Sa mga panahong may vacant kami ay parati kaming nag pupunta sa court upang magpractice ng volleyball at basketball para sa paghahanda sa aming mini olympics.
P.E day friday
Ang init na naman ngayon sobra, pero kahit na ganun ay kailangan namin magsakripisyo, sa susunod na linggo na ang aming 2nd periodical exam at saturday next week, magaganap ang aming mini olympics kaya puspusan daw ang aming pag pa-practice.
"Sige, Hedwig ikaw ang mag serve." sabi sakin ni Therese naglalaro kami ngayon ng volleyball at sobraanggg init. Pero buti na nga lang at di ko na masyadong pino-problema ang pag serve sa volleyball. Nakakapasok na kasi ito ngayon, minsan na lang puma-palya. May nagturo kasi sakin, alam niyo kung si sino? Si Kenneth. Di ko nga alam kung bakit pero isang hapon lumapit na lang siya sakin at sinabing paminsan-minsan ang volleyball ay pinapanalo sa serve lang. Kaya importante daw na di masayang ang kada serve namin.
Nakakagulat, sa totoo lang sa lahat ng tao si Kenneth ang pinakahuling tao na aking iisipin na mahilig sa sports. Dahil sa ayaw kong maging dahilan nang aming pagkatalo kaya nagpaturo ako.
Nasa kalagitnaan kami ng laro ng unti-unting dumilim ang kalangitan at nagulat na lang kami ng bigla umulan ng malakas. Agad kaming nagsitakbuhan papunta sa activity center na malapit lang sa court at doon nagpasilong.
Kumpara sa mga kaklase ko, mas basa ako. Nahuli kasi ako sa pagtakbo upang makasilong dahil kinuha ko pa yung bola.
"Abnormal na panahon." biglang sabi ni Raffy, "sa isang sandali ang init-init tapos bigla biglang uulan." sumandal siya sa pader ng nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Oo nga, parang ikaw." natawa kaming lahat sa biro ni Clarisse.
"Hoy hindi ako abnormal huh!" sabi ni Raffy na naiinis daw, pero alam naman talaga namin na sumasakay lang siya sa biro nito. May narinig nga ako pero di ko alam kung totoo, crush daw ni Raffy si Clarisse. Narinig ko yan nung nag-uusap sila Maggie at Therese.
"Parang di agad to titila." pagkatapos yung sabihin ni Maggie ay bumuhos ang malakas na ulan.
Nang hapung iyon ay di kami nakapag practice dahil umulan ng malakas at matagal. Di ko alam kung bakit habang naghihintay kami timila ang ulan ay nakadama ako ng pamimigat sa aking katawan, medyo giniginaw din ako, tsaka bigla din lang ako sinipon.
Hanggang sa pagtrabaho ganun parin ang nararamdaman ko. Sobrang bigat ng aking katawan at ang ginaw pa dahil sa aircon, gusto kong magpahinga pero di pa pwede.
"Hedwig, okay ka lang?" tanong sa akin ni Maggie habang naglalagay ako ng mga orders sa tray.
"Medyo mabigat lang pakiramdam ko, pero okay lang ako." sagot ko sa kanya, ang totoo niyan di talaga ako masyadong okay, naisip ko baka may lagnat ako.
Nagpunta ako kay Kenneth para kunin yung mga ordered drinks.
"Ito na ba lahat?" tanong ko sa kanya.
"Oo." sabi niya.
Isa isa kong inilagay sa tray ang mga orders at inihatid ito sa table. Di ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko kaya nagpunta na ako sa banyo.
Ang lamya ko pala tignan, parang wala akong kalakas lakas. Namumula din ang mata ko.
Nang lumabas ako sa C.R ay nakita ko si Kenneth, gagamit siguro siya ng banyo. Habang naglalakad ako, naramdaman kong parang umikot ang mundo, napatigil ako at sumandal sa pader.
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Kenneth na agad akong nilapitan.
Tinignan ko siya, ba't parang nag-papakita ng pag-aalala ang kanyang mga mata? Psh, guni-guni ko lang siguro to.
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Teen FictionDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...