Simula 21

989 40 2
                                    

Author's Note:


Add me on facebook. Search niyo po ito: Delphanie WP.

Let's be friends! See you there.


xoxo,

Miss_Sixteen

*******************

Wala sa bokabularyo ko ang mainlove sa kahit sinong kilalang tao. Mas pangarap ko yun, parehas kaming normal ng mundong ginagalawan. Kung kilala man siya, siguro sa school lang. Yung tipong basketball player kaya kilala. Pero yung mainlove sa taong halos kilala ng buong pilipinas? Wala sa plano ko.


Kaya heto ako ngayon, luhaan at nasasaktan.


Hindi ko inakalang ganito kasakit, at iiyak ako ng sobra. Mas pinili kong ideactivate lahat ng aking social account, kahit Instagram. Kung gusto ko nang madalian pag-momove on, mas mabuti siguro kung wala akong makikitang bakas na kahit ano sa aking araw-araw. Kahit ang mga libro nito, ay mas pinili kong itago sa isang kahon. At pati ang aking number ay binago ko na.


Alam na rin sa bahay ang nangyari, kaya walang nagbabanggit sa pangalan ni Marcelo sa akin. Mas pinipili nilang pag-usapan ang mas importanteng bagay kesa sa pagiging heartbroken ko. Siguro, iyon ang paraan nila para maiiwas ako kahit paano sa sakit.


Matapos nang ilang araw, ay saka ako kinamusta ng kaibigan ko. Bumalik na arin ako sa school dahil malapit na ang finals ngayong semester. Kailangan kong maghapit ng pag-aaral.


"Friend, kamusta!?" Sabay hampas sa akin ni Trisha, isa sa pinakamalapit ko rin kaibigan.


"Magaling ka na ba? May dala akong favorite mong cheese bites dyan kasi alam kong papasok ka na." Napangiti ako sa sinabi ni Rose. Simula nang pinatikim niya sa akin ang cheese bites, naging paborito ko na ito.


"Okay na ako. Namiss ko kayo!" Nilagyan ko ng buhay ang aking pagsasalita kahit na sa puso ko ay para akong namatayan. Ngumiti rin ako sa kanila, yung ngiting-ngiti para ang hindi nila mahalata ang pinagdadaanan ko.


Yumakap ako sa kanila at nakipagkwentuhan kasama ang iba. Andun din sila Laurence at Maricar na todo alala sa akin dahil silang dalawa lang ang may alam kung ano ang tunay kong pinagdadaanang sakit.


Sakit na mas malala pa sa pagkakabangga ko. Dahil ang sakit na ito, ay husto ang ginawang injury sa puso ko. Injury na kahit lumipas na ang panahon, ay may peklat na. Ngunit alam kong muli akong iibig sa tamang panahon.


"Kamusta?" Tanong ni Laurence nang kami na lang tatlo ang magkakasama para sa lunch.


"Okay lang..." Simple kong sagot ngunit hindi ito katula ng pagsagot ko kila Tricia at Roselle. Sinagot ko si Laurence nang hindi man lang ngumingiti.


"Halata sa mga mata mo ang lungkot mo, friend. Hindi naman ito ang unang beses na nakita kitang broken hearted, pero ngayon ibang-iba. Tila ang laki nang nawalang pagkatao sayo. Hindi ako sanay na ganyan ka." Uminit ang sulok ng mata ko dahil sa nagbabadyang mga luha dahil sa sinabi ni Maricar. Gusto kong mag-iiyak muli pero naipangako ko sa sarili ko na tama na ang ilang araw at gabing umiyak ako para sa relasyong simula pa lang at hindi sigurado.


"Smile Jade. Everything will be alright. Kung hindi man siya nagpaliwanag sayo, alam ko at alam nating lahat na may dahilan siya kung bakit niya 'yon ginawa. Malabong wala dahil sa isang relasyon laging may dahilan kung bakit nagkakahiwalay." Dagdag pa ni Maricar.


Tumango-tango lang ako. Tama siya! Siguro mananalangin na lang ako na sana sa susunod naming pagkikita ay may handa na siyang sagot sa mga katanungan ko. May handa na siyang paliwanag para maghilom ang sugat sa puso ko.


Mag-momove on ako! At sisimulan ko ito ngayon!


Kinabukasan ay ibinalik ko ang dati kong sigla. Nakikipagtawanan na ako sa mga kaklase ko at sobra-sobra rin ang focus ko sa aking pag-aara. Sabi nga ng iba, "Turn your heart breaks into inspiration."


Kaya ito ang ginawa ko kahit sa mga sumunod na araw.


Nag mall ako together with friends at kapag weekends naman ay family bonding. Mas mahaba na rin ang time ko sa pag-aaral since nawala na ang mga social accounts ko.


"Sumama ka na sa amin, Jade! Magse-sembreak na kaya. Tara mag-EK!" Last wave na ito ng exam namin para ngayong semester. Kaya naman todo pili tang ginagawa sa akin ng mga kaibigan ko para sumama sa EK trip nila.


"Wala akong pera!" Ngumiti ako at saka tumawa sa kanila.


"Rich kid, walang pera?! Ay grabe!" Loko sa akin ni Paul.


"Che! Pag-iisipan ko pa."


Hindi ako makapaniwala na halos dalawang buwan na pala ang nakakalipas simula nang matapos ang kung anong relasyon meron kami ni Marcelo. Inaamin kong iniisip ko pa rin siya at alam kong hinahanap hanap ko pa rin siya.


Jade, hindi ka pa talaga totally nakakamove on!


Umiling na lang ako sa aking napagtanto.


Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at nagtungo ako sa salon na madalas kong pinupuntahan.


"Good afternoon, ganda!" Bati sa akin ng may-ari ng salon. Baklush siya at sobrang karesperespeto.


"Hello po." Bati ko sa kanya.


"Anong ipapaservice mo ngayon?" Umupo ako sa isang upuan na kaharap ng malaking salamin. Lumapit si Levie sa likuran ko. Tumingin ako sa kanya sa salamin at nakangiti siya.


"Haircut." Simpleng sagot ko.


"Okay, trim lang ba ulit?" Pagti-trim ng buhok ang madalas kong dinadayo dito sa salon niya.


"Shorter. Mga hanggang dito." Sabay mustra kung gaano kaikli ang nais ko.


Napanganga naman si Levie nang makita ang nais kong length ng buhok.


"Sigurado kang above the shoulder ang cut?" Tumango lang ako.


"Gawin niyo pong medyo bob cut pero hindi yung sobrang taas ng gupit."


"Kay ganda-ganda ng buhok mo, iha. Ang haba-haba pa kaya nakakagulat talaga na gusto mong paiklian ng sobrang ikli." Nilagyan niya sa akin ang putting tela na madalas ginagamit kapag nagpapagupit.


Halos mapaiyak ako ng marinig ko ang tunog ng gunting. Gusto kong umayaw pero nagupit na ang mahaba kong buhok.


Yes, this is a part of moving on!

Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon