Chapter 15: The Whorfs.

421 8 0
                                    

Author's Note: Sorry kung ang daming errors ng story ko at feeling ko din masyadong unorganized ito, nababaliw na ako sa anime fanfic stories tapos kailangan ko pang gumawa ng thesis proposal, at hanngang ngayon di ko parin ito nasisimulan, napaka responsable ko talagang estudyante, HAHAHA! Comment din kayo pag may time :D

Kenneth's Perspective

Papunta ako ngayon sa bahay ng dalawa kong kaibigan, mag kapatid sila actually. Nalaman ko na lang kasi isang araw na nakabalik na pala sila dito sa bansa.

"Magandang umaga po, Nay Juna" sabi ko ng makapasok ako sa malaki at puti na bahay, nag-aayos siya ng bulaklak ng pumasok ako.

"Kenneth, Ijo ikaw na ba yan?" sabi niya sakin sabay yakap, obvious na nagulat si Nay Juna ng makita niya ako. "ang laki na ng ipinag bago mo." Tinignan niya ako ng mabuti na parang chinechek kung ako nga ba ito.

Si Nay Juna ang dating yaya ng mga kaibigan ko nung bata pa sila at hanngang ngayon siya ay nagtratrabaho parin sa kanilang pamilya.

"Marami nga pong nagsasabi niyan." sagot ko sa kanya, kahit noon pa ay malapit na sa puso namin si Nay Juna, mabait kasi siya at mapakagkakatiwalaan.

"Nasa taas sila, sa entertainment room." alam na alam ni Nay Juna kung sino ang ipinunta ko dito.

"Sige po Nay, salamat!" sabi ko sa kanya, agad naman akong umakyat sa malaki nilang hagdanan.

Kumatok ako ng dalawang beses sa entertainment room.

"Woaaahhhh! Look who's here." sabi ni Kaiser na siyang nagbukas, habang si Pierre naman ay nakaupo sa sofa na nakatalikod sa direksiyon ng pinto. Ang dalawang ito ay mga childhood friends ko, nagtrabaho ang papa ko sa companya nila noon, at dahil sa may trabaho rin si mama kaylangan akong isama ni Papa at dahil sa mga walang masyadong kalaro sila noon, kami na ang naging magkalaro.

Si Pierre ang gwapo at matalino na panganay na anak nila Mr.&Mrs Whorf at ang nakikitang susunod na magpapatakbo ng negosyo ng kanilang pamilya, mapagkakatiwalaan siya kahit na medyo bata pa. Definitely, he's the picture of the dream guy 90% of the female community wants to be with, nasa 3nd year college na siya ngayon sa isa sa mga pinaka mamahaling skwelahan sa bansa, and he's going to take his masteral degree abroad.

Habang si Kaiser naman ay ang nakababatang kapatid ni Pierre, unlike Pierre, Kaiser wants to live an unstressful life kaya ayaw niya ng responsibilidad. Hindi niya mahilig seryosohin ang mga bagay, tsaka wala rin siyang pangarap sa buhay di tulad ng kapatid niya na sigurado sa kanyang gusto, ni kahit na ang kursong kinuha niya sa college ay di siya ang nagpili dahil wala naman daw siyang gustong kurso. Ang gusto lang niya ay mag enjoy, may interest siya sa F1 racing.

Kung may isang bagay na pareho sila ng kapatid niya, yun ay ang pagiging habulin ng babae, ang kaibahan nga lang si Pierre di nag eentertain ng babae, masyado siyang focus sa pag-aaral habang si Kaiser naman ay pumapansin nga ng babae puro paasa naman ang sinasabi.

Pero kahit na marami silang di pagkakapareha ay di maipagkakaila ang kanilang closeness. At di tulad ng ibang mayayaman di sila mga mata pobre. Umalis sila for 1 month para puntahan ang may sakit nilang lolo sa london. Aside from filipino blood the brothers have some dutch blood running through their veins. Ang kanilang Ina kasi ay isang half filipina, half dutch na ang pamilya nakabase na sa england.

Lumingon sa likod si Pierre, ngumiti siya ng makita ako.

"Oh, it's our smitten young man." pagkatapos nun ay tumawa siya. Hindi ako pumasok, nakatayo lang ako sa harap ng pinto.

"You know you don't need to be invited just to get inside, come in dude!" sabi ni Kaiser habang naglalaro ng dart.

Pumasok naman ako at na upo sa isang upuan na nasa gilid ng kina uupuan ni Pierre.

Nang ma in-love ang Dating Bully  (Ongoing Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon