Ilang araw na akong naghihintay sa magiging pahayag ni Marcelo, ngunit wala pa rin ito. Lumipas ang tatlong araw ngunit walang pahayag galing sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganun, pero sa tatllong araw na yun ay lagi naman kaming magkausap.
Ang lagi niyang idinadahilan sa akin ay huhupa din naman daw ang issue at mawawala rin katulad nang sa ibang artista.
Kahit na hindi lumalabas sa National Tv ang litrato namin, dapat ay magbigay parin siya ng pahayag! Dahil sa tingin ko, hindi basta-basta huhupa ang isang issue kung walang conclusion na manggagaling sa taong involve.
"Anong plano mo?" Tanong ko sa kanya ng magkausap kami sa phone isang gabi.
"Love, ayan na naman ba tayo? Araw-araw mo na yang -"
"Paanong hindi ko aaraw-arawin ang tanong na iyan! Eh lumipas na ang 'tomorrow' na sinasabi mo pero hindi mo pa rin binibigyan ng konklusyon ang picture na iyon!"
"HIntayin mo lang, at eventually mawawala lahat yan. Huhupa din ang issueng iyan."
Napairap na lang ako sa kawalan nang marinig na naman ang pare-parehas na sagot niya sa akin. Inis na inis na ako sa kanya at nais kong ipamukha sa kanya na hindi niya natupad ang assurance na binigay niya sa akin! Kung nakaraang araw ay napanatag ako, ngayon ay muling nagwawala ang puso ko sa kaba at nadagdagan pa ng inis.
"I've been hearing the same reasons everyday! Huhupa-huhupa! Hindi yan huhupa Marcelo kung hindi ka magsasalita! I don't care if you deny me, I just wanna be out of this!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko sa kanya sa phone.
"Anong gusto mo, magpatawag ako ng prescon para lang sa picture na iyan?"
"That's not what I'm thinking!"
"Then what? Ano Jade sabihin mo sa akin? Gusto mong ipangalandakan ko na, 'Yes, I am taken and her name is Jade'. Ganun ba?"
"Just damn it! Deny the whole thing, para tapos na tayo!" Ibinaba ko agad ang phone dahil hindi ko kaya ang pagtatalo namin.
Simula nang kumalat ang picture ay hindi na kami natahimik parehas ni Marcelo. Hindi lilipas ang isang araw na hindi kami magkakasagutan sa phone. Araw-araw ganito ang set up namin at sa ilang araw na yun, aamin kong nakakapagod na rin pala.
Ito ang hirap ng walang title ang relasyon, hindi ko alam kung saan ako lulugar at kung hanggang saan lang ang maaari kong sabihin at hingin sa kanya. Dahil, wala naman akong pinanghahawakan.
Kahit ang pangako nitong, magsasalita siya ay hindi na ako umaasa pa!
Pinunasan ko ang takas kong luha at napatingin ako sa phone kong umiilaw at nagvibrate. Nagflash ang pangalan ni Marcelo ngunit mas pinili kong hwag na lang sagutin. Papalipasin ko na lang ang gabing ito. Dahil sa lagi naming pag-aaway ganitong-ganito rin ang eksena.
Ako ang unang magbababa ng phone, at tatawag siya para suyuin ako. Pero sa ngayon, I wanna rest.
Gusto kong makapag-isip nang ako lang. Kung hindi gagawa ng paraan si Marcelo para matigil ang issue, pwes ako ang gagawa!
Buong gabi kong pinag-isipan kung anong gagawin ko, ngunit natatakot ako. Kaya minabuti kong sabihin ang plano ko kay Maica.
"What! Baka mas lalong lumaki ang issue kung lalabas ka at ikaw mismo ang magsasalita!"
"Pero mag-iisang linggo na akong naghihinatay sa gagawin niya at mahigit isang linggo na yata akong napupuruhan sa social media!"
Huminga ng malalim si Maica at binitawan niya ang mainit na panghinang na ginagamit niya ngayon para matapos ang project namin.
"Alam mo ganito lang iyan. Isa kang normal na tao at sikat si Marcelo. Kung ikaw ang magbibigay ng statement, feeling mo ba maniniwala sila na may something talaga sa inyo ni Marcelo? At kung maniniwala man sila, paano na lang kung biglang nagsalita si Marcelo at ideny niya ito? Hindi ba mas kawawa ka kapag nangyari iyon?"
Muling naguluhan ang isip ko sa sinabi ni Maica. Plano ko na talagang ako ang magsasalita, through social media. Ngunit sa mga sitwasyon na sinabi ni Maica ay parang gusto ko nang umurong.
"Alam mo tama si Boss. Kaming mga lalaki, kayang-kaya naming magdeny na mapapaniwala ang lahat." Biglang singit ni Laurence.
"Mas mabuti pa, hintayin mo na lang na siya ang magsalita. Iwasan mo muna sa ngayon si Marcelo at kapag naramdaman niyang umiiwas ka na, boom! Siguradong, magsasalita na yan!" Paulit-ulit na tinaas-taas ni Laurence ang dalawa nitong kilay habang nakangiti nang nakakaloko sa akin.
"Aba! Ang talino mo, naisip mo yun? Akalain mo nga naman!" Biro ni Maica kay Laurence. Napatawa na lang ako sa kanilang dalawa.
"Ako pa! -"
"Oo, ikaw na! Ikaw nang mabubutasan ng uniform kapag lumapit ka pa ng sobra sa panghinang na ginagamit ko!" Nagtawanan kaming tatlo sa loob ng laboratory.
Siguro mas mainam na gawin ko ang suggestion ni Laurence.
Tama! Iiwasan ko muna si Marcelo. I'll ignore his texts and calls. Pero sandali...
Paano kung sa pag-iwas ko ay sumuko na siya nang tuluyan sa akin? Mawala sa akin?
Damn! Second thoughts!
Damn it!

BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.