Chapter 28
Nagising ako nang dahil sa malalakas na katok sa pinto ng aking kwarto. Bakit ba ang daming KJ sa mundo, at naging isa pa dun ang tyuhin ko.
"Oo na, babangon na ako." Psh, foundation week parin ngayon, di ko naman kailangan na maaga akong pumasok pero tong tyuhin ko naman di makaintindi nang okay lang di pumunta dun nang maaga o di kaya'y di na lang talaga pumasok. Habang nag-aagahan kami sabi niya baka matagalan daw siya nang uwi mamayang gabi, kaya mauna na lang daw ako maghapunan, may pagkain naman daw sa fridge. Tinanong ko siya kung bakit, sabi may dinner date daw sila ng girlfriend niya. Yaa. Girlfriend niya, nitong mga nakaraang araw parati nalang nakakatelebabad c Tsong, minsan naririnig ko siyang may ka skype mula sa kanyang kwarto.
Mabuti na rin yun para kay Tsong, at least ngayon di na ako mag-aalala na baka maging matandang binata ang tyuhin ko baka kasi ako pa ang sisihin na may kasalanan, ngayon di ako mag-aalala na iwan siya at bumalik na sa amin dahil may makakasama na siya.
Naglalakad ako papunta sa booth namin ng bigla na lang akong hinablot ni Maggie ang aking braso.
"Saan kayo papunta?" Tanong ko sa kanya may kasama din siyang mga kaklase namin.
"Correction, tayo."
"Pano yung booth natin?" Tanong ko ulit.
"Naku, hayaan moh na yun, mamaya din naman eh magliligpit na tayo." Mabuti naman, last day na ngayon ng celebration namin ng foundation week. Bukas walang pasok, rest daaayyyy! Nakarating kami sa harap na bagong gawang office ng faculty.
"Kelan ka pa naging interesado sa mga opening?" Tanong ko kay Maggie.
"Andito daw yung mga apo ng may-ari."
"So?" Ano naman kung andito ang apo ng may-ari ng school.
"Ano ka ba Hedwig, ang gagwapo kaya ng mga Whorfs." Sorry friend, di kasi interesado eh, I already set my eyes on someone. Sasagutin ko na sana siya ng bigla siyang may sinasabi.
"Andito rin pala sila Kenneth." Agad akong lumingon sa harap ng marinig ko ang pangalan niya. Laki na sana ng ngiti ko ng makita ko siya pero nawala din agad ito ng makita ko kung sino ang katabi niya.
"Hedwig, sa tingin moh sila n—" di ko pinatapos c Maggie sa tanong niya. Nung tinanong niya ako kung saan ako pupunta sinabi ko sa kanya na sisimulan ko ng linisin ang booth namin.
Nung makarating ako sa booth namin nadatnan ko ang iba kong mga kaklase na nagsisimula nang maglinis pero umalis din agad nung malaman nilang magsisimula na ang event para sa bagong office ng faculty. Malamang may mga gwapo daw eh.
Sinimulan kong maglinis sa waiting area namin, ang daming kalat may mga pinagka-inan may mga tela at iba pang uri ng kalat.
Nung lumabas na ako sa waiting area namin para sana itapon ang mga kalat na nakolekta ko doon. Nakita kong may tao na pumasok sa aming booth, nakatalikod siya sakin, sasabihin ko sana sa kanya na sarado na ito pero di ko pa nasasabi ito sa kanya ay agad siyang lumingon sakin na nagpatigil sandali ng mundo ko.

BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Teen FictionDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...