Chapter 7: Ang Katotohanan sa likod ng mga ngiti ni Maggie.

483 7 0
                                    

"HAAAAAAAAA" grabe lunes na lunes tinatamad ako, monday sickness ata tawag dito, yung di mo feel pumasok at wala ka sa mood.

"Hoy Hedwig, ang laki ng bunganga mo, baka mahigop kami ng buhay." pang-iinis sakin ni Therese pagpasok ko sa classroom na humihikab.

"Ang aga pa inaantok ka na?" tanong ni Maggie.

"May pinanood kasi akong movie kagabi, yung Howls Moving Castle." sagot ko. "Uyy Maggie pahiram naman ng notes mo sa Chem, di ako nakakopya last time eh." HAHAHAHA! Di parin nagbabago.

"Oh ayan." abot sakin ni Maggie, nang matapos na ako, ay ibinalik ko ito kay Maggie sabi niya paki lagay ito sa bag niya. Habang ibinabalik ko ito sa loob ng bag niya napansin kong may I.D holder sa ibabaw ng mga notebooks niya, sa ibang skwelahan ito.

When I flipped the I.D doon ko nalaman na kay Maggie pala ito, pero bakit ibang skwelahan, siguro transferee din siya dati katulad ko. Agad kong ibinalik ang I.D sa bag.

"Hedwig, gusto mo sa ibang lugar naman tayo kumain?" tanong ni Maggie sa akin habang naglilipit kami ng mga gamit namin ka riring palang ng bell para sa lunch break

"Gusto ko, pero saan naman?"

"Basta, makikita mo rin." Dinala ako ni Maggie sa likurang bahagi ng campus, ngayon ko lang to nakita ang laking lupa may mga iba't-ibang halaman at sobrang hangin pa, ang sarap sa pakiramdam.

"Ito ang farm ng agriculture department." tama may college school namin kaya lang nasa ibang parte sila ng campus.

"Ganda naman dito, ang hangin pa." sabi ko habang nakangiti. Kumain kami sa isang maliit na kiosk, grabe ang sarap din kumain dito. Nang matapos kaming kumain ay di ko natiis na mag tanong kay Maggie.

"Transferee karin pala" nabigla si Maggie sa sinabi ko, nagtataka siya kong saan ko ito nalaman " nakita ko kasi sa bag mo yung dati mong I.D" pagpapatuloy ko.

"Ah, yun bah, nagtransfer ako dito last year." sabi niya, same year with Kenneth.

"Bakit?" tanong ko.

Nakatinging nakangiti si Maggie sa malawak na farm ng sinagot niya ako "dati kasi binubully ako." di ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Binubully nila ako dahil sa timbang ko, nung nasa 10th grade pa nga lang ako parati nila akong pinagsasabihan na huwag na huwag akong tatakbo sa loob ng building baka kasi gumuho yung buong building." Di ko alam ang sasabihin, napayuko ako.

"Parati nilang pinamumukha sa kin na ang taba ko, kahit na naglalakad, pag nakikita nila ako sinisigawan nila ako ng "Hoy! may nakawalang baboy" tapos mag tatawanan silang lahat. Pero alam mo sinubukan ko, sinubukan kong baguhin ang sarili ko para matanggap nila ako, sinubukan kong mag diet kaya lang sakit lang ang naging resulta nito." Kahit na nakangiti si Maggie, ramdam ko ang kalungkutan sa tinig niya, alam ko sa sarili ko pa noon na nakakasakit kami ng tao sa pang-aapi namin, pero ngayon na may nakausap akong nabully, mas ramdam ko yung sinasabi nilang sakit, were so insensitives.

"Hindi ka ba nagsumbong?" tanong ko.

"Wala ring magagawa ang pagsusumbong mas malalo ka lang pag-iinitan pag nakataon." hindi pa rin niy ako nililingon.

"Nung maka kita ako ng chance na mag transfer ay ginawa ko, hindi kasi maganda ang resulta ng pangbubully, nakaka baba ito ng self esteem ng isang tao, nawawalan ka ng self confidence at puro self pity na lang ang mararamdaman mo." ganito lahat ng nararamdam nila dahil sa mga walang kwentang taong katulad namin.

"May sasabihin ako sayo." sabi ko nang nakayuko, kita sa aking peripheral view na lumingon siya. Hindi ko alam kung paano ito makikita ni Maggir pero gusto kong sabihin ito sa kanya.

Nang ma in-love ang Dating Bully  (Ongoing Tagalog Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon