Chapter 18

486 16 1
                                    

Sinamahan ko ngayon si seah sa ob gyne niya para mag pa ultrasound dito lang din malapit sa condo, hindi na kami lumayo dahil tinatamad narin kami bumyahe at wala dito ang boyfriend niya.

"Bess kinakabahan ako" sambit niya.

"Wag Kang kabahan" Saad ko at hinawakan ang kamay niyang nanlalamig.

Ng ma ultrasound na si seah ay okay naman ang baby niya tsaka iwas lang masyado sa kakakain niyang kanin.

"Bess libot muna tayo sa mall" aniya.

Tumango nalang ako at pumasok na sa kotse, binibilinan ko narin siya sa mga dapat at hindi dapat gawin ng mga buntis.

"Opo boss reina" aniya at natawa, umiling nalang ako at natawa narin sa kaniya.

" sa wakas nandito na tayo" Saad niya at lumabas na kami.

"Seah kain muna tayo, nagugutom na'ko" Saad ko.

"Tara, ako rin e" aniya at hinawakan ako sa braso.

Napad-pad naman kaming dalawa sa letchon house, masarap naman ang mga pagkain dito at isa na ngayon ito sa mga paborito namin ni seah.

"Hoy hinay-hinay sa kanin seah" Saad ko ng mapansin kong nakaka-dalawang kanin na siya.

Tumango naman siya at hinati niya ang kanin na nasa plato niya at nilagay sa plato ko. "Share dapat tayo" Saad niya at napakamot sa ulo.

Kahit kelan pasaway siya. "Ayan tag isa't kalahati na tayo" aniya.

Ng matapos kami kumain ay pumunta lang kami sa boutique at namili ng mg dresses.

"Seah ito oh bagay sayo" Saad ko at abot sa kaniya ng maroon na dress.

"Pang outing 'to ha, ang ganda" Saad niya at nilagay sa basket.

Namili rin ako ng pang outing, magagamit ko siya pag nanganak na'ko, nakakamiss mag suot ng mga two-piece at bikini.

"Bess bakanaman pag nakita ka ni sandro na ganyan suot mo mag wala yon" aniya.

"Bat magwawala? Eh break na kami" Saad ko.

"Kung sa bagay, pero bess kahit di mo na siya pag mamay-ari feeling ko ano... ayy basta" Saad niya.

Hindi ko nalang kinibo si seah at namili pa ng mga damit na pwedeng pang lakad at pambahay.

"Bess what if pag mamay-ari ka parin niya"

"Na'ko seah hindi na niya ako pag mamay-ari,okay" Saad ko.

Umiling lang siya at nag hanap pa ng mga damit na bibilhin niya.

Ng matapos mamili ay umuwi narin agad kami dahil mag gagabi narin, at baka mahamugan kaming dalawa.

Mag 8 month's na pala ang chan ko at kinakabahan ako na manganak, napapanood ko palang sa YouTube makikita mo na hirap na hirap ang babaeng umuri.

Naglinis lang ako ng katawan at humiga na, dinarin kami kumain dahil busog na kaming pareho at uminom nalang kami ng gatas.

Paghiga ko ay tumawag narin ako kay mommy, kinamusta niya lang ako at si baby pero nag paalam rin agad dahil sa trabaho, lagi namang trabaho ang inuuna niya kesa sa anak niya, halos wala na siyang panahon para samin ganon din si daddy.

Agad nalang ako tumawag kay tita Liza, hobby na namin ang ganito na kailangan tumawag kapag gabi na.

"Oh hi reina good evening" Saad ni tita.

"Hello po, Good eve tita"

"Reina how's seah?" Saad ni Vinny.

"Nag papahinga na sa kwarto, tsaka gumala rin kami pag tapos mag pa ultrasound" Saad ko.

"Ikaw Kaya reina kelan kayo mag kaka-anak ni sandro" Saad bigla ni tita.

Nagulat naman ako doon at napa-kamot sa ulo.

"Na'ko tita malabo na ata yan"

"Malay mo naman diba tsaka nag hihintay na kami sa pag-uwi mo, na mimiss kana namin" aniya.

"Malapit na po tita tsaka po miss ko narin kayo" Saad ko.

Biglang sumulpot sa usapan si tito at halatang kakarating lang.

"Good eve reina" Saad ni tito.

"Good eve po tito, kamusta po ang araw" Saad ko.

"Maayos naman tsaka pumunta ako sa davao at nag caravan kami doon" aniya.

"Na'ko tito mag pahinga po muna kayo" Saad ko.

"Na'ko ayos lang ako-kami at nakaka-gaan ng loob na makitang suportado sayo ang mga mamamayan" aniya.

"Ready na po talaga ako na maging pangulo ka ng bansang pilipinas at sigurado rin na magiging masaya si former president fem at mama meldy sayo tito" Saad ko.

"Ito ang gusto ng daddy ko reina na makatulong sa bansang ito, malaki ang malasakit ko sa kapwa ko pilipino" aniya.

Nag kwentuhan lang kami at narinig ko nanaman si sandro, sinama pala siya ni tito bong sa davao.

"Na'ko tita,tito matutulog na po ako, Goodnight po" Saad ko.

"Goodnight" bati nila.

Ilang linggo nalang at manganganak na ako, excited na kinakabahan ako.

Nandto pala ako ngayon sa sala at naglalakad-lakad, kailangan na mag ganito at para maging maayos ang panganganak ko.

"Bess ohmyghad malapit na lumabas si baby" Saad niya at hinawakan ang chan ko.

Medyo masakit narin ang chan ko, at nahihirapan na ako masyadong mag lakad dahil sa bigat narin.

"Sige lakad kalang bess naka-alalay ako sayo" Saad ni seah.

Nakita ko naman na nag vivideo si Vinny at tutok na tutok sa cellphone niya.

"1 week nalang at manganganak kana, dapat ipunta kana namin sa hospital" Saad nila.

Sumang-ayon naman si Vinny at kinuha ang mga gamit ko na naka ready na sa gilid ng kama at ang gamit rin ni baby.

Nandito na kami sa hospital at ni admit narin agad ako.

"Nakakagutom dito" Saad ko.

"Ito kain ka muna" Saad ni seah at sinubuan nalang ako ng lugaw.

Habang nakabantay sakin ang dalawa ay pumunta na ang doctor.

"Miss reina tatlong araw bago ka manganak kaya be ready ha at wag Kang kakabahan" aniya.

Tumango nalang ako at nag bilin pa siya ng mga iilang paalala sakin. Ng matapos ay umalis narin ang doctor.

"Ayoko talaga ng lugaw" Saad ko.

"Anong gusto mo?" Saad ni Vinny.

"Gusto ko kanin eh"

"Wag na mag heavy meal reina" Saad ni seah.

Tumango nalang ako at natulog nalang rin. Gabi na ng magising ako at binilhan nila ako sa jollibee ng pagkain.

"Oh Ayan na, kain na bess" aniya.

Kumain nalang ako at uminda sa harapan nila dahil sa sobrang sakit na ng chan ko.

"Nood muna tayo" Saad ni seah.

Nanood kami ng balita at biglang sumulpot si sandro sa harap ng camera at ni interview siya.

Laki na pala ng pinag bago niya, well yung height wag niyo na pansinin, pero ang pogi lalo ni sandro ngayon.

"Okay off na natin dahil may nakikita akong isang patay na patay kay sandro" aniya.

Binato ko nalang siya ng unan at uminom ng tubig.

"Alam mo bess makipag balikan kana kapag pumunta kana ng ilocos" Saad niya.

Inirapan ko nalang siya at nag scroll nalang ako sa Facebook.




-----







ADDICTED TO YOU Where stories live. Discover now