Chapter 25

630 23 1
                                    

"Travis, we should sleep now"

10pm na at ito kaming dalawa ngayon at gising parin. Binuhat ko ang anak ko na nasa crib at hiniga sa kama, dito ko nalang siya papatulugin.

Mag fo-fourth month's narin pala si travis. Maarte narin ang batang 'to at laging namimili ng sasamahan niya.

"Trav,baby. Let's sleep na it's already 10 pm"

Tinignan lang ako ng anak ko at tinawanan lang ako. Mahilig na ata siyang mangasar ngayon.

Nanood nalang kami ng cartoon network. Nakahiga sa braso ko si travis at busy na nanonood ng cartoon. Mana talaga siya sa daddy niya mag fo-four month's palang halata mong matalino na.

Nakatulugan ko ang panood dahil narin sa pagod. Imbis na anak ko ang matulog ay ako pa ata ang napatulog niya.

Naalimpungatan nalang ako ng may gumalaw sa tabi ko. Si travis pala at mahimbing na ang tulog, tinignan ko naman ang orasan at 6:20 na. Inoff ko narin ang TV at agad nilipat sa crib ang anak ko.

Oo nga pala umalis na si manang eli kaya walang mag hahanda ng breakfast. Agad ko namang tinawagan si vinny.

"Vince pwede kabang pumunta dito ngayon?"

"Ohh reina why, what happened?"

Halatang naistorbo sa pag-gising ang isang 'to dahil sa boses niya palang.

"Wala kaming kasama ni trav ngayon. Tsaka may bibilhin pa ako" Saad ko.

"Oh okay wait toothbrush lang ako"

Kinarga ko ang anak ko at dinala dito sa may sala. Meron din siyang crib dito. Paglapag ko sa anak ko ay binuksan ko narin ang TV para mag patugtog ng nursery rhymes.

Binuksan ko narin ang pinto namin para hindi na kakatok si vinny, maingay panaman Kung kumatok yon.

"Hi"

Pambungad ni Vinny at nilapitan ang anak kong natutulog parin hanggang ngayon. Mamayang 8 am pa ang gising ni travis at ayun na ang nakakasanayan namin dito.

"Hello" bati ko.

"Reina, I'm hungry." Saad ni Vinny.

"Okay wait. Pupunta ako sa restaurant malapit dito order nalang ako" Saad ko.

"Ikaw nalang kaya mag cook"

"Tinatamad ako" Saad ko.

"Okay bantayan ko nalang dito si trav" aniya.

Nag palit lang ako ng damit at dumaretso na sa sasakyan para pumunta sa malapit na resto dito samin.

Ang ending sa jollibee ang bagsak ko. Umorder lang ako dito ng mga pang umagahan namin at fries para kay travis, hindi ko na pinalagyan ng salt dahil baby ang kakain.


Habang umu-order ng pagkain ay tumawag naman sakin si sandro.

"Reina where are you?" Paunang bungad ni sandro sakin.

"Jollibee, why?"

"Okay. Hihintayin kita"

Kinabahan ako bigla. Parang may mangyayari na hindi maganda ngayon ha.

Agad naman akong nag madali at halos pinaharurot ko na ang sasakyan ko. Ng makarating sa bahay ay hindi ko na pjnarada ang sasakyan ko at agad na akong lumabas.

Nagmamadali akong pumasok at nakita ko si sandro na nakatayo malapit sa may TV at si vinny na naka-upo at halata mong nag papaliwanag.

Agad ko namang nilagay sa lamesa ang mga pagkaing pinamili ko at lumapit agad sa kanila.

ADDICTED TO YOU Where stories live. Discover now