Chapter 26
Nasaan na ba yun? Sasabog na tong pantog ko, kung bakit ba naman kasi ang hirap hagalapin ng mga tao ngayon. Psh, simula na kasi ng foundation week na kasi ng school ngayon. Ay di ko na kaya, kailangan ko na talagang mag banyo, mamaya ko na lang hahanapin c Moi.
Yeah, di lang pala pagpupuri ng crush moh nagpapadala sayo sa cloud 9, pati rin pala ang pag-ihi matapos ang matagal na pagpipigil nito.
Ngayon kailangan ko nang mahanap c Moi. Saan ba ako magsisimula? Ngayon kasi ang unang araw kasi ng showing ng play prod psh, sa settings lang naman kami ba't parang naging production narin? Habang nasa hallway ako bigla nagvibrate ang aking phone, sabi sa text wag ko na dawng hanapin c Moi kasi andun na siya sa AVH. Great!
"Hedwig." May bigla sumigaw ng pangalan ko. Di pa ako nakakalingon sa likod eh, nasa harapan ko na siya. Bilis din nitong c Seth ah.
"Kamusta?" Bagong gupit siya ngayon, nagpatrim ata.
"Okay lang, ikaw?" Medyo nakakailang pero sinusubukan kong maging komportable kay Seth.
"Okay lang din, may sasabihin nga pala ako sayo." Natigil kaming dalawa sa paglalakad.
"Ano yun?" Sana hindi to tungkol sa kahit na anong related sa feelings daw niya sakin.
"Sa susunod na linggo."
"Bakit?" Baka pilitin na naman ako nitong lumabas.
"Anu kasi----ahmm, may a-ano." Ba't nabubulol to?
"Pwede ba Seth, diretsuhin moh nga ako."
"Ball." Haaa? Ball? Anong Ball as in Bola?
"Huwag mong sabihin di moh alam?"
"Anong di ko alam?" Ano nga bang di ko alam?
"Yung Ball." Ayan na naman yang ball na yan eh.
"Ano ba naman kasi ang mayroon sa bola?" Baka pinagtritripan na naman ako nito. Naku, talagang babatukan ko to pagnagkataong totoo ang hinala ko.
"Hindi bola ang ibig kong sabihin, Ball as in sayawan." Sayawan? Party? Ay! Alam ko na.
"Ahh, ball as in yung mga nasa fairytales, kung saan umattend c Cinderella." Napangiti siya sinabi ko. "Anong tungkol dun?"
"Tama, di moh alam kasi transferee ka nga pala may Cotillion kasing ginaganap every year sa school pagkatapos ng foundation week, parang J.S prom sa ibang school."
"Ahh," yung word na cotillion una kong narainig kay Candice sa Phineas and Ferb.
"So pupunta ka?"
"Oo." Diresto kong sagot.
"Talaga?" Akala siguro nito di ako sasali, kung pwede lang sana pero ayaw kong mapagalitan na naman. Marami din pagkain sa event na katulad niyan, kaya may benefit parin akong makukuha.
"Oo nga sabi eh."
"Ahm, may nagyaya na ba sayo?" Haaa? Ba't may magyaya?
"Bakit? Ano bang meron?" Tange! Kasasabi pa nga lang may sayawan eh.
"Ahm, yung parang prom date, may nag-alok naba sa iyong iba?"
"Teka, Prom date? Kelangan ba talaga ng ganun?" Napaka Disney naman nito.
"Hindi naman talaga, gusto ko lang siguraduhin na ako lang ang kasama moh sa mahiwagang gabi na yon." Yakk! Ang kessso moh brradd!
"Ayoko." Diretso kong sabi sa kanya sabay lakad ng mabilis, kaya lang naabutan parin ako ng mokong.

BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Ficțiune adolescențiDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...