Chapter 25: Init at Ulan (SBWYE)

321 5 0
                                    

Naging conscious na ako tuwing magkakasama kami ni Kenneth sa iisang lugar, para akong ewan na lumilingon sa iba't-ibang direksyon baka kasi nakikita kami ni Sophia. Kagabi, naisip ko ang sitwasyon niya, psh, pareho lang pala kami, pero ba't feeling ko di naman ata yun totoo. Para naman kasing mutual ang feelings ng dalawa sa isa't-isa. Pinapaasa lang ata ako ng Seth na yun at umaasa din naman ako.

"Who was the man who deeply loved his land?"

Basa ko sa unang number ng Test III. Oo, exam namin ngayon at nasa harapan ko lang si Kenneth.

Wang Lung, ang isinagot ko.

Tahimik ang buong klase ngayon yung teacher kasi eh nasa harap lang, paminsan-minsan eh tumatayo at naglalakad sa gilid namin. Buti na lang talaga at nakapag-aral ako.

Humikab ako pagkatapos ng test, buti naman at huli na yon tapos na ang 3rd grading. Napatingin ako sa kisame, naisip ko malapit na rin pala ang foundation week namin, patapos narin kami sa play prod.

Tinignan ko ang upuan ni Kenneth, wala siya, agad ko siyang nakita na lumabas, mukhang busy talaga siya ahh.

"Mukhang nag-aral ka talaga haa." Napatingin ako kay Maggie.

"Di naman masyado, konti lang."

"Pahumble ka pa, wala na ba kayong kailangang gawin para sa play prod.?

"Wala na siguro."

"Uyy, nagdate daw kayo ni Seth?" Nag abot ang kilay ko ng marining yun.

"Di ahh, sino naman ang nagsabi nyan sayo?" Mga tao talaga ang hilig gumawa ng kwento.

"Pero lumabas kayo?" Anticipation was written all over her face. Naupo siya sa katabi kong armchair

"Oo, kinaladkan niya ako palabas ng activity center." Napangiti siya ng marining yun.

"Sabi nga nila para daw kayong nasa isang seinen anime series, ang drama daw kasi ng exit nyo." Napairap ako, malamang kinalat na ito ng maraming tao.

"Nag-aalala ka?"

Tinitigan ko siya, "alam moh wala naman talaga akong paki-alam sa mga sinasabi nang ibang tao tungkol sakin pero iba to, ayaw kong isipin nila na talagang may relasyon kami nung mokong."

"Akala ko ba aware na c Seth na ayaw mong magpaligaw."

"Aware siya na hindi." Hindi na kailangang magsalita pa ni Maggie, basang basang ko na siya.

"Aware nga siya pero ginagawa niya parin."

"Yung pangliligaw niya?"

"Oo, nilalabas niya parin ako at di ko alam kung bakit tuwing nangyayari yun eh sumasama naman ako."

"Baka naman may gusto karin sa kanya at tinatago moh lang."

"Sa lahat ng tao ikaw pa talaga ang magsasabi niyan?" Unbelievable you my friend. Teka, baka nga may gusto ako kay Seth, waattt? Baliw ka ba? alam naman natin kung sinong gusto moh Hed!

"Okay, sorry na, siya nga pala nagluto ako kanina at nagdala ako para tanghalian natin." Na energize ako sa sinabi niya, its foood mamen! Gusto ko sanang malaman kung ano ang niluto niya kaya lang nilapitan ako ni Clarrise, sinabi niya sakin na kailangan daw naming pumunta ng school bukas para sa finishing touches para sa play prod.

Great! Binalak ko pa namang maglaba bukas, manood ng movies, anime at matulog.

Ang sarap talaga ng luto ni Maggie, sobrang nabusog ako sa pananghalian. Bumalik ang thought ko kay Seth, bat ba di ko siya gusto? Mabait naman siya, matalino at gwapo. Andami ngang babae ang gusto siya. Pero aaminin ko ang sarap niyang kasama, baka yun lang. Tama, gusto ko siyang maging kaibigan.

Nang ma in-love ang Dating Bully  (Ongoing Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon