Simula 14

1K 28 2
                                    

Okay lang kahit iwasan mo ang mga bashers, but please babe, hwag mo akong iiwasan. Hwag ako...

Okay lang kahit iwasan mo ang mga bashers, but please babe, hwag mo akong iiwasan. Hwag ako...

Okay lang kahit iwasan mo ang mga bashers, but please babe, hwag mo akong iiwasan. Hwag ako...

Hindi agad ako nakatulog dahil paulit-ulit na nagplay sa aking utak ang sinabi ni Marcelo. Aaminin kong, andun na ako sa pag-iisip na iiwasan ko na muna siya pero nang marinig ko ang sinabi niya, parang hindi ko na maalala ang tungkol sa bagay na iyon.

"I won't. Sige na EM, late na. We better sleep. Don't worry about me, I'll be fine!" Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Are you sure about that? Ayaw kong iiyak ka dahil sa issue na yan. I'll speak about that, babe. Alright?"

"Alright." Huminga ako nang malalim at saka ko ako napanatag nang lubusan. Hihintayin ko na lang ang sinasabi niyang, magsasalita siya tungkol sa issue. Panghahawakan ko ang sinabi niyang hindi niya ako idedeny kahit na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang estado naming dalawa.

"Babe, good night. Sweetest dream to you, love." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Good night, love." At agad kong tinapos ang tawag.

Hinagip ko ang unan sa aking tabi at kinagat ito, upang maiwasan ang aking pag-irit sa kalagitnaan nang gabi. Kung kanina ay takot na takot ako, ngayon naman ay napalitan na ito nang kakiligan. Shit! Hindi ko na alam kung hanggang saan ang haba ng buhok ko ngayon dahil sa kakiligan.

Kinaumagahan ay nagising ako ng payapa ang pag-iisip. Nabunutan ako nang tinik dahil alam kong hindi ako nag-iisa sa paglaban sa issue na ito.

Nag-unat unat muna ako at saka ko tiningnan ang aking cellphone. Tamad na tamad pa akong bumangon kasi weekend ngayon at ito lang ang panahon kung kailan nakakatambay ako ng matagal sa kama.

Kinusot ko ang aking mata bago binuksan ang isang text.

Marcelo:

Pinatay mo agad? Sleep tight, my love. :) <3

Marcelo:

Love, good morning. Smile and don't worry anymore <3

Shit! Umagang-umaga ay busog na busog na ako sa kakiligan. Hindi ko mapigilan ang kiligin ng sobra-sobra. At lalong hindi ko mapigilan na mapangiti. Halos mapunit na ang aking mukha dahil feeling ko abot tenga na ang aking ngiti.

"Hoy! Para kang baliw dyan. Anong tinatawa-tawa mo?" Nagulat ako nang biglang pumasok ang bunso kong kapatid sa kwarto. Nakanigiti ako sa kanya habang nakataas naman ang kilay niya sa akin.

"Ah! Siguro, okay na ang issue ano? Anong sabi sayo?"

Naikwento ko sa kanya ang pag-uusap namin kagabi ni Marcelo. Tumango-tango siya at talaga nakikinig sa sinasabi ko.

"Sigurado ka ba dyan? Hintayin na lang muna natin ang pahayag niya sa social media, hwag tayo masyadong mapanatag."

Hindi ko alam kung anong nais iparating ng aking bundong kapatid, ngunit alam kong may duda siya kay Marcelo. Pero wala akong pakielam, dahil alam kong gagawin niya ang sinabi niya sa akin kagabi.

"Hindi sa nagdududa ako, pero alam mo kahit viral ang mga post niya, para na rin siyang artista na inaabangan ang lovelife. Simpleng tweet niya na parang brokenhearted ay naiintriga na siya. Paano pa kaya ngayong may ebidensya? Hindi man niya aminin pero kasama na siya sa mga celebrity ng bansa natin. Ibang mundo ang ginagalawan niya."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya, na magkaiba kami ng mundong ginagalawan dahil kilalang-kilala siya at simpleng galaw niya, ay napupuna ng mga taga-hanga niya.

"So what do you want me to do?"

"Hmn, let's see..." Humalumbaba si Jia sa dresser namin sa kwarto at tinitigan niya ang kanyang mukha sa salamin. Nag-iiba pa siya ng facial expression na akala mo ay may camera sa salamin.

"Hwag kang umasa. Ihanda mo ang sarili mo sa maaari niyang sabihin. Pero nature nang tao ang umasa, hwag lang nga sobra. Dahil ayaw kong ikaw mismo ang matalo sa sinimulan niyong dalawa. Maraming pwedeng mangyari. Pwedeng maging totoo siya sa sinabi niya at maaaring bumaliktad din siya. So, hwag paka-asa. Iwas heartbreak!" Pumalakpak si Jia at tuwang-tuwa siya sa advice na ibinigay niya sa akin. Napanganga ako at napataas ang kilay ko. Seryoso ba itong bunso kong kapatid?

Napansin niya siguro na may pag-aalinlangan sa aking mukha kaya tumigil siya sa pagpalakpak at pagtawa. Tumingin siya sa akin at naging seryoso ang mukha.

"Seryoso ako, take my advice. Walang mawawala sayo!"

Then she left me.

Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon