FB: Delphanie WP
Please like this page on facebook para sa project ng kapatid ko: Hashtag RT (see external link)
*****************************
Dinukot ko sa aking bulsa ang cellphone ko para matawagan ang aking kapatid. Magtatanong ako sa kanya kung may bakante pang upuan sa tabi nila. Ngunit sa tingin ko, wala na talagang bakanteng upuan sa dami ng tao. Halos hindi ko nga matamaan si Jia at ang kasama niya. Maramig na ring standing ovation kaya nilagay ko na ang loob ko na wala na akong mauupuan.
Dalawang beses na walang sumasagot sa phone ni Jia. Laging operator ang nagsasalita matapos ang sunod-sunod na ring. Malabo na sigurong mapansin ng kapatid ko ang phone niya at sigurado akong hindi niya ring naririnig ang tunog ng cellphone niya dahil sa ingay.
Muli kong sinubukang tawagan ang numero niya at sa ikatatlong ring nito ay may sumagot na rin! Sa wakas!
"Hello..." Pambungad ko sa kabilang linya.
"Hello Ate. Bakit?" Malakas ang dating ng boses niya sa kabilang linya at rinig na rinig mo rin ang ingay.
"Maingay din ba dyan sa bahay? Bakit ang ingay ng background mo?" Tanong sa akin ni Jia.
"Saan ka nakaupo? May bakante pa bang upuan sa tabi niyo?" Sinagot ko ng tanong ang simpleng tanong sa akin ng kapatid ko.
"Oh my! You're here? You're so swerte kasi hindi makakarating ang isa naming friend. Dito kami sa right side, ikalimang row." Tinapos niya ang tawag at nagpalinga-linga naman ako sa right side ng mga upuan. Nakita kong nakatayo si Jia at lumilingon-lingon din. Nagtagpo ang aming tingin at kumaway siya sa akin.
Dumiretso ako sa pwesto nila at agad na umupo sa bakanteng upuan na medyo nasa kalagitnaan.
"I thought you'll never come." Tukso sa akin ni Jia. Umirap lang ako sa kanya at inayos ko ang bag na dala-dala ko.
Bumalik ang kaba sa aking puso ng lumabas ang Emcee ng event na ito. Nagbigay siya ng maikling speech at saka ibinigay ang oras para sa opening number ng isang artista na mananayaw. Sa galaw niya ay halatang-halata mong pagsasayaw ang talent niya. Gwapo siya at maputi. Sa tingin ko ay hindi pa siya ganoon kasikat dahil naririnig ko ang bulungan sa aming likuran nagtatanong kung sino ang lalaking sumasayaw ngayon.
Napapalakpak ako ng matapos ang sayaw. Muling lumabas ang Emcee at nagpakilala ng ilang mga authors ng libro. Katulad noon at nagkaroon ng simpleng pag-uusap at katanungan para sa mga manunuod. Kung sino man ang makaksagot ay may libreng libro.
"Ladies and gentlemen, ang inaabangan ng lahat. Ang tinitilian. Ang pinakagwapo at ang crush ng lahat, Marcelo Santos III!" Palakas nang palakas ang sigaw ng mga tao at ang iba pa nga ay nakatayo na at nagtatatalon. Tumingin ako sa paligid ko at tila ako lang ang nakaupo dahil lahat ay nakatayo na.
Napailing ako habang nakangiti. Sadyang hindi kumukupas ang dating ng isang Marcelo Santos III sa mga mambabasang andito ngayon sa event.
Hindi ako tumayo sa halip inangat ko ang aking paningin sa stage. Hindi ko makita ng maayos si Marcelo pero sapat na para bumalik lahat ng ala-ala, saya at sakit sa aking puso. Gusto kong maiyak pero alam kong hindi ito ang tamang lugar. At sinabi ko na sa sarili ko, tapos na ako sa pag-iyak. Ayaw ko nang umiyak!
"Hi guys!" Mas lalong umingay ang buong lugar sa dalawang salitang sinabi ni Marcelo.
"Kalma tayo. Pwede na tayong umupo." Isa-isang umupo ang mga tao ngunit hindi nababawasan ang ingay. At sa pag-upo nila, nakita ko ang isang tao na minsang nagdala ng saya sa aking buhay.
Nakasimpleng white v-neck shirt siya at kitang-kita mo ang dogtag na nakasabit sa leeg niya. Iba ang suot niya kumpara sa usual niyang book signing na nakalongsleeve.
Alam kong maliit ang posibilidad na mapansin niya ako kaya medyo humupa ang kaba sa dibdib ko. Nagsalita siya tungkol sa libro niya bago niya tinawag ang isa pang author na kilalang kilala ko.
"To join me here on stage, let me call on Lloyd Cadena!" Minsan na kaming nagkaroon ng bonding ni Lloyd gawa ni Marcelo. Kilala niya ako at kung ano ako sa buhay ni Marcelo. Sa ikling panahon na nagkasama kami ay di ko maitatangging naging close kami sa isa't-isa.
"Hello Philippines!" Sigaw ni Lloyd. Nagtawanan ang mga tao dahil sa bonggang-bonggang outfit nito.
"Parang kailan lang andito tayo sa lugar na ito, hindi ba Marcelo? Sino nga ba yung nakilala mo dito?" Makahulugan ang tanong ni Lloyd at alam ko ang nais nitong ipahiwatig. Walang kaalam-alam ang mga tao sa paligid. Agad akong kinabahan.
"Oh well, maraming tao ngayon! Kamusta kayong lahat?!" Sigawan ang naging tugon ng mga tao.
"Let's ask Marcelo some questions about his book and lovelife. Interesting diba?"
"Oo." Sigaw na sagot ng mga tao. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Pero naniniwala pa rin ako sa maliit ang posibilidad na magkita kami at mabanggit ako sa usapan nila.
"Marcelo, I know this place is so special to your heart, before. So how does it feel na andito na ulit tayo?"
Shit! Sa kauna-unahang tanong pa lang ni Lloyd, alam na alam ko na ng ibig niyang sabihin. Ang nais niyang ipahiwatig! Nagtataka ang lahat sa unang tanong ni Lloyd dahil rinig na rinig ko ang mga tanong ng nasa likuran at harapan namin tungkol sa tanong. Gaya nang "bakit special ang lugar na ito?".
"Nakakamiss ang lahat lalo na ang event na ito." Simpleng sagot niya habang nakangiti at nakatingin sa lahat ng tao.
"Sino ang nakakamiss?" Sabay tawa ni Lloyd. Nagsigawan ang mga tao samantalang ako ay natahimik lang. Siniko ako ni Jia at nilingon ko siya. Nakakaloko ang tingin niya at ngiti niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.