Mga 48 years na ata akong nakatayo sa labas ng bahay namin. Gabi na at may maraming lamok pero wa epek sakin yung mga kagat nila. Di parin ako makapaniwala sa aking narinig at nasa Cloud 9 pa rin ako, kahit walang salamin sa harap ko ay alam kong parang talaga akong timang. Gusto kong sumigaw pero di ko alam kung paano. Wala na ata akong alam ngayon eh. Ni kahit pagpasok ulit sa bahay namin di ko na alam kung paano o sadyang ayaw ko lang talaga.
"Krrrriiiinnnnnngggggggggg! May hopya! May hopya!" may hopya daw sabi ko sarili. Sino kaya yun.
"Krinnnnnggggggggh! May hopya, may hopya!" may hopya nga daw Hedwig, saan ba kasi yung Hopya na yan. Dun ko na narealize na yung cellphone ko pala yung tumutunog, yaaeekss! Ringtone ko pala yun, ang panggeeett.
Naka flash sa screen ng cp ko ang pangalan ni Tsong agad ko itong sinagot.
"Hel--"
"HEDWIGGGGG!" muntik nang mabasag eardrums ko. Ano bang problema nito?
"Tsong anu ba wag mo nga akong sigawan, tsaka bat kaba tumawag?"
Nasa labas lang naman ako ng bahay.
"Kanina pa kita tinatawag, halos mapaos na ako sa kakasigaw ng pangalan mo, ano bang nangyari sayo."
May mga di magandang resulta din pala pag sobrang haba ng hair mo. "Wala tsong, cge babalik na ako."
"Sige, teka asan ka ba?"
"Cloud nine." Napa face palmed ako ng marealize ko kung anong lumabas saking bibig.
"Haaa? Anung cloud nine? Wag mung sabihin nasa isang club ka?" Ayan naa, di ka kasi nag-iisip.
"Ahh-anu Tsong, ang ibig kong sabihin ay kumakain ako ng cloud nine at pabalik na ako." buti na lang at may matalinong nilalang na naka imbento ng pagkaing cloud nine. Lusot 101.
Pumasok ako sa bahay na parang nakalutaw, pinagalitan ako ni Tsong.
"Ang bilis mo naman atang nakabalik, malayo yung tindahan ni Aling Nela mula dito, tsaka ba't ang tagal mong napasakay yung kaklase mo at sabi mo pa sa labas lang kayo ng bahay mag-iintay ba't nung tinawag ko yung pangalan mo eh di ka sumasagot. Madilim na, hindi mo ba alam na maraming loko-loko ngayon? At sinong may sabi sayong kumain ka ng cloud 9? Maghahapunan na tayo, Hedwig hoy! Nakikinig kaba sakin?"
Yung mga sinasabi ni Tsong distorted sound pagdating sa tenga ko. Di ko siya nilingon at pinansin dumiretso lang ako papunta sa banyo, kailangang ilabas ko tong nararamdaman ko.
"Paano kung may nangyari sayo haa? Lagot ako sa mga magulang mo, huy makinig ka sa sinasab--"
Nasara ko na ang pinto ng banyo. Humarap ako sa salamin at.
"AYEIIIIIIIII! Yes! Yes! Sabi niya bagay sakin ibig sabihin maganda ako,Waaaahhhhh! Napansin niya akooooooo!"
di na ako nakuntento sa sigaw eh lumundag lundag pa ako muntik na nga akong maslide pero buti na lang mahilig akong manuod ng movies. Pero napa isip ako bigla.
"Teka maganda ba ako ang ibig niyang sabihin?" tanong ko sa sarili sa salamin.
"Oh well, kahit na hindi yung ang ibig sabihin niya, sinabi niya parin na bagay sakin at may pahabol pang."
Binago ko muna ang aking boses, ginawa ko itong boses panlalaki hinawakan ang gilid ng salamin at
"Kung sino man siya sigurado akong siya ay iyong napahanga."
"WAAAAHHHHH." sigaw ko ulit balik sa totoo kong boses.
"Ang gwapo niya diba?" tanong ko sarili sa salamin. Sisigaw sana ako ulit kaya lang kinatok ako no Tsong.
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Teen FictionDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...