Simula 12

1.1K 32 1
                                    

Maghapon kaming magkasama ni Marcelo sa school namin. Buti na lang at hanggang 2:30pm lang ang klase ko ngayong araw. Sa oras na may klase ako, sa study area lang siya nakatambay.

Nagulat nga ako nang matapos ang klase ko at pinuntahan siya ay marami nang estudyante ang nakapalibot sa kanya at nagpapapicture. Napailing na lang ako at naisip ang sinabi niyang 'hindi siya ganon kasikat'.

Hindi agad ako lumapit sa kanya dahil gusto kong bigyan nang sapat na oras ang mga nanghihingi ng autograph niya at nagpapapicture sa kanya. Mas pinili kong maupo sa di kalayuang table sa kinaroroonan niya. Pinagmasdan ko lamang siya habang nakangiti sa maraming tao.

Umabot siguro ng mahigit isang oras bago siya tumigil saglit at kinuha ang kanyang cellphone. Tinignan ko siya habang nagtitipa sa kanyang phone.

Inabot ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking bag. Parang sure na sure ako na nagtext siya sa akin ah! Pero tama naman ako, nakatanggap ako ng isang mensahe galing sa kanya.

Marcelo:

Babe, where are you? Lampas 2:30 na.

Jade:

Starring at you. Look at your left.

At automatik na napalingon siya sa gawi ko. Nagpaalam siya ng maayos sa mga taong nakapalibot sa kanya saka siya lumapit sa akin. Inaaya niya agad ako pauwi pero kumain daw muna kami saglit sa isang fast food.

"Trending picture. Isn't nice?" Nakangiti sa akin si Maica at tila niloloko niya ako. Napakunot ang noo ko sa kanya at agad naman niyang nakuha ang pagtataka ko.

"Oh! Hindi mo pa alam? My gosh! Anong ginagawa mo sa internet? Araw-araw twitter kay Marcelo or research lang? Sumisikat ka na, hindi mo pa alam. Check this out..."

Ipinakita niya ang isang imahe na nakacollage. Dalawa ang litrato nito na nakacollage. Sa upper part ay yung pagbibigay sa akin ni Marcelo ng bulaklak at sa ibaba naman ay yung paghalik niya sa noo ko.

Shit!

Nakita kong umani ito ng maraming comments ng mga taga-hanga niya. Nais kong basahin isa-isa ang mga comment nila pero natatakot ako. Natatakot ako sa maaari nilang sabihin. Nabalitaan ko noon minsan na umani ng haters at bashers ang girlfriend ng isang artista at ayaw kong mangyari ito sa akin.

Ang tanging pangarap ko lang ay kapayapaan at atensyon ni Marcelo pero hindi ko naisip na kakambal ng atensyon niya ang mga haters sa umusbong na relasyon naming dalawa!

Natulala ako at agad na inagaw ni Maica ang phone sa akin.

"Damn! Sorry, dapat hindi ko na lang ipinakita sayo." Ramdam niya siguro ang takot sa aking puso sa mga oras na ito.

"Hindi okay lang. alam ko naman na ito ang kahahantungan nito..." Malungkot kong sagot sa kanya. Sinabi kong okay lang ako dahil ayaw kong magtanong pa siya ng kung ano-ano. Sa ngayon, hihintayin ko muna ang sasabihin ni Marcelo sa akin.

Alam kong alam na niya ang picture na ito, at hindi na ako magtataka kung isang araw ay umiwas siya sa akin at mawala nang tuluyan.

Ang kailangan ko na lang gawin ay ihanda ang sarili ko sa posibleng mangyari.

Mas mabuti na ang handa, para iwas sakit.

Buong maghapon akong naghintay sa text ni Marcelo pero ni isa wala akong natanggap. Nasabi ko na lang sa sarili ko na 'ito na yun, ito na yung pinaghahandaan ko. Ang pag-iwas niya.'

Pero deep down in my heat, I'm still hoping.

Kahit alam kong wala na!

Kahit alam kong tapos na!

Siguro, ikakain at itutulog ko na lang ito. Baka sakali na kapag nabusog ako o nakatulog ako ay wala na ang sakit at ang bigat na aking nararamdaman. Baka sakali lang naman...

Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon