Simula 29

886 36 0
                                    

Facebook: Delphanie WP

------------

Natapos ang dinner namin na tila hindi ko nalasap ang sarap ng pagkain. Lumilipad ang isip ko sa mga nangyayari na naman sa akin at maaaring mangyari. Heto na naman ako sa ganitong sitwasyon! Tumayo ako at nagtungo sa salas. Kinuha ko ang mga bulaklak at umupo.

Nilaro laro ko ang ilan sa mga bulaklak habang titig na titig sa kanila. May parte sa puso ko na natutuwa ngunit katulad noon ay hindi na naman ako makapaniwala.

Naramdaman kong lumundo ang sofa na inuupuan ko.

"Anong plano mo?" Tanong sa akin ni Jia. Umiling ako at bahagyang ngumiti. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"Natatandaan mo noong nagsisimula pa lang kami? Yung mga naramdaman ko noong pag-aalinlangan, muli ko na naman nararamdaman..." Mahina kong paliwanag sa kanya. Inilapit ko sa aking ilong ang bulaklak at inamoy ito.

"Hindi ko alam ang gagawin ko -"

"Mahal mo pa ba?" Napatingin ako sa tanong niya. Tumawa ako sa tanong niya at umiling pero hindi iyon ang sagot ko sa tanong niya.

"Hindi nabawasan, kahit konting porsyento." Sagot ko sa kanya. Kaya ako napailing dahil ito ang totoo, hindi nabawasan man lang ang nararamdaman ko sa kanya. Oo, nagalit ako noon, nasaktan pero mahal ko pa rin eh!

"Mahal mo pa pala, eh di alam mo ang gagawin ngayon! Natatakot ka lang at nagdadalawang isip. Pero alam ko na alam mo ang dapat gawin." Natulala ako sa sinabi niya sa akin. Alam ko nga ba? Paano? Huminga ako ng malalim at saka kumuha ng isang pulang rosas. Inabot ko ito kay Jia at ngumiti sa kanya.

"Thank you, bunso." Tumayo ako at nagpunta na sa aking kwarto dala-dala ang mga bouquet na natanggap ko galing kay Marcelo. Inilapag ko ito sa table at umupo sa kama. Nakita kong umiilaw ang cellphone ko. Kinuha ko ito at halos maitapon kong muli ang phone ko nang makita kung sino ang tumatawag sa akin.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko hanggang sa nawala na ang tawag. Tiningnan ko ito at laking gulat ko ng makita ang anim na missed call mula kay Marcelo. Napamura ako ng wala sa oras! Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang itext at humingi ng tawad dahil sa hindi pagsagot sa mga tawag niya o hahayaan ko na lang.

I'll choose the later part, hahayaan ko na lang. Baka sakaling tumwag muli saka ko na lang sasagutin. At tama nga ako, dahil muling umilaw at nagvibrate ang cellphone ko.

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag. Kinagat ko ang lower lip ko para pigilan ang sarili ko sa pagsasalita. Gusto kong siya ang unang magsalita sa pagitan namin. Lumipas ang ilang segundo, bago siya nagsalita.

"Hi..." Mahinang pagkakasabi niya. Ibinuka ko ang aking bibig para bumati rin sa kanya pero tila napipi ako at walang lumalabas na kahit anong salita sa aking bibig.

"Did you receive the flowers?" Tumango ako nang marahan. Ngunit naisip kong hindi naman niya makikita ang pagtango ko. Hay naku, Jade! Umayos ka nga, huwag kang tatanga-tanga dyan!

"Yep." Mabilis kong sagot sa kanya.

"Good. Busy ka ba kaya ngayon mo lang nasagot ang tawag ko?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Napahiga ako sa kama at agad kong kinuha ang pinakamalapit na unan para kagatin. Ginawa ko ito para pigilan ang bugso ng aking damdamin. Gustong-gusto kong magtatalon sa tanong niya pero hindi pwede!

Hindi ko dapat ipahalatang, malakas pa rin ang epekto niya sa akin! Hindi maaari!

"Kakatapos lang kasi naming magdinner. Iniwan ko yung phone ko dito sa kwarto."

"I see. Nagustuhan mo ba ang mga bulaklak?" Napapaos na tanong niya sa akin.

"Ang gaganda nila... salamat ha?"

"Welcome, mabuti naman at nagustuhan mo. About sa date -"

"Yan nga rin ang itatanong ko..." Pagputol ko sasabihin niya. Gusto kong ako ang mauunang magtanong.

"Are you... I mean, are you sure about that? The date?" Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Tumahimik din ang nasa kabilang linya.

"Iniisip mo bang nagbibiro lang ako? Seryoso ako. Gusto kong mag-usap tayo nang masinsinan."

Kaya naman kinabukasan ay sobra ang kaba na aking nararamdaman. Umaga pa lang pero hindi na ako mapakali. Kanina ko pa tinititigan ang closet ko pero wala akong mahanap na damit para mamaya. Pabalik balik ako ng tingin sa ilan kong damit na pinagpipilian ngunit hindi ako makontento sa mga pinagpipilian ko.

I think I need a fashion advice from my youngest sister. Tinawag ko siya at agad naman ay to the rescue siya. Tiningnan niya ang mga damit na nagkalat sa kama ko. Inisa-isa niya ito ngunit kahit siya ay walang napili.

"You know what, wag ka ng magdress. Paano ba kayo magdate ni Marcelo noon? Anong sinusuot mo? Ganun na rin lang! Just be yourself." Kinindatan niya ako bago lumabas sa kwarto.

Tama siya! Just be myself, simple. Pinili ko ang isang skater skirt na blue at isang cropped top na kulay itim.

Naligo at nag-ayos. Halos ipaligo ko na rin ang pabango ko dahil sa ilang beses kong pagspray nito sa akin. Last touch, pink lips. Humarap ako sa salamin at napangiti ako. Kontento na ako sa suot at ayos ko.

Nataranta ako at nagulat ng may kumatok sa aking pinto. Tiningnan ko ang oras at halos ikahimatay ko nang makita kong lampas alas kwatro na pala ng hapon. Kinuha ko ang bag ko. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Mommy na nakangiti.

"Andyan na ang date mo, anak." Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto. Hinawakan ni Mommy ang braso ko habang naglalakad kami papalapit sa salas.


This is it!

Date with Marcelo Santos III.


Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon