Isinara ko ang librong hawak ko ngayon, 'Mahal mo siya. Mahal ka ba?', ang bagong libro ni Marcelo. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang patak ng ulan sa labas ng aking bintana. Nagmumuni-muni. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal dito sa kwarto, at natapos ko ang isang libro.
Hindi ako makapaniwala na lahat ay isang panaginip lang. Tila totoo lahat ng nangyari, but then someone woke me up.
Tinitigan ko ang aking cellphone at nagbabakasali na baka kahit isang sa mga nangyari ay magkatotoo pero wala. Kahit isang tweet man lang pero wala talaga. Napailing na lang ako habang nakangiti. Panaginip nga lang ang lahat... isang magandang panaginip.
Humiga ako sa kama ko. Handa na akong matulog, malalim na rin ang gabi. Umaasa ako na bumalik ang isang panaginip kahit ngayong gabi lang.
Kung babalik ang panaginip na iyon, ano kaya ang susunod na mangyayari?
Matutuloy ba ang halik na nawaglit?
O talagang hanggang doon na lang?
Kinuha ko ang aking cellphone sa side table. Tiningnan ko ang newsfeed ng aking facebook, at nagtwitter na rin ako. Humanap ako ng quotes sa twitter na saktong-sakto sa nangyari sa akin, at hindi naman ako nabigo.
Retweeted from @delphanie16:
"Hanggang panaginip na lang ang lahat. Panaginip = PAASA."
Paasa nga naman ang isang panaginip. Katulad ng nangyayari sa akin ngayon, umaasa ako na sana kahit papaano magkatotoo ang isang panaginip kahit na malabo. Maraming humahanga sa kanya at malabong mapansin niya ang isang tulad ko.
Muli akong nagtweet, pero this time galing na ito mismo sa akin.
Me:
"It was a strange dream, parang totoo. Ikaw (@akoposimarcelo) at ako ang bida. Tayong dalawa <3"
I clicked tweet.
Huminga ako ng malalim at pumikit. Inaantok na rin ako, ngunit hindi pa tumatagal ang aking pagpikit ay nagvibrate ang aking cellphone. Narinig ko ang pamilyar na tunog kapag may notification. Kinapa ko ito sa table at tiningnan.
"Shit!" Mahinang mura ko. Is this for real?
'Marcelo Santos III retweeted your tweet'
Nawala ang antok ko. Nirefresh ko ang twitter at andun pa din ang notification na iyon. Muling nagvibrate ang phone ko at halos magsisigaw ako sa kwarto nang makitang nagreply siya. Nilaksan ko ang aircon ng kwarto dahil bigla akong pinagpawisan. Pinaypayan ko pa ang aking sarili.
@akoposimarcelo: "What was your dream all about, Jade? Familiar yung pangalan mo. Nung nakita ko yung pix mo, familiar rin ang itsura mo @JadeTheDreamer :) "
May isa pang tweet na lumabas sa notification ko.
@akoposimarcelo: "Have we met before? Pamilyar ka, pero malabo kapag inaalala ko @JadeTheDreamer "
Hindi ako makahinga ng maayos sa mga tweet niya. Nagreply naman agad ako.
@JadeTheDreamer: "Gold Rising, ako yung nagbigay ng bracelet sayo. Kaya siguro mukha akong pamilyar @akoposimarcelo :) "
Matapos kong magreply, hindi na ako umaasa pa na magrereply siya. Since napaalala ko na rin sa kanya kung bakit pamilyar ako, siguro ay hindi na siya magrereply. At tama nga ako, lumipas ang ilang minuto at hindi na ako nakatanggap ng reply sa kanya.
Ngunit isang direct message ang dumating sa aking notification.
Binuksan ko ito.
Marcelo Santos III: Hindi e, bukod sa gold rising, feeling ko nagkita na tayo. Pinipilit kong alalahanin pero ang labo ng dating eh. Haha :)
Jade: Idk. Gold rising ang una nating pagkikita recently lang at hindi pa nasusundan. That's strange...
Marcelo: What was your dream? Care to tell me? Para kasing... parang... ah basta! Hahaha :D
Naguguluhan ako sa kanya! Ano ang gusto niyang iparating? Inisip ko ang maaaring iniisip din niya. Binitawan ko ang aking cellphone at pumikit. Hanggang sa pumasok sa akin ang ilang mga haka-haka...
Hindi kaya, nanaginip rin siya tungkol sa aming dalawa?
Hindi kaya, magkaparehas kami ng panaginip?
Hindi kaya, ako at siya ay nasa iisang panaginip?
Sabi nila, ang panaginip ay isang daan para makaalis sa reyalidad. Lahat ng nais ng puso at utak mo ay maaari mong makamtan sa isang panaginip. Isang panaginip na gugustuhin mong hwag ng matapos, pero nanaisin mong gumising.
Bakit? Because reality is always better than dreams.
Ito ang kwento ko.
At ito ang kwentong Para Sa Isang Marcelo Santos III.
-End-
-------
Once again, thank you for making it this far. Ang legit lang po na twitter account sa mga nabanggit ay yung kay Marcelo (@akoposimarcelo) at yun tunay na twitter account ng author (@delphanie16).
Wala pong twitter account si Jade, gawa-gawa ko lang po iyon.
Maraming salamat sa pagbabasa! At dito na po nagtatapos ang kwento ni Jade at Marcelo.
God bless!
xoxo,
Miss_Sixteen
delphanie16
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
Fiksi PenggemarPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.