Opening kaming tatlo ngayon kaya kahit na sabado ay maaga akong nagising yeah, amma working girl baby, hahaha. Ngayon lang kaming tatlo na assign sa opening kaya di pa namin masyadong alam ang gagawin, ang dami palang dapat gawin pag opening kayo, ihanda at e.check yung mga products niyo, mag mop at mag linis ng bintana. Maaga din si ate Karen, siya kasi ang cashier, tapos si manager din. Nagpupunas ako ng bintana sa loob si Kenneth naman sa labas, habang nagpupunas siya di ko maiwasang makatingin sa kanya, hindi siya naka eyeglass ngayon, ang ganda ng mga mata niya ang tangos ng ilong ang kinis ng mukha ang gwapo ?, para naman ewan at bigla din siyang tumingin sakin, di agad ako naka react, ngumiti lang siya tapos, naramdam ko na namula ako nang ngumiti siya sakin, Hopya ano ba tong pinag-iisip ko. bumalik na din agad siya sa pagpupunas. Binalik ko na rin ang aking attensyon sa paglilinis, half day lang kami ngayon.
Nasa counter kami ni Maggie ng bigla siyang magsalita.
"Psstt," tawag niya sa akin habang inaayos ko yung mga box ng cake.
"Hmm?" yung lang ang naging sagot ko.
"So, ano pupunta ka ba ngayon?" sinabi ko kasi sa kanya yung tungkol dun sa ginawa ko kay Seth at ang banta niya sakin. "Kung ayaw mo, hindi mo naman kailangang pilitin sarili mo." pagpapatuloy niya.
"Tama ka Maggie, pero ayaw ko namang urungan yung hamon niya sakin, tsaka para matapos narin to." ayaw ko na kasing pahabain yung gulong ginawa ko.
"Ikaw'ng bahala." sabi niya.
"Oh, Kenneth aalis kana?" sabi ni Maggie, napalingon ako sa lamesa na kaharap ng counter kung saan banda nakatayo si Kenneth.
"Ahh, oo may lakad ako eh." saan kaya? Anu ba Hedwig, pakialam mo ba kung saan, sita ko sa sarili.
"Kayo? Di ba kanina pa end ng duty natin?" tanong niya.
"Okay lang naman samin mag extend ng working hours, wala naman kasi kaming lakad." sabi ni Maggie "ayy si Hedwig meron pero mamaya pa." tinignan niya ako ng marinig niya iyon.
"Anong tinitingin-tingin mo? Bakit , ikaw lang ba ang pwedeng may lakad?" sabi ko.
"Wala akong sinasabi ng ganyan." sagot niya.
"Eh, iba ang tingin mo eh."
"Huwag kang mag-alala, di na kita titignan, pag kausap kita, pipikit na lang ako." aba unggoy din to ah!
"Sige, alis na ako, ingat kayo." sabi niya ng papalabas na siya sa pinto. Parang nakadama ako ng pagsisi kung bakit ko pa iyon sinabi.
Sabado, 3:00 pm, kahit na 2:30 yung sinabi niya ay sinadya ko talagang magpalate, 30 minutes din lang naman. Nasa town plaza ako ngayon sabi kasi ni Seth na dito kami magkita, unggoy naman ako at pumayag pa. Nakita ko din siya agad, nasa may fountain siya, naka v-neck na stripes na shirt at naka slim fit na jeans, di nakawax buhok niya na bumagay sa kanyang mukha, medyo fit sa katawan yung suot niya kaya medyo halata yung magandang build-up ng katawan niya. To summarize it, sobrang gwapo niya, para siyang artista. Nagdalawang isip nga ako kung lalapitan ko ba siya o hindi. Medyo na concious ako bigla sa suot ko, mukha kasing di bagay. Pero kahit na ganun, di parin ako attracted sa kanya, ewan ko ba, parang wala talaga akong nararamdaman na---ano nga ulit tawag dun? Butterflies in my stomach? Wala nga kahit cocoon sa tiyan ko butterflies pa kaya.
Ng makita niya ako ay agad siyang lumapit sakin, "Hi" sabi niya ng makarating sa kinatatayuan ko.
"Akala ko di ka na darating, buti na nga lang akala ko lang yun." sabi niya ng nakangiti, ngiting nakakatunaw para sa ibang mga babae pero nakaka inis para sa akin.
"Diretsuhin mo nga ako, anong kailangan kong gawin para matapos natong kalokohan mo?" tinignan ko siya ng diretso sa mata.
"Wala ka namang kailangang gawin eh" nakangiti pa rin siya "samahan mo lang ako" bigla niyang hinawakan ang kamay ko na agad ko namang kinuha.

BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
JugendliteraturDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...