Facebook: Delphanie WP
Search and add :)
Thank you for reading! xoxo
***************************************
Sa naiwang tanong ni Lloyd ay naghiyawan ang mga tao. Ang iba ay napapatayo na dahil sa pag-irit samantalang ang karamihan naman ay nanatili sa kanilang pagkakaupo kahit na sobrang lakas ng paghiyaw nila.
"Inuulit ko, Marcelo. Sino ang nakakamiss?" Lalong nagwala ang crowd ng minsan pa'y inulit ni Lloyd ang tanong. Tumawa si Marcelo at inilayo niya ang microphone sa kanya at may sinabi siya kay Lloyd. Nagtuksuhan ang dalawa sa stage. Kahit na hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila, feeling ko nadadamay ako. Masamang mag assume, pero ang lakas kasi ng pakiramdam ko na, kasama ako sa usapan nila.
"May particular person ba?" Tanong ni Marcelo at saka siya tumawa. Pinalo siya ni Lloyd habang natawa.
"Don't me, Marcelo! Baka madulas ako." Shit! Kinabahan ako. Lumakas pa lalo ang hiyaw ng mga tao. Tumingin ako sa paligid at sa aking tingin ay ako lang hindi natutuwa sa nangyayari. Tila gustong-gustong malaman ng lahat kung meron nga bang namimiss ang isang Marcelo Santos III, at tanging ako lang ang may nais na sana ibahin na lang nila ang topic.
"Lahat naman sila namiss ko. Ang mga taga –"
"Hindi eh, Marcelo. Feeling ko may particular na tao. Wag ang paartista kung sumagot." Di ko alam ang gagawin ko sa aking kinauupuan. Gusto kong umalis pero may parte sa akin gusto kong marinig ang sasabihin niya. Nawala ang atensyon ko sa kanila nang muli akong siniko ni Jia.
Alam kong nagbibiruan ang dalawang manunulat na nasa unahan ngayon. Nagtatawanan. Sa tingin ko ay hindi na affected si Marcelo sa nakaraan namin, dahil parang balewala na ang lahat sa kanya. Nakakatawa siya at nakakapagbiro tungkol sa amin noon, samantalang ito ako ngayon, kinakabahan at tila nawawala sa sarili.
"Don't worry Ate Jade, sa dami ng tao ngayon, malabong makita ka nila Lloyd. Wag kang masyadong kabahan dyan! Have fun, enjoy this event!" Tumaas-taas ang dalawa niyang kilay na tila naglalaro.
Hindi ako nakaimik. How can I have some fun? I wanted to, but I just can't.
"Iniissue mo ako, Lloyd. Sige na para simulan na ang tunay na saya, magbigay tayo ng papremyo." Ani Marcelo.
"Sige na nga. Magtatanong kami sa audience at sasagutin niyo naman. Ang mga tanong ay hindi naman manggagaling sa libro. Halimbawang tanong ay ganito, 'paano mo masasabing in love ka?'. Oh di ba napakadali. Pipili kami ng tatlong tao na sasagot sa parehas na tanong. At ang may pinakamagandang sagot, siya ang panalo." Dahan-dahang bumaba sila Marcelo at Lloyd mula sa stage.
Dumoble ang kaba sa puso ko. Tila hindi lang isang paru-paro ang nasa tiyan ko, kundi libo-libong paru-paro. May mga tatlong security guard ang lumapit kila Lloyd at Marcelo para kung sakaling magkagulo ang crowd at bigla na lang magpuntahan sa kanila.
Unang tatlo na kinuha nila ay mga lalaki. Gusto daw nilang malaman ang point of view ng mga lalaki sa kauna-unahang tanong. Halos manginig ako ng sila mismo ang lumalapit sa mga tao para kunin sila at dalhin sa gitna. Kaya naman abot langit ang panalangin ko na sana hindi sila magawi sa kinatatayuan namin nila Jia.
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.