The following days were usual, wala namang masyadong special. Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom habang nag tetext, sabi kasi ni Cookie, magkikita-kita daw kami. Yey ! Hang saya naman.
Habang nag tatype ako bigla na naman akong binangga ng kung sino, ganito na ba talaga ako ka invisible at parati na lang akong binabanggaan. Muntik pang mahulog cellphone ko.
"Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo?!" nagulat na lang ako kung sino yung nasigawan ko.
"Oh my, I'm so sorry Hedwig." sabi ni Sophia, hopya si Sophia pala naka bangga sakin. As usual hang ganda niya.
"Ah, eh okay lang." parang nahiya tuloy ako.
"Sorry talaga, may malaking box kasi akong dala, tapos medyo mabigat di ko kayang buhatin kaya kinaladkan ko na lang, kaya nabangga kita." nakita ko sa likod niya may malaking box nga.
"Okay, lang di mo naman sinasadya."
"Salamat." kakaladkarin na sana nya ulit yung box ng nag-offer ako ng tulong. Oh, matulungin na bata si Hedwig. HAHAHA!
"Ano bang laman nito at parang ang bigat naman ata para sa isang babae." Tanong ko sa kanya.
"Mga tarp kasi ito, pinalalagay ng administrator sa SSG office." kaya pala, tinulungan ko si Sophia at akala ko isang box lang ang kailangan ilipat. Yun pala marami pa, mga 5 boxes ata, yung ibang laman ng box ay kurtina ang laman, may mga pintura at iba pa, sa activity center ata ito.
"Sohpia." tawag ko sa kanya habang pabalik kami upang kunin ang iba pang boxes.
"Hmmm?" sagot niya.
"Hindi naman sa nagrereklamo ako haa, pero asan ba yung mga kasama mong officers? Ba't ikaw lang mag-isa? Kung hindi ako dumating eh, talagang mahihirapan ka sa pagdadala ng mga kahon."
"May mga ginagawa din kasi sila, yung president namin, may written long quiz tapos yung iba naman ay binigyan ng ibang task ng president, kaya ako lang mag-isa." Hmmm, asan kaya si Four Eye Smart guy? Dapat tinutulungan niya si Sophia, di talaga gentleman yun.
"Huling box nato." sabi ko habang nilalagay namin ito sa ibabaw ng isa pang box.
"Sige Sophia, alis na ako baka magsimula na yung klase namin." nasa harap na ako ng pintuan ng pinigilan niya ako.
"Wait," napalingon ako sa kanya. "kumain muna tayo, libre ko bilang pasasalamat sa ginawa mong pagtulong sakin." Ang sarap pakinggan ng word na kain at libre pero may pasok pa ako, kaya di pwede. Biglang lumapit sa akin si Sophia at hinawakan ang braso ko.
"Huwag kang mag-alala, walang magaganap na klase kasi may meeting ang mga faculty members." a smile grew on my face.
"Talaga?" ang saya ng feeling, Timing :D
"Punta tayo sa cafeteria." sabi niya. As usual wala masyadong tao mga apat lang ata kami na andito, panglima yung tindera. Nag order kami ng burgers, fries at cakes.
Napansin ko na tubig lang ang binili ni Sophia, bakit kaya. Di ko alam sa sobrang titig ko sa tubig si Sophia na disturb na.
"Bakit Hedwig?" doon ko na realize na nasa harap ko pala si Sophia.
"Nagtaka lang ako kung bakit tubig lang ang binili mo, eh marami na namang pwede pagpilian."
"Ahh, it's all part of my diet, you know, the living a healthy life thing." ganito talaga siguro pag maganda ka, conscious ka sa iyong diet.
"Ahh" yun lang ang naging sagot ko. Ang sarap ng pagkain kasi libre. Ningunguya ko ang aking burger ng bigla siya nagsalita.
"Ahm Hedwig, ang alam ko nanggaling kayo ni Kenneth sa iisang school dati, can you please tell me about him back then." Crush niya nga pala si lampayatot.
BINABASA MO ANG
Nang ma in-love ang Dating Bully (Ongoing Tagalog Story)
Fiksi RemajaDahil sa pagiging bully ay kinailangan na mag transfer ng skwelahan ni Hedwig para mag bagong buhay. Sa kanyang paglipat, dito niya nakilala ang kanyang Ms. Sunshine friend na si Maggie, si boy kindat turned her suitor na si Seth, si girl ganda na s...