Simula 5

1.9K 61 8
                                    

Inabot ako nang alas-dose nang madaling araw kakabasa ng message niya. Paulit-ulit ko itong binasa at talagang hindi ako nagsasawa. Hindi mapakali ang puso, sobrang bilis nang tibok nito. Hindi ko rin mapigilang mapangiti dahil sa sunod-sunod na nangyayari sa akin.

Really? Is this real?

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang isasagot sa kanya. Lagi na lang ganito ang epekto nang mga messages niya sa akin.

Sa huli nagtapos ako sa isang mensaheng,

Me: Okay. Good night, Marcelo. Sweet dreams!

Kinabukasan, na-late akong nagising kaya dali-dali akong kumilos. Dali-dali ko na ring inilagay ang mga nagkalat kong gamit na hindi ko na pala naayos kagabi. Masyadong kong iniisip ang pag-eexchange namin ni Marcelo ng mga messages kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako after kong isend ang last message ko.

Sa sobrang kakamadali ko, hindi ko na nacheck ang phone ko for notifications. Basta ko na lang ito inilagay sa aking bag. Shit! Naalala kong mahina nga pala ang wifi sa engineering building kahit sa library ng school.

Pero ano naman ngayon kung hindi ako makakapag-wifi? Wala naman akong hinihintay na notification diba? Wala naman diba?

Huminga ako nang malalim habang nagda-drive patungo sa school nang marealize ko na wala na dapat kong hintayin pa sa notification ko. Malabo na, sobrang labo na magrereply ulit siya sa last message ko. Damn! Hindi ito dapat ang iniisip ko. I must think more about our exam this morning and afternoon!

Tama! Tama nang gawing kong inspirasyon ang nangyari sa akin nitong nakaraang araw. Gagawin kong inspirasyon ang bawat mensaheng natanggap ko kay Marcelo para sa mga exams ko ngayon. He should be an inspiration and not a distraction.

Kaya ganun nga ang ginawa ko, naging kontento ako sa mga sagot ko sa mg:a exam ko ngayong maghapon. Sa isang bagay lang ako hindi kontento at ito ay yung hanggang 8:30 nang gabi ang klase ko. Shit! Alam ba nila kung gaano kahirap para sa isang estudyante ang may schedule nang hanggan gabi tapos ang klase kinaumagahan ay alas-7?

Wala kong nagawa kundi ang makinig. Kahit na kating-kati na akong makapag-wifi, nagtiis ako dahil alam kong para sa ikabubuti ko rin naman ito. Ang hindi ko lang talaga maiwasan ay ang antukin sa klase. Pahikab-hikab na ako habang nakikinig. Magda-drive pa ako mamaya! I need something to wake me up.

So I checked on my phone. Nagulat ako nang may nasagap itong wifi pero kelangan ng password! Ang damot naman nang may-ari nito! Grabe!

“Friend, kaninong wifi ito?” Kinulbit ko ang katabi kong EE ang course. Hindi ko alam ang pangalan niya kaya friend na lang ang tinawag ko sa kanya. Close naman kami, sadyang di ko lang matandaan ang pangalan niya.

“Ah! Kay Papa Jack yan. Akin na ang phone mo, ako ang mag-eenter ng password.”

Sobrang laki nang ngiti ko. Sa wakas!

“Oh friend ayan na. Connected ka na!” Inabot niya sa akin ang phone ko. Nasulyapan ko ang kanyang ID at nabasa ko ang pangalan niya. Buti na lang!

Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon