Isang kagimbal-gimbal na mensahe ang nagpalaglag sa puso ko.
Isang mensahe na nagpalaglag ng panga ko.
Mensaheng inaasam ng kahit sino.
Marcelo Santos III: Hi. Salamat sa bracelet na binigay mo :)
Yes! Isang napakasimpleng mensahe pero sino ba ang hindi matutuwa at kikiligin? Sinong hindi sasaya dahil sa mensaheng ito? Sa wakas napansin din ako! Damn!
Hindi ko alam kung ano ang irereply ko sa kanya. tila hindi ko mahanap ang aking mga salita. Yung kahit anong isip ko, hindi ako makaisip nang maayos. I have to think for the right words to say.
Me: Hello, walang anu ------
No! Delete!
Me: Hey, ---
Delete!
Delete ako nang delete ng irereply ko. Hinding hindi ko matapos ang mga sasabihin ko. Iniisip ko kasi kung magugustuhan ba niya ang reply ko sa kanya o kaya naman ay baka maturn-off siya. Ayaw ko namang mangyari yun dahil minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon.
Sa huli, naisend ko na rin ang simple kong mensahe.
Me: “You’re welcome. Salamat din po sayo, for inspiring me.” With matching ‘<3’ pa yang message ko na iyan.
Hindi na ako mag-eexpect pa na magrereply siya sakin. Sikat siya at tama na para sa isang sikat na isang beses lang tumugon sa direct message ng isang taga-hanga. Maswerte ka na nga kung siya ang unang magbibigay ng mensahe sayo. Kaya I consider myself lucky!
Bakit pa ako mag-eexpect na magrereply ulit siya sa message ko eh di hamak naman na isang tagahanga lang ako at sadyang nagpasalamat lang siya. Baka nga after ilang days, limot na niya ako! Or worst baka hindi na niya alam na may nagbigay sa kanya ng bracelet.
Sino nga ba naman ako?
Sa libo-libo niyang tagahanga, malabo nang maulit ang pagme-message niya sakin.
Swerte ko na nga at napansin niya ako.
Pero hindi ko maiwasan. Hindi ko maiwasang mag-expect na magrereply ulit siya. Dahil ngayon kahit dalawang araw na ang nakakalipas mula nang magpalitan kami ng mensahe, ay naghihintay pa din ako. Naghihintay na baka sakaling sumagot siya sa mensahe ko. Baka sakali lang naman!
Ilang ulit kong nirefresh ang twitter account ko at ilang ulit ko na ding nakikita na wala na akong mensahe galing sa kanya. Siguro nga, hanggang dun lang yun. Hanggang pasasalamat lang ang mensahe naming dalawa.
Nakakadisappoint!
Ang saklap!
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.