A/N: I am so happy because one of my favorite novels, The Fault in our Stars is going to be our subject for critique in one of my literature subjects WAAAAHHH! It takes courage for us ng kaibigan ko na e.suggest ito, and yes it's approved! Thank you Lord! Nababasa ko na ito sa aming course syllabus. Hahahaha, ang babaw ng happiness and please do Comment and Review :) God bless.
"HEDWIGGG!" Nagising akong sinigaw ang aking pangalan. Hopyang disturbo! Dumilat ako pero pinikit ko din agad ang aking mga mata kaya lang di ako makabalik sa aking not beauty rest dahil sa malakas na pagkatok.
Wala akong choice kundi bumangon at buksan ito.
Bumati sakin ang bulaklak sa ulo ni Daff. Nang malaman kong siya lang pala ay bumalik ako sa paghiga.
"May balak ka bang sirain ang pinto?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman kung bumabangon ka sana ng maaga."
"Alam moh ba kung ano oras pa haa? Ang aga mong mang disturbo." Sinubukan kong bumalik sa pagtulog pero parang impossible na ata.
"7:30 na Hed, mag aagahan na, kaya ka pinapatawag ng mga magulang moh."
"Ba't ang aga ninyong mag almusal?"
"Dahil marami kaming kailangang gawin sa pottery at ngayon na andito ka ay kasali ka na doon."
"Ten minutes."
"Ngayon na."
"Five."
"Hindi."
"Arrggghhhhhhhh!"
Wala namang masyadong nangyari sa unang araw ng aking bakasyon dito, sabi ni Daff ipapasyal nya daw ako, pshh! Parang ngayon lang ako naka-uwi, tinanong ko siya kung saan nya ako dadalhin sabi niya sa peryahan daw, yung katabi ng pier dito. Sabi niya dami dawng rides dun. Naexcite din naman ako kahit na papaano. Napadami ata yung kain ko at sumakit ang tiyan ko.
"Ahhh." Sabi ko sa sarili ng makalabas ako sa banyo, ang sarap kasi sa pakiramdam na nakapagbawas ka.
Nang papalapit ako sa aking kwarto nagulat ako nang mapansin kong nakabukas ang ilaw sa aking kwarto agad akong pumasok. Nagulat ako nang makita ko c Mama, pero mas nagulat ako sa hawak niya. Counseling form. I shuddered, parang nanigas ang buo kong katawan dahil dun, naitanong ko sa king sarili kung saan nakuha ni Mama yung form, mula sa pagkakatalikod ay humarap sakin c Mama, di ko maipaliwanag ang kalungkutan na naipinta sa kanyang mukha.
Huminga ako ng malalim, kinalma ang sarili ko, baka panahon na nga na dapat ko ng sabihin sa kanila ang totoo. Sinara ko muna ang pinto bago ako magsimula. Huminga ulit ako.
"Ma, ahmmm...tungkol sa diyan, ahh"
"Alam ko." Umupo c Mama sa aking higaan, kaharap ang bintana.
"Po?" Di ko alam, paano niya nalaman, nagsumbong ba c Tsong, tinawagan ba siya ng admin ng dati kong pinapasokan? Hindi ko alam.
"Hindi ka sinumbong tiyuhin moh, sa tingin ko nga mas loyal pa siya sayo kaysa sakin dahil hindi niya nagawang sabihin sakin ang katotohanan." Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayu-an.
"Nung isang taon ko pa nalaman ang totoo, yung bag na ginamit moh nang umuwi ka dito na sinabi mong iyong lalabhan pero niyaya kang mamasyal ni Daff kaya naisipan kong ako na lang ang gumawa nito. Kahit na wala nang mga laman ang bag ay inisa-isa ko ang mga bulsa nito, baka sakali kasi na may nailagay ka sa isa sa mga ito tapos nakalimutan moh lang ilabas, at meron nga."
Pinahid ni Mama ang luha sa kanyang pisngi na hindi ko nakitang tumulo dahil sideview ang nakikita ko.
"Tinawagan ko ang tiyuhin moh,wala siyang nagawa kung hindi sabihin sakin ang totoo."
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Dla nastolatkówDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...