Simula 1

11.3K 90 6
                                    

Ang pinaka ayaw ko talaga itong traffic sa may papuntang La Salle pati dito sa rotonda! Sobrang siksikan ang mga sasakyan. Para sa isang baguhang driver na katulad ko, mangangapa ka talaga sa sobrang trapik. Alas sais pa lang ng umaga sobrang trapik na! Singit dito, singit doon. Idagdag mo pa ang mga sasakyan na bigla na lang magbabago ng lane. Yung totoo saan ka ba talaga?

“Reklamo ka ng reklamo sa trapik, eh kung umaalis ka nang maaga. Eh di sana, iwas trapik!” Ganito lagi ang sinasabi sakin ni Mommy. Lagi na lang kasi akong nagrereklamo sa sobrang trapik. Maaga naman ako naalis sa bahay. 

“Eh kasi naman yung mga sasabay sakin, ang tatagal!” Yes! May mga kasabay ako sa sasakyan papuntang school. Isa na dun ang bunso kong kapatid, BS Psychology ang course niya at yung dalawa kong kaklase. Samantalang ako ay isang ECE student. Araw araw, I have to drive for 1 hour and 15 minutes just to go to school. Estimated time.

May motto na nga ako sa pagda-drive: “Startoll way everyday!”

Express way lagi ang dinadaanan ko. Masarap naman, kasi nakakapagpabilis ako ng takbo. Ang ayaw ko lang talaga ay ang daan sa may La Salle at may rotonda! Wala naman akong magagawa, dahil para makapag-express way kami, kelangan kong madaanan ang pinaka-ayaw ko!

“Ate, may gold rising dito satin! Tingnan mo oh!”

Rinig na rinig ko ang excitement na nagmula sa kanya. Bigla rin akong na-excite sa binalita sakin ng kapatid ko! Gold rising!

“Oh talaga? Kelan daw?”

Fan naman kasi talaga kami ng mga libro na pina-publish. Na yung mga kwentong yun, ay galing sa wattpad.

“Ito ang information.” Pinakita sakin saglit ng kapatid ko ang litrato na nakapost sa news feed niya. Saglit lang kasi dapat eyes on the road while driving!

“Oh shit! Pupunta tayo! Mag-ipon ka.” Sabi ko sa kapatid ko. Ang tagal ko na rin kasing naghihintay na may maganap na Gold Rising sa lugar namin kaya ngayong tuloy na tuloy na ito, sinisigurado kong pupunta kami! Inggit na inggit nga ako sa mga nakakapunta. Kaya ngayon, dito naman sila dadayo ay dapat makapunta kami.

Mabilis natapos ang maghapon namin sa school. Buti na lang at Monday ngayon, hanggang 5:30pm lang kami. Bilang isang mabait na kapatid, hinihintay ko ang labasan ng kapatid ko which is 5:30 din ng hapon. Ah! Nakakalugaw ng utak ang Principles of Communication!

Ito ang pinaka-the best part! Uwian! Lagi kong namimiss ang bahay namin. Or siguro yung mga tao doon. Lalo na si Mommy at ang pamangkin ko. Sabi nga sa kanta, “You only hate the road when you’re missing home.” Theme song yan ng sasakyan ko.

“Shit! Ate, punta talaga tayo dito sa Gold Rising! Andun si Marcelo!” Napataas ako ng kilay sa sinabi niya habang nagbababa ako ng bag sa sofa. Marcelo?

“Sino si Marcelo?” Tanong ko sa kanya.

“Writer din siya. At shemay! Ang gwapo. Magpapa-picture talaga ako sa kanya at gagawin kong profile picture!” Adik! Hindi ako familiar sa writer na yun ah.

Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon