Katulad ng bilin ni Marcelo, hindi nga kami umalis ni Maica sa backstage. Rinig pa rin namain ang mga tao na nag-iiritan kahit book signing na. Tila mahaba pa ang oras bago tuluyang humupa ang mga tao. Artistang-artista ang dating ng mga authors lalo na si Marcelo.
Ang kahanga-hanga sa kanya ay hindi lang babae ang nagpapapirma, may mga lalaki din.
Naghintay pa kami ni Maica ng ilang oras at nagselfie selfie kami sa backstage. Nakakarami na kami ng picture at feeling ko nakakarami na rin ng pirma ang lahat ng author.
Mahigit dalawang oras kaming naghintay ni Maica at sa wakas! After ng massive selfie, I mean yung lahatan, ay isa-isa nang bumalik sa backstage ang bawat author.
Ako naman bilang fangirl ni Blacklily, ay lumapit ako para magpapirma ng mga libro niya.
Matapos noon, ay bumalik na ako sa aking pwesto. Andun na din si EM na kinakalikot ang kanyang cellphone. Nang silipin ko ito, ay nagtwitter pala siya.
Lumapit ako sa kanya at tinapik siya. Inabot ko ang librong binili ko kanina upang magpasign.
"Kung nagsabi ka sana na pupunta, hindi ka na sana gagastos pa. Pero okay lang, dagdag yaman sa akin." Pabiro niyang sabi habang pinipirmahan ang aking libro.
"Ayaw mo ba ng surprise? Buti nga ako naisipan akong isurprise yung inspiration ko, pero hindi naman pala natuwa." May halong tampo sa aking boses pero nagbibiro lamang ako. Napatigil siya sa pagsusulat at tingninan ako ng seryoso.
"Natuwa ako sa surprise mo. Ang hindi lang nakakatuwa, ay yung nasiksik ka ng maraming tao kanina sa likod at imagine standing ovation ka ng matagal na oras!"
"Ehem! Mamaya na kayo magtalo, at papirma muna ako ng libro ko plus paselfie." Pumagitna sa amin si Maica at saka tumabi kay EM. Nagselfie muna silang dalawa ng hindi ko mabilang kung ilan kasi paiba-iba yung mukha nila saka nagpapirma si Maica.
"Okay, packed up guys!" Nagtayuan na ang mga authors at ganun din kami ni Maica.
Humarap ako kay EM matapos niyang kunin at ayusin ang bag niya.
"So, we better get going..."
"Anong aalis? Mamaya pa." Hinawakan niya ang braso ko at sabay kaming lumabas sa backstage kasabay ng karamihan.
"Dinner muna tayo bago kayo umalis."
Marami pa ring tao sa event center at feeling ko inaabangan talaga nila na lumabas ang mga author.
Pumasok kami sa isang kilalang restaurant dito sa mall. Kakaunti rin kaming andito. Siguro yung ibang authors ay umuna na o sa iba kumain.
Parang ayaw ko pa ngang dito kumain kasi feeling ko hindi na kasya ang dala kong pera. May card naman ako kaya lang kailangan ko pang magwithdraw sa mertrobank. Damn! Kakapalan ko na lang ang mukha ko para makautang kay Marcelo.
Dumating ang waiter at nagtanong ng order namin. Ginanahan ko ng makita ko ang menu nila kaya yung the best na talaga ang inorder ko plus sizzling beef.
Lima kaming nasa table, may dalawang lalaki pa siyang kasama na hindi ko kilala kung sino. Isip-isip ko ay manager siguro siya ni Marcelo.
Sabay-sabay kaming kumain.
"Commute kayo mamaya? Alam ba ng mommy mo na pumunta ka dito?"
Hindi agad ako nakasagot. Nginuya ko muna ang aking kinakain.
