Ang init sobra." sabi ni Maggie, andito kami ngayon sa gilid ng basketball court, ang sports kasi namin ngayon sa P.E ay volley ball at basketball.
Katabi ng basketball court ang volleyball court, nung 1st and a half month ng school year ay nag volleyball kami tapos ngayon ay basketball na.
"Andito ba si maam?" tanong ni Dianne.
"Oo, andito siya, nagkita kami kanina, sabi niy hintayin daw natin siya dito court." sabi naman ni Clarrise.
Di naman ganun katagal ang hinintay namin, nang dumating si Madam, ay nag gather kami sa shade ng punong mannga.
"Okay so gusto kong malaman niyo na ang finals natin para sa semester na ito ay mini olympics, kayo kalaban ang ibang sections, sa dalawang sports kaya as early as today, magsimula na kayong magpractice, pinakuha ko na sa mga kaklase niyo ang mga bola kaya magsimula na kayo.
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Teen FictionDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...