"Pssstttt" napalingon ako kay Maggie, katatapos pa lang mg first period namin.
"Diba nagpunta ka sa bahay ni Kenneth kahapon?" Tumango lang ako, tsk, baka ito si Maggie iba na rin iniisip tungkol sa pagpunta ko sa bahay ni Kenneth.
"Sabi mo sa akin kanina mukhang okay naman siya, pero ba't wala pa rin siya hanggang ngayon?" napalingon ako sa harap ng sinabi niya iyon, tama absent pa rin si boy lampa, anyare kaya dun?
"Di ko alam eh" sagot ko sa kanya. Bigla namang dumating ang teacher namin sa second period.
(❁´‿'❁)*✲゚*
Hayy ang sarap sa pakiramdam, sabi ko sa sarili nang makalabas ako sa banyo, sobrang naiihi na talaga ako kanina, nung marinig ko yung bell para sa recess ay agad akong nagpunta sa banyo. Habang naglalakad ako pabalik ng classroom, napansin kong di pantay ang pagkakaayos ng medyas ko, mas mataas yung isa, huminto ako sandali para ayusin ito ng itinaas ko ang aking upper body mula sa pagkakayuko ay bigla namang may bumangga sa akin.
"Araayy!" sabi ko, parang pader kasi yung bumangga sakin.
"Naku sorr---" nagulat ako ng makita ang taong naka bangga sakin.
"Hi" nakangiting sabi ni Seth, tama siya nga, kasama niya ang kanyang mga kaibigan, kakain ata sila.
"Sige Seth, mauna na kami sayo, mukhang importante yan eh." tinitigan ako ng kaklase niya nung sinabi niya ang importante part.
"Sige Tol, susunod ako." sabi niya, binalik niya ang kanyang paningin sakin, as usual nakangiti na naman.
"Destiny" sabi niya bigla.
"Ano?" tanong ko.
"Destiny, destiny tayo." Yak! gusto kong masuka sa sinabi niya.
"Pwede ba, tigil tigilan mo nga ako." pagkatapos kong sabihin iyon ay humakbang ako palayo sa kanya.
"Teka," hinawakan niya braso ko "Hindi pa ba obvious, itinadhana ng Diyos na magkita tayo, na sa lahat-lahat ng pwedeng dumaan dito ay ikaw pa, at sa dinami daming pwedeng bumangga sa iyo ay ako pa, It's certainly a sign." Choks! ka lalaki niyang tao naniniwala siya dyan.
"Hindi ako interesado diyan." sabi ko.
"Pero ako Oo," tinitigan niya ako ng sinabi niya yun. Nakita ko ang pagbabago ng facial expression niya mula sa goofy ay naging seryoso.
"Interesado ako sayo, sa atin" natahimik ako bigla "alam kong sa tingin mo ay hindi ako seryoso at kahit kailan ay hindi sumerseryoso sa isang tao o relasyon dahil gwapo ako" wow ang humble niya "at dahil dito kaya kong paglaruan ang mga nararamdaman nila, pero kong ito ang tingin mo sa lahat ng lalaki then I will tell you that you are committing a fallacy and that is hasty generalization, hindi lahat ng lalaki pare-pareho, hindi kaming lahat manloloko. Trust me Hedwig, iba ako, iba."
I was dumbfounded, di ko alam sasabihin kahit na binabrag niya ang kanyang pagiging gwapo ay ramdam ko parin ang sensiridad nito. Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad din siyang umalis, tinignan ko lang siya habang lumalayo. teka ano nga ba yong sinabi niya? fallacy of generalization? pshh. ano bayan ang author gumagamit ng term na hindi maintindihan ng readers, kahit na nung character, it's greek to me HAHAHA!
Nang makabalik ako sa classroom ay biglang sinalubong ako ni Clarisse, si Class President baaa. Nabigla ako sa request niya, gusto niyang puntahan ko si Kenneth sa kanilang bahay ulit dahil may pinapahatid dawng "important documents" yung SSG. President sa kanya, so ganun errand girl lang ako, nabalitaan din daw kasi niya na doon ako galing kahapon, since close naman daw kami ni Kenneth which is definitely untrue ay pwede ba daw na ako na lang maghatid nito Hopya! ba't ba parang pinaglalaruan ako ng pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Teen FictionDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...