Simula 16

999 35 3
                                        


Sinunod ko ang payo ng mga kaibigan ko. Buong isang linggo akong umiwas kay Marcelo. Pero feeling ko naman, hindi lang ako ang umiiwas. Dahil sa buong isang linggo, wala rin akong naramdaman ni isang text o tawag galing sa kanya. I should be happy, right?


Pero bakit ganito? Halos itali ko ang sarili kong kamay hwag lang itext si Marcelo. Halos igapos, o putulin ko na ito para lang maiwasan siya. But on the second thought, bakit kaya hindi na lang ako magpalit ng number? No! Dahil kahit ang puso at isip ko, kumokontra sa nais kong mangyari na magpalit ng numero. Because deep down in my heart, I know I'm still hoping and waiting for him.


"Alam mo Jade, walang mangyayari sa inyo kung ganyan kayo. I mean, sa nangyayari sa inyo, parang naiwan ka na naman sa ere katulad ng nakaraan mong relasyon, not to mention, student and teacher affair." Napanga-nga ako sa huling sinabi ni Maica at halos gusto ko siyang batukan dahil pinaalala na naman niya ang nakaraan na gustong-gusto ko nang kalimutan.


"But you know what, you should talk to him. Tayong mga babae kasi, sanay tayo na lalaki ang unang susuyo at makikipag-usap. Pero, that's wrong! Lalo na kung parehas naman kayong mali sa sitawasyon na inaapakan niyo. Lahat nadadaan sa usapan, hindi sa pride na pataasan." Huminga ako nang malalim at nag-isip-isip.


I want everything to work, pero paano ito magwo-work kung ako mismo ay hindi gumagawa nang paraan?


"Last week, pinayuhan kita na hwag kang magbigay ng statement sa publiko. Pero Jade naman! Nahihirapan ka na, kitang-kita ko sa mga mata mo. Go ahead, swallow your pride and talk to him. He's waiting for you also. Hindi sa umiiwas siya, pero naiisip mo ba na baka hinihintay niyang lumamig ang ulo mo hanggang sa handa ka nang makipag-usap ng maayos at hindi iyong nagsisigawan kayo?"


"I don't even know how to start. Alam kong mali ako, but I'm afraid!" Inirapan ako ni Maica. Yumuko ako nang maramdaman kong umiinit ang paligid nang mata ko. Ayaw kong makita ni Maica na umiiyak ako sa simpleng sitwasyon namin ni Marcelo.


"It comes naturally. Hwag scripted. Daanin sa usapan, okay Jade?" Tumango man ako sa kanya pero hindi pa rin fix ang isipan ko.


Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang sinabi ni Maica. Kaya naman habang pauwi ako sa amin, ito pa rin ang naiisip ko. I know, I have to focus on the road, but I can't. I can't even think of the traffic light and its meaning. Even the hand gestures of the traffic officer.


I stepped on the gas without noticing another SUV coming from my left. It was late, too late even though I stepped on the break intensely. Naramdaman ko ang malakas na impact ng SUV malapit sa pinto ng sasakyan ko. Lumabas ang airbag ng sasakyan ko. Napatingin ako sa side mirror at nakita ko ang malaking lamat ng pagkakabangga. Sa kabilang side mirror naman, ay kitang-kita ko ang pagtigil nang mga sasakyan na siyang nagdulot nang trapik.


Hinawakan ko ang ulo ko at naramdaman ko likido na tumutulo pababa. Tiningnan ko ang mga daliri at agad na bumilis ang tibok nang puso ko nang makita kong kulay pula ito. Gusto kong umiyak dahil sa katangahan na ginawa ko. Gusto kong umiyak dahil alam kong mapapagalitan ako ng mga magulang ko.


Napalingon ako nang marinig ko ang katok sa bintana, kahit na hinang-hina ako ay nagawa ko pa ring bukasan ang bintana at ilipat sa neutral ang sasakyan.


"Miss, dadalhin ka namin sa ospital -"



Just like the other stories, cliché it may sound, but everything went black.

Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon