Apat na araw akong namalagi sa ospital. Kahit na gustong-gusto ko nang umuwi ay hindi ko magawa dahil sa utos ng doktor. Buti na lamang at sembreak ngayon, wala akong namiss na mga klase. Si Marcelo naman, ay hindi ko na ulit pinadalaw. Hindi dahil sa ayaw ko, pero mas gusto ko nan aka-focus siya sa trabaho niya at iba't-ibang book signing.
Pagkauwi ko sa bahay namin ay agad kong hinanap ang sasakyan namin. Nakita kong may improvement naman ang sira nito pati na rin ang medyo nawalang kulay. Napailing na lang ako sa katangahang nangyari sa akin. Hay naku Jade! Sa susunod kasi sa daan ka lang magfocus kapag nagda-drive!
"Jade, pina-enroll na kita sa kapatid mo. Since regular ka naman, madali lang ang proseso ng sayo. May kailangan ka pa ba?" Tanong ni Mommy. Abala siya sa pag-aayos ng gamit namin na dala namin sa ospital.
"Wala na po." Sagot ko. Tumayo ako sa at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto ko. Agad naman akong inalalayan ni Mommy kahit na sinabi ko sa kanyang kaya ko naman ang sarili ko. Pero mapilit siya, kasi hanggang sa pag-upo ko sa kama ay inalalayan niya ako.
Kinuha ko ang ilan sa mga libro ko upang makapagbasa hanggang sa nakatanggap ako ng isang message sa aking phone.
Laurence:
Nakauwi ka na daw? Pumunta pa kami nila Maricar sa hospital. Akala namin hindi ka pa lalabas.
Maricar:
Kasama ko si Laurs at Angelica. Nagpunta kami sa hospital, yun pala wala ka na.
Parehas ko silang nireplyan na andito na ako sa bahay at kung gusto nilang pumunta ay welcome na welcome sila dito sa bahay. Agad naman silang nagsabi na dito na nga lang daw sila tutuloy sa bahay. Hinabilinan ko pa sila na magdala ng kahit anong pasalubong.
Wala pang isang oras ay nakadating na ang mga kaibigan ko. May dala-dala silang pizza at ice cream. Nagkukwentuhan kami sa loob ng aking kwarto hanggang sa mapag-usapan namin si Marcelo. Natahimik ako at napangiti. Paano ba naman kasi ay naaalala ko ang text at phone call session namin ni Marcelo habang nasa hospital ako. Kapag itetext ko siya na bored na ako ay agad siyang tumatawag kahit na nasa book signing siya.
"Anong napag-usapan niyo?" Tanong ni Angelica.
"Wala naman. Okay kami."
"Pero malabo pa rin?" Natigilan ako sa sinabi ni Maricar. Bull's eye. Nagkibit-balikat lang ako at ngumisi.
"You guys, fix your shit together. Tapusin ang dapat tapusin, magsimula muli kung kailangan at linawin niyo ang namamagitan sa inyo!" Muling dugtong ni Maricar.
"Have you seen his recent post?" Umiling ako kay Angelica. Hindi pa ako nakakapgbukas na aking mga account sa twitter at facebook kaya wala pa akong alam sa kahit anong post ni Marcelo o kahit kanino.
"You know about his relationship status?" Agad na tumibok nang mabilis ang puso ko. Agad akong nakaramdam ng kaba at takot. Kumunot ang noo ko. Tumingin ako sa kanilang tatlo ng isa-isa at nakita ko ang pagkadismaya sa kanilang mga mata. Hindi lang dismaya, pati na rin ang awa. Mas lalo akong kinabahan. May kutob na ako pero ayaw kong paniwalaan ang hinala ko.
Inabot sa akin ni Maricar ang kanyang iphone. Tinitigan ko ang cellphone na nasa kamay pa niya hanggang ngayon at hindi ko pa inaabot. I can't. Parang hindi ko kayang tingnan, hindi ko kayang basahin. Hindi pa ako handa sa panibagong sakit kasi kakabangon ko pa lang. Nag-uumpisa pa lang na humilom ang mga sugat ng puso ko. Hindi pa ako handa! But I must face the reality.
Jade, kaya mo yan! Babasahin mo lang naman. Mas nakakatakot pa rin ang slide na nasa pool. Paalala ko sa aking sarili. Kaya naman lakas loob kong kinuha ang iphone. Pumikit ako saglit at huminga ng malalim.
Unang sentence palang, agad na nabasag ang puso ko.
Marcelo Santos III:
I am definitely single! Wala akong girlfriend or ka-MU. I am enjoying myself as a single man. Focus sa trabaho, sa pagsusulat, sa pamilya at focus kay Lord. Kung ano man po ang kumakalat na litrato sa internet, ay maaaring matagal na iyon. Baka nga po college pa ako noon. Tigilan na po natin ang pagkakalat ng mga balitang hindi totoo. Inuulit ko po, wala akong girlfriend. Single and free! Good vibes everyone! :)
Agad kong naramdaman ang mainit na yakap ni Laurence at Angelica. Doon ko lang naramdaman na umiiyak na pala ako. Bumubuhos pala ang mga luha ko.
"Sssshhh, Jade... tahan na." Alo sa akin ni Angelica. Kinuha naman ni Maricar ang phone niya na nabitawan ko sa kama.
"Friend, hindi siya worth it. Tama na ang iyak." Sabi naman ni Laurence.
"S-sabi ko naman k-kaya ko diba? P-pero masakit pa r-rin p-pala..." Kahit na iyak ako nang iyak ay nakuha ko pa rin magsalita. Gusto kong magsisigaw para mailabas ang sakit pero hindi ko magawa.
Kaya bang ilabas lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag-iyak? Kasi kung oo, handa akong umiyak nang umiyak hanggang sa mawala lahat ng sakit. Kung ang pag-iyak ang paraan para maka-move on ako, iiyak na lang ako. Kung ito lang ang tanging paraan.
Please, just let me cry...
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.