Author's Note: Hahaha, natatawa ako sa mga mali ko, yung kung nagiging kong, ang yung nagiging yong at marami pang iba, pasensya na po ulit kayo. Sana kahit na marami akong mali ay basahin niyo parin ito at mag comment!
"Hedwig! Hedwig!" Hopyang ube! Ba't nagsisigaw si Tsong kay aga-aga iniistorbo na ako, ibinalik ko sa pagsubsob ang aking mukha sa aking unan.
"Hedwig gising! may pasok ka pa" pasok? anong pasok? di ba sa lunes pa iyon? ano bang problema nito si Tsong at ----- Hale! Bigla akong napaupo sa kama. Tinignan ko ang kalendaryong nasa pader, HOPYA, MANI AT POPCORN! First day of school ngayon. Agad akong bumangon at naligo, nakakainis pag ganitong nagmamadali ako, ang dami ko pa namang nakakalimutan.
Hinatid ako ni Tsong, nang makababa na kami sa tricycle ay bigla akong kinausap ni Tsong.
"Hedwig, alam kong kadalasan kitang napapagalitan at alam kong busog na busog ka na sa mga sermon ko, pero gusto kong malaman mo na naniniwala ako sa kakayahan mo at nandito lang ako para sayo." napakaseryoso ni Tsong, kahit na magkasama kami parati, minsan lang talaga siyang mag bigay ng inspirational message.
"Ahm, iiyak na ba ako Tsong?" haha hopya!
"Di na kailangan, wala ng oras" pareho kaming napahalakhak pero ang totoo niyan nagpapsalamat ako kay Tsong dahil sa kabila ng lahat ay naniwala pa rin siya sakin kaya mahal na mahal ko yun, siya na ang tumayo na pangalawa kong magulang. Hindi lang talaga akong makapagpasalamat, siguro dahil ayaw kong maging emotional.
Nang makapasok ako sa gates ng school ay kasisimula pa lang ng flag ceremony. Psh, daming tao, nagsisimula na rin akong initan sa suot kong uniform. Truth be told, ang gandang tignan ng mga estudyante dito dahil sa kanilang uniform, pero talagang ang init, sobra! Pagkatapos ng flag ceremony, agad nagsialisan ang mga estudyante papunta sa kani-kanilang mga classroom. Buti na lang at isinama ako ni Tsong dito noong enrollment at alam ko kung saan ako dapat pumunta.
Nang makarating ako sa classroom ay wala sa mga seats nila ang mga kaklase ko, doon ako dumaan sa backdoor ng classroom para hindi ako attentiom catcher. Nang makahanap ako ng empty seat sa likod sa right side ng room katabi ng bintana ay agad akong umupo doon, habang iniikot ko ang aking paningin sa loob ng classroom ay biglang nahagip ng paningin ko ang pamilyar na likod ng lalaki na nakaupo sa harap. 'Hindi siya yan, impossible!' sabi ko sa sarili. Dumating naman agad ang adviser namin.
"Good morning Class." pagbati ng isang medyo may kapandakan na babae, mukhang nasa middle twenties pa at siya, tsaka medyo may hitsura din siya.
"Good morning Ms." bati namin sabay tayo.
"I'm Ms. Tuazon, take your seats."
"Okay so as always we are used in introducing ourselves every first day of classes." Tsk, Ayoko ng tell me who you are and I'll tell you who I am, di ko kasi nakikita ang interest sa ibang tao sa pagpapakilala lang, kadalasan bongga ang intro ng mga nagpapakilala sa harap. Kadalasan kasi mahilig ang mga tao ng head turning voice, thought provoking intro at hopyang ending so ano kaya dapat kong sabihin sa lahat, that I am a genocide in the making? a good for nothing student expect the worst, brace yourselves blah, blah, ano ako, history maker? pag sinabi ko isa sa mga ito, akin na lahat ng attensyon pero nope, I wont do that ayoko ng attensyon, ayoko ng pinapansin at mas lalong ayaw kong nagpapapansin.
"Without further ado let's start the ball rolling." Ng sinabi yun ng teacher ay agad ko ng finocus ang aking attention sa labas, wa interest ako eh.
"I'm Clarissa Miranda from blah blah" pagsisimula ng isa. Pagakatpos niya narinig kong nagbulungan ang mga kaklase ko sa harapan.
"Grabe ang talino talaga ng taong yan." sabi nung isa.
"Nagtransfer siya dito last year diba?" Akala ko yung unang nagsalita ang ibig nilang sabihin, pero sa mga sumunod na pangyayari, mali pala ako.

BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Novela JuvenilDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...