"Una, yes commute kami later. And no, hindi niya alam. Itinakas lang ako nitong bestfriend ko -"
"What? At nagpatakas ka naman? Paano na lang kapag nalaman yan ng Mommy mo o kaya maaksidente kayo pauwi?" Medyo lumakas ang boses niya at may diin sa bawat salitang binibitawan niya pero sapat pa rin na kaming dalawa lang ang nakakarinig. Ewan ko kung rinig din ni Maica kasi napapatingin siya sa aming dalawa ni Marcelo.
"Basta na lang kasi siyang pumunta sa bahay at sinabihan akong magbihis tapos poof! Dito pala -"
"Kahit na! Sana inisip mo muna ang magiging consequence ng ginawa mo." Natigil ako sa pagsubo. Parang nawalan ako ng gana sa pagkain.
Ito na nga lang yung muli naming pagkikita tapos ganito pa ang magiging usapan?
"Ano bang gusto mo? Andito ako o wala?"
"Hindi sa ganun ang akin lang sana naman -" Hindi ko na siya hinayaan pang matapos ang kanyang sasabihin.
"Fine! Next time, no more surprises!" Pinagtabi ko ang kutsara at tinidor ko hudyat na tapos na akong kumain. Tumayo ako at nag-excuse sa kanila para makaalis muna saglit sa table na yun.
Alam kong ramdam ng mga kasama namin sa table, ang tensyon nang pag-uusap namin ni Marcelo. Pero hindi ko mapigilan eh. Ako na ngang, nagmagandang loob para suportahan siya, pero makakatikim lang pala ako ng sermon sa kanya.
Lampas limang minuto akong nagtagal sa CR. Panay ang hinga ko nang malalim para mabawasan ang tensyong nararamdaman ng aking puso. I never thought I would be affected with that simple conversation!
Nabayaran na ang kinain namin nang lumabas ako sa CR. Tapos na rin silang kumain. Naupo kami saglit bago tuluyang lisanin ang restaurant.
Habang naglalakad kami papunta sa exit ng mall, ay walang kaming imikan ni Marcelo. Ganundin si Maica, mas pinili niyang manahimik kaysa magtanong agad kung anong nangyari sa pagitan namin ni EM. Kahit na magkatabi kami sa paglalakad at dala-dala niya ang slingbag ko ay hindi ko siya iniimikan. Bahala siya sa buhay niya!
Nakarating na kami sa sakayan pauwi, at ganun pa rin ang treatment namin sa isa't-isa. Iniabot niya sa akin ang bag ko, at hindi ko siya magawang tingnan. May sasabihin pa sana siya pero sumakay na ako sa van na sasakyan namin pauwi.
"Pagpasensyahan mo na yung isang yun, ako naman ang nagtakas sa kanya. Maraming salamat! Una na kami, EM." Narinig kong paalam ni Maica kay Marcelo. Gustong-gusto ko siyang tingnan at magpaalam din sa kanya pero ang mataas kong pride, ayaw bumaba.
"Ayos lang, pakiingatan na lang. At pasabi magtext sa akin, kapag nakarating na siya sa bahay nila, kahit isang text lang kamo. Salamat, ingat kayo."
Kita ko sa aking peripheral vision na kumaway kay Maica at saglit na sumulyap sa akin pero since mataas ang pride ko, hindi ko siya tiningnan.
Damn! Hayaan niyo muna akong magmatigas.
Huminga ako nang malalim at naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bag at tiningnan kung sino ang nagtext. Hinala ko ay si Mommy na ang nagtext kasi gabi na rin, pero mali pala ako.
Si Marcelo. Siya ang nagtext sa akin.
Marcelo:
C'mon babe, I'm sorry. Text me when you get home. Take care.
Nagstart na akong magpipindot ng mensahe na irereply ko sa kanya, pero naalala ko ang pride ko. No! Hwag mo munang itetext Jade! Hayaan mo siya!
So I press the backspace.
Hanggang kailan ko siya kayang tikisin?
Hanggang kailan?
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
Fiksi PenggemarPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.