Nasapo ko agad ang aking ulo nang magising ako. Ang sakit-sakit ng ulo ko!
Alam ko na agad na nasa isang ospital ako dahil sa kulay nang dingding, at dahil na rin sa dextrose at benda sa ulo ko. Handa na ako sa sermon na aabutin ko kay Mommy at sigurado akong after nang sermon niya ay tatawag si Daddy overseas para pagalitan din ako. Ngyaon pa lang naghahanap na ako nang magandang dahilan.
Lumapit sa akin si Mommy at hinawakan niya ang braso ko.
"Anong pang masakit sayo? May gusto ka bang kainin o kailangan mo? Sabihin mo lang anak." Napangiti ako nang ibang aura ang bumungad sa akin. Kitang-kita ko ang mapupungay na mata ni Mommy, na nagsasabing sobra siyang nag-alala sa kalagayan ko ngayon.
Umiling lang ako.
"Sigurado ka? Magsabi ka lang sa Mommy," Muli akong umiling. Iginala ko ang mata ko at nakita ko ang dalawa kong kapatid na babae at natawa na lang ako nang makita ko si Maica. Naalala ko na naman ang aksidenteng kinasangkutan ko.
Buti na lamang at hindi sabay ang uwian naming dalawa noong araw nang aksidente at hindi kami sabay na umuwi. Dahil kung hindi, maaaring nasa kabilang kwarto na rin siya ngayon at nararamdaman ang nararamdaman ko.
"Ate Jade, bakit hindi ka nagsasalita? Nga pala, I used your IG account, para updated ang IG mo tungkol sa nangyari sayo." Narinig ko ang tawanan sa loob ng room ko.
"Are you out of your mind? Ano na lang ang sasabihin ng mga followers and friend ko? Na naaksidente na nga ako, nagawa ko pang magselfie? And worst baka isipin nilang 'kunwari-stolen' ang picture!" Lalong lumakas ang tawanan sa loob nang room.
"Ni-double tap ko na ang picture mo!" Biglang singit ng panganay kong kapatid at nakataas pa ang kamay niya.
"I did it on purpose. You'll see." Kumindat sa Jia at nag-apir pa sila ni Maica.
Inabot ko ang grapes na nakalagay sa table na malapit sa hinihigaan ko ngayon. Tumahimik ang mga kasama ko ngayon sa hospital dahil sa panunuod ng TV. Tanging sounds lang na nagmumula sa TV at ingay ng aircon ang maririnig ko.
"Ay naku po!" Natawa ako sa reaksyon ni Mommy nang biglang may kumatok sa pinto. Halos sumakit ang tiyan namin ni Jia kakatawa.
"Hahahahaha! Utas na sayo Mame, kakatawa." Napaupo ako sa kama dahil sa pagtawa.
Ngunit natigilang ang lahat nang biglang pumasok ang isang taong hindi ko inaasahan. Ang ubas na akma kong isusubo ay nanatili sa ere malapit sa bibig ko. Halos mabitawan ko ang ubas. Napanganga lang ako at halos hindi makahinga.
"Just what I thought and planned!" Ani Jia.
"Pasok ka, iho." Tuluyang nakapasok si Marcelo sa kwarto. Oo, tama kayo nang nabasa, si Marcelo nga ang dumating kong bisita ngayon. May hawak-hawak siyang bouquet at sa kabilang kamay naman niya ay basket na puno ng mga prutas. Nakita kong sumenyas si Mommy sa mga tao sa loob ng room, na lumabas muna.
My mom knows that we need some privacy in here. Kaya naman isa-isa nang lumabas ang mga tao sa kwarto. Mas lumapit si Marcelo sa kinalalagyan ko, hindi para hawakan ko kundi para ilagay ang mga dala niya sa table na malapit sa akin. Ngunit, inabot niya sa akin ang bulaklak.
"Di pa ako patay, binibigyan mo na ako nang bulaklak?"
"Babe naman, ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, mag-aaway pa ba tayo?" Hindi siya umupo sa upuan na malapit sa kama ko. Nakatayo lang siya at kitang-kita ko ang pagod sa kanyang mga mata. Hindi man niya sabihin na pagod siya, halatang-halata naman ito.
"Kung hindi pa pala ako naaksidente, hindi pa rin tayo magkikita?" Kumunot ang noo niya kasabay ng pagtaas ng kilay ko. Gustong-gusto ko siyang awayin, ngunit alam kong hindi iyon ang tamang solusyon. Walang maaayos na problema, kung pangungunahan ito ng away.
"Jade, baby, you have to listen to me first. Alright? Pero hindi sa ngayon. Not here, and not when you're in that situation." Umupo siya sa space ng kama at hinawakan niya ang buhok ko. Alam kong inaalo niya ako, para hindi ako
pangunahan ng galit.
"Ayaw kong dagdagan ang stress mo, dahil alam kong 'pag nag-usap tayo, magkakasagutan na naman tayo. At ayaw kong mangyari iyon, lalo na't hindi ka pa nakakarecover ng maayos." Natunaw ang yelo na namuo sa puso ko dahil sa galit at inis sa kanya. Ngunit mas natunaw at tuluyan nang nawala ang yelo, nang maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.
Napapikit ako at nilasap ang bawat segundo na ang labi niya ay nasa noo ko. Halos maiyak-ngiyak ako sa sitwasyon namin ngayon.
I wanted to hug him so tight, and say sorry.
"I'm sorry, babe." Mahina kong sabi na siyang naging dahilan ng pag-angat ng labi nito sa aking noo. Tumingin siya sa aking mga mata.
"I wanna hear it again, babe. One more time." Nakangising sabi niya.
"What? I'm sorry?" Inulit ko muli ito, ngunit sa patanong na paraan.
"No babe, the endearment..." Napanganga ako sa sinabi niya. Kanina ay hindi ko maramdaman ang aircon sa kwarto, pero ngayon naman ay ramdam na ramdam ko ito dahil sa kaba.
What the! Gusto niyang ulitin ko ang pagtawag ko sa kanya ng babe! Wala siyang alam, hindi niya alam kung paano niya ako pinakaba sa nais niya. Hindi niya alam ang lakas na inipon ko, para lang matawag siyang babe, muli.
He didn't know how my body weakens, just to say our endearment.
![](https://img.wattpad.com/cover/21251764-288-k649248.jpg)
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.