Simula 28

874 31 0
                                    

Facebook: Delphanie WP

-------------


"We... we need to talk, Jade." Aniya.


"Yes but not here. Hindi ito ang tamang lugar para sa kung ano man ang pag-uusapan natin." Nagbuga siya ng malalim na paghinga.


"Alright, I'm gonna text you kung kailan at saan. Consider that as a date!" Nanalaki ang mga mata ko sinabi niya. Bago pa ako makareact ay umalis na siya sa harapan ko. Ibig bang sabihin nito, ay hindi niya binubura ang number ko sa kanya? Si Lloyd naman na nasa tabi ko ay bigla na lang tumawa.


"I told ya! Pa-date date pang nalalaman ang luko. Hay! Kakalurkey kayong dalawa." Umiling iling siya. Samantalang ako ay tila hindi makagalaw.


"Hoy! Ano, frozen ka na?!" Inirapan ko siya at saka tumawa. Hindi ko alam ang nararamdaman ko.


"Che! Babalik na nga ako sa upuan ko. You both are giving me a heart attack!" Narinig kong muli ang malakas na tawa ni Lloyd. Umalis na ako sa backstage at saka bumalik sa aking upuan.


Panay ang tanong sa akin ng aking kapatid kung anong nangyari sa likod, pero hindi ako umimik. Saka na lang ako magkukwento sa kanya kapag nasa bahay na kami. Mahirap na baka may makarinig sa aming pag-uusapan.


Successful na natapos ang book signing. Umuwi kami nang sabay ng kapatid ko. Sa sasakyan pa lang ay tanong na siya ng tanong kaya naman habang pauwi kami ay sinasabi ko sa kanya ang buong pangyayari sa backstage. Hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na, sasabihin sa akin iyon ni Marcelo. Ayaw tanggapin ng sistema ko pero ang puso ko, nagtatatalon sa tuwa at hindi ko na itatanggi na kahit papaano ay sumaya ako sa sinabi niya.


"Wow Ate Jade! Ang haba ng hair mo. Pero hindi ko pa rin maintindihan si Marcelo! Ewan ang gulo niya kasi eh." Bumaba siya ng sasakyan at ipinark ko naman ng maayos ito.


Panay ang tingin ko sa aking cellphone kung may nagtext pero wala. Unti-unti akong nadi-disappoint ngunit agad itong nawala ng nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa akin study table. Nakangiti ako habang hawak ko ang phone ko pero nang makita ko kung sino ang nagtext, gustong-gusto kong magmura.


Lintek! 8888 lang pala ang nagtext nagsasabihin malapit na daw maexpire ang unli ko.


"Arrggg!" Itinapon ko ang aking cellphone sa aking mga unan at saka ako dumapa sa kama. Muling nagvibrate ang cellphone ko ngunit isang mensahe muli ang nagmula sa 8888, tapos na daw ang free viber ko! Nakakaasar diba?!


Nakatulog ako ng saglit at nagising na lang ako sa katok sa aking pinto.


"Jade, hapunan na." Tumayo ako at sinuot ang tsinelas. Lumabas ako ng kwarto at halos himatayin ako ng makita ang tatlong malalaking bouquet sa center table namin sa salas.


"Wow, effort! Kaninong manliligaw yan?" Pambungad ko sa kanila. Agad silang tumingin sa direksyon ko dahil sa sinabi ko.


"Look