Ilang araw na ang nakalipas nung dumating ako dito sa condo ni seah. At laging naka-bantay ang mag kasintahan sakin.
"Vinny wag yan baka maduwal nanaman si reina" Saad ni seah at nilagay ulit sa ref ang casava cake.
Nung nakaraan kasi bumili sila ng casava cake eh hindi pala gusto ng pang amoy ko ayun nasuka ako.
"Ang aga-aga nag pa-fight kayo dyan"
"Eh kasi si Vinny ilalabas pa ulit yung casava" Saad ni seah.
"But, babe. I want casava e" Saad ni Vinny.
"Mamaya kana kumain kapag tapos na tayo kumain ng breakfast" Saad ni seah.
Ganito lagi ang routine ng mag jowang 'to, lagi nalang nag babangayan tuwing umaga.
"Hep-hep tama na kain na tayo" pa-gitna ko sa dalawang 'to.
Habang kumakain ay nagbabalita lang sakin si Vinny about sa nangyayari sa fam niya.
"Reina alam ba yung chismis about kay Kristen Amora?" Saad ni seah.
Umiling lang ako at kumakain parin ng bacon.
"May rumors na kumakalat na nililigawan daw yon ni kuya sands" Saad ni Vinny.
Dalawang linggo palang kaming hiwalay ah, tapos ganon may pinopormahan na agad siya. Pano na si baby.
"Ayan yata yung para sa safety ko kuno" Saad ko at tumawa bg sarkastiko.
"Nandito kami bess, naka suporta kaming dalawa sayo" sambit ni seah.
Tumango lang ako at nag paalam na papasok sa kwarto.
Damn ang bilis mo naman akong palitan sandro, ayon pala yung para sa safety ko HAHA tang*na ang sakit, sobrang sakit. Ganon lang pala kabilis ako pag-sawaan.
Sa sobrang pag iyak ko ay nakatulog na ako.
Nagising ako ng may yumuyugyog sakin. "Bess gising na lunch na oh" sambit ni seah.
"Hmm inaantok pa ako seah eh" sambit ko at umupo.
"Wait humarap ka nga sakin, bat Maga ang mata mo"
"Napuwing ako kanina" sambit ko.
"Wag mo'ko lokohin reina, sinabi ko na sayo na wag mo siyang iiyakan diba, tignan mo nga sarili mo nag mumukha kang mahina e" Saad niya.
Hindi ko na nakayanan at umiyak na sa harap niya.
"Mahal ko siya, seah. Pero look ang bilis niya lang ako palitan, pano yung isang taon na relasyon namin, ano wala lang yon sa kaniya ha." Saad ko.
"Tahan na reina, nakakasama sa baby yan e, tatagan mo lang loob mo, wala akong kilala na reina na iyakin at mahina" alo niya sakin.
"Ngayon meron na" Saad ko.
Akmang tatayo ako para pumunta sa cr ng mahimatay ako bigla.
May naririnig akong boses na nagtatalo at sa pagkakaalam ko ay si seah at Vinny yon.
Nagising ako na nasa hospital na at nasa sofa ang mag jowa na nagtatalo.
"Kahit dito sa hospital nag tatalo kayo" Saad ko.
Agad naman silang lumingon sakin at agad pumunta sa pwesto ko.
"Ayos lang ang baby ko diba" Saad ko.
Tumango naman sila sakin at tinawag narin nila ang doctor.
"Sa susunod reina wag Kang umiyak ng ganon ha pinapakaba mo'ko" Sambit ni seah.
YOU ARE READING
ADDICTED TO YOU
FanfictionReina Lorelei Buenaventura ay nag ka-gusto sa isang congressman na si Ferdinand Alexander (sandro) Araneta Marcos III.