Kaka-alis lang ni sandro ngayon at pupunta sila sa bangui ang sabi niya ay bibisitahin daw nila ang mga mamamayan doon.
Balak ko rin pumunta sa mall at gusto ko narin mamili ng mga bagong damit ko at isasama ko narin ang iba pang mga kailangan ni travis kagaya ng wipes at shampoo.
Bumangon na ako at nagligpit narin ng higaan at dumaretso na sa cr para mag hilamos at mag toothbrush. Binaba narin pala ni sandro kanina si trav at tutal kanina pa gising si vinny kaya siguro ayun ang nag aalaga don ngayon.
Bumaba na ako at nakita ko naman sa sala si Vinny na karga si trav habang sumasayaw. Lately napapansin kong laging sumasayaw si vinny.
"Good morning vinny" Saad ko.
Humarap naman siya sakin.
"Gumorning rei" aniya.
"Where's Simon?"
"I think his asleep" aniya.
Tumango naman ako at lumapit sa anak ko para halikan sa pisngi. "Hi anak" sambit ko.
"Kumain kana?" Saad ko.
"Yep. Kain kana doon" aniya.
Agad naman akong pumunta sa kusina at naka handa na roon ang mga pagkain mayroong fried rice,bacon and sunny side up egg. Nag timpla nalang ako ng kape at nag sandok na rin ng kanin.
Habang kumakain ay tumawag naman si mommy sa akin. Nasa Manila parin sila at parang walang balak umuwi dito sa ilocos.
"Mommy napatawag ka?"
"Where's my apo?" Aniya.
"Nasa sala mommy. Nandito ako sa dining table at kumakain ng pang umagahan"
"Oh okay. By the way daretso kami canada next week at nag karoon daw ng problema sa ginawang gusali ng daddy mo" mahabang litanya ni mom.
"Lagi naman po" sambit ko.
"Anak...."
"Wala mommy. Kamusta niyo nalang po ako kay daddy at kay kuya. Bye iloveyou"
Agad ko ng inend call at itinabi ang cellphone. Nakakawalang gana talaga kung ganito lagi. Halos iginugugol nila ang sarili sa trabaho at hindi nila alam na may napapabayaan na silang anak.
Bumuntong hininga nalang ako at tinapos narin ang pagkain.
Saktong nag huhugas ako ng dumating si Simon sa lamesa at kakagising lang.
"Mornin'" aniya.
"Morning si. Kain kana" Saad ko.
Tumango naman siya at umupo na sa lamesa at nag sandok na. Kumuha ako ng baso at nag salin ng gatas, gusto ni simon ang gatas.
"Here"
Abot ko sa kaniya ng gatas. "Thanks rei" aniya.
"Punta lang ako don"
"Trav look" Saad ni Vinny.
Nakita ko nanaman siyang nagiling at sinasabayan ang kanta ng cocomelon. Ewan ko ba kung dancer ba 'to oh ano.
"Woii ginagawa mo" Saad ko.
"Pinapakita ko kay trav na magaling sumayaw ang uncle niya" aniya.
Pinag masdan ko naman ang anak ko at tuwang tuwa naman sa pinag gagawa ni vinny.
"Hello everyone!"
YOU ARE READING
ADDICTED TO YOU
FanfictionReina Lorelei Buenaventura ay nag ka-gusto sa isang congressman na si Ferdinand Alexander (sandro) Araneta Marcos III.