Chapter 14: Sarap Maligo

502 4 0
                                    

"Hedwig! Malapit ng mag ala una, bilisan mo." sabi sakin ni Maggie habang nasa C.R, katatapos lang ng aming duty.

"Ba't pa rang excited ka masyado?" tanong ko habang tinatanggal ang hairnet sa aking buhok.

"Siyempre gustong-gusto ko rin kayang mag swimming, tsaka kaming mga matataba di na kailangan pang mag-effort lumangoy kasi lulutang din naman kami, HAHAHA!." biro niya

"Ewan, ikaw lang ata natatawa diyan sa biro mo." Inihahanda namin ang mga dadalhin mamaya sa pool.

"Sige, Hedwig mauna na ako sa labas." pagpaalam niya.

"Sige, susunod agad ako." Ang totoo niyan excited talaga ako sa dahil matagal-tagal na rin akong di na kakapag swimming.

Nang makalabas ako napansin kong may dala-dala rin bag si Kenneth, mas malaki sa usual niyang dinadala pag nagtratrabaho. Nakapag bihis na rin siya, naka Soft tee siya na maypagka dirty white tapos naka khaki shorts at tsinelas na color blue.

"Hindi pa ba sila dumadating?" tanong niyang bigla sakin.

"Haa?" hindi ko siya maintindihan, sinong sila?

"Sila Sophia at Seth, di ba dito nila tayo susunduin?" my jaw dropped.

"Ang ibig sabihin, kasama ka pala namin?" sabat ni Maggie bigla na nasa likuran ko pala.

"Oo, ganun na nga." psh, wala man lang sinabi si Seth tungkol dito.

"Ayy! speaking of them, andito na sila." sabay kaming napalingon sa likod ni Kenneth sa labas.

Tama andito na sila, may Toyota Hilux na pumarada sa kabila at nang bumukas ang pinto sa harapan ay iniluwa nito si Sophia. Grabe ang ganda niya, nakamaong na white shorts, loose racerback tank top na color blue at naka rayband na shades, kitang kita ang ganda at kinis ng legs niya at dahil din sa shades mas na emphasize ang kanyang nose line, dumagdag pa ang kanyang bed hair look, ganda niya sobra. Sumunod na mang lumabas sa sasakyan si Seth na naka sando na white at hawaiin shorts na blue at white yung print.

Naunang lumabas si Kenneth para salubungin sila.

"Parang model si Sophia tapos si Seth naman hunk yung dating, grabe O.P ako sa kanila." sabi ni Maggie.

"Bakit, ikaw lang ba." nakaramdam din ako bigla ng conciousness, eh sino ba namang hindi, eh mukha silang mga artista, naka white t-shirt lang kami at naka hawaiin shorts na above the knee yung length ni Maggie. Para kaming mga P.A. Psh, sana di na talaga ako pumayag dito.

"Pssstt. . Di pa ba kayo lalabas?" biglang tanong samin ni Kenneth na hawak yung handle ng glass door, galing na siya sa labas.

"Ahh, oo." sabi ni Maggie. Agad naming dinala ang aming mga gamit, nagpaalam kami sa aming mga kasama at lumabas na.

"Ako ng magdadala niyan." sabi ni Seth ng makarating na kami kung saan naka park ang kanilang sasakyan.

"Di na, kaya ko naman." para bag lang ikaw pang magdadala, eh ang gaan nga nito.

"Sige na guys, sakay na tayo," sabi ni Sophia, "ahm, hedwig tabi kayo ni Seth sa front seat," nagulat ako sa sinabi niya.

"Haa? Naku huwag na, sa likod na lang ako." ayoko ko sa unahan at ayaw kong katabi si Seth.

"Sige na, tsaka alam ko namang mas gugustuhin ng pinsan ko na katabi ka kaysa sakin." sabi niya sabay tingin kay Seth na ngumuti dahil sa sinabi niya. Grrr! Nakakainis!

Tahimik kaming nag travel, yung setting, kami ni Seth sa unahan tapos sa likod namin ay Sophia, Kenneth at Maggie. Si Kenneth ang nasa gitna na busyng nakikipag usap kay Sophia. Buti na lang si Seth ay naka focus sa pag dadrive niya, habang si Maggie naman ay nakikinig ng music.

Nang ma in-love ang Dating Bully  (Ongoing Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon