Simula 9

1.3K 43 3
                                    

Dumating ang linggo at parang kating-kati akong umalis nang bahay para makapunta sa book signing niya sa SM Calamba. I am not pushing my luck kung magpapaalam ako kasi alam na alam ko na ang sagot sa akin ni Mommy. Wala rin naman siyang alam tungkol sa real score namin ni Marcelo kaya siguradong hindi siya papayag.

Nagpasya akong magkulong na lang sa kwarto ko at magtingin ng bago sa newsfeed ko sa facebook. Nagtwitter din ako ng kaunti at nagpost sa Instagram ng isang selfie photo for today. Hindi ko maiwasang hindi magdrama sa facebook at sadyang nagstatus pa ako.

'Sana. Sana magkasama tayo ngayon.'

With matching heartbroken na emoticon pa yun. Marami agad na naglike nito at may mga nagcomment pa.

Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang may kumatok sa aking pinto.

"Andito si Maica may gagawin daw kayong project ngayon at may pupuntahan. Kaya mag-ayos ka na para hindi kayo gabihin ng uwi!"

Nagtaka ako sa sinabi ni Mommy. Una sa lahat, wala naman kaming project na gagawin ngayong weekend dahil kakatapos lang ng baby thesis namin sa Microprocessor na subject namin ganun din ang defense. Paanong may proyekto pa kaming hindi nagagawa?

Kinuha ko ang notebook ko na naglalaman ng aming mga projects at school activities. Wala namang nakasulat na may kailangan pa kaming tapusing project. Nakakapagtaka naman itong si Maica.

"My, pasabi pumunta siya dito sa kwarto."

Agad namang pumasok si Maica sa kwarto ko matapos sabihin iyon ni Mommy.

"Saka na ako magpapaliwanag, basta mag ayos ka na! Wear your best dress or clothes at magpaganda ka! Dalian mo at ala-una ang start ng program. Baka matraffic tayo sa daan!"

Nakuha ko na agad ang sinabi nito kaya nagdali-dali akong naligo, nag ayos at agad kaming nagpaalam ni Maica na aalis na kami sa bahay.

"Shit! Saan ba tayo pupunta?"

"Alam kong alam mo na! Ayaw ko ng madrama kaya itatakas na lang kita. ITATAKAS ha, kaya malinis pa rin ang konsensya mo."

Nakarating kami sa sakayan papuntang SM Calamba. Nakakahanga rin ang babaeng ito dahil parang alam na alam niya kung pasaan ang SM Calamba. Kampanteng - kampante siya na makakarating kami agad. Halos gusto ko ng paliparin ang sinasakyan namin para makarating na agad kami sa venue.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Marcelo. Hindi ko sasabihing pupunta ako, gusto ko siyang masurpresa na bigla na lang niya akong makikita sa karamihan ng tao.

Me:

Good morning. God bless sa event mo mamaya. Sana andyan ako to support you.

Hindi na ako umaasa ng reply galing sa kanya dahil alam kong busy na siya sa paghahanda niya at sigurado akong busy rin siya sa paghahanap ng longsleeve na susuotin niya mamaya. Arg! Can't wait to see him.

Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon