A/N: After 48 years nakapag update narin ako, truth be told medyo nahihirapan akong tapusin ang storyang ito, wala na kasing nag momotivate sakin. Pero kahit na ganun gusto talagang tapusin ito. Gusto kong gumawa ng friendly atmosphere towards you guys, my readers (kung meron man) kaya sana mag comment kayo, tell me your insights about my story, that might fuel me to finish it.
Di ko na maalala ang huling pagkakataon na nagising ako ng ganito ka gaan ang pakiramdam, hindi lang physically ah pero sa kalooban din. Dahil din dito kaya gusto ko pa sanang e-extend ang aking pagtulog kaya lang ginising na naman ako ni Daff, ayoko pa sana talagang bumangon kaya lang wala din kasi siyang planong tumigil sa paggising sakin. Ang sarap ng agahan, busog na busog ang lola nyo neng pagkatapos nun ay nagpunta kami sa Mall may kailangan daw kasing bilhin is Daff, psh! Kelangan daw eh nasa tindahan nga kami ngayon ng mga headbands, suklay, hairpins, hair twister, chignon bun at kung ano-ano pang pangkolorete sa buhok. Habang tumitingin ako ng brush ay biglang lumapit sakin c Daff at isinuot sa ulo ko ang headband na color baby blue na may maliit na ribbon.
"Ano to?" Tatanggalin ko na sana ito mula sa ulo ko kaya lang pinalo ni Daff ang kamay ko.
"Wag mong tanggalin." Tinignan niya ako ng maigi. "Bagay nga sayo" sabi niya tapos sabay kuha sa headband mula sa aking ulo, agad siyang dumiretso sa counter. Inaantok ako sa loob kaya nagpaalam ako kay Daff na lumabas muna, katabi ng tindahan na iyon ay tindahan naman ng mga damit pambabae. Aaminin ko ang ganda ng mga damit nila, pero mas na capture ang attention ko sa floral dress na suot ng isa sa tatlong manikin na nasa right side.
Habang nakatingin ako sa damit napaisip ako bigla tungkol sa mga date, diba kadalasan sa mga nakikita natin na picture sa google o tumblr kapag tungkol sa love ang hinahanap natin, lumalabas ang photos ng babae na nakadress at nakalugay ang buhok hawak-hawak ang kamay ng boyfriend niya. Aaminin ko, kung bibigyan ng pagkakataon gusto kong suotin ang damit nato. Pero saan at kailan naman kaya? Kapag nagka boyfriend na ako? matagal pa yon o kaya baka di na talaga mangyari. Pumasok na naman sa isip ko c Kenneth, ano kayang ginagawa niya ngayon. Simula noong nagbakasyon ako dito, hindi na siya nagparamdam sakin, c Maggie tinetext nya ako parati, ganun din c Seth na parating nag tetext ng "imissyou :*" kadiri masyado, pero aaminin ko namimiss ko din sila, nung mga huling araw bago mag sem break eh naging mas malapit samin ni Maggie c Seth, ang sarap niyang kasama sa totoo lang pero hanggang doon lang yun, no more.
Siguro busy c Kenneth kay Sophia o baka naman galit siya sakin dahil di ko nasauli yung jersey niya. Nakakalungkot kung iisipin pero dapat masanay na ako, huhaayy ba't ba kasi nagkaka crush tayo sa mga taong di tayo gusto o di kaya'y di alam na nabubuhay pala tayo sa mundong ibabaw.
"Hedwig." Tawag sakin ni Daff, may dala siyang dalawang plastic.
"Ba't moh pa iniba ng plastic tong headband moh?"
"Shunga, di yan para sakin, sayo yan." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ano namang gagawin ko dito?"
"Gamitin moh te, para naman di ka masyadong plain." Plain?
"Ano naman ngayon kung plain ako?" Naiinis kong tanong sa kanya.
"Wala namang masama sa pagiging plain Hed, pero paminsan minsan kailangan moh din naman maglagay ng bago sa sarili moh." Binaliwala ko lang yung sinabi niya. Tahimik naglalakad papunta ng food court ng bigla na naman siyang nagtanong.
"Nagka-boyfriend ka na Hed?" Bumilog ang mga mata ko sa tanong niya.
"Ahh, hindi pa." Tama, hindi pa, pero may crush ako.tsk, pumasok na naman ulit siya sa isip ko. Akala ko wala na siyang follow up question, meron pa pala.
"Wala man lang bang nanligaw sayo?" Napaisip ako, meron bang nanligaw sakin? Wala naman ata, teka c Seth, teka nanligaw ba yon? Di naman ata.
"Wala." Lord, sana po di na siya magtanong baka san pa kami umabot.
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Novela JuvenilDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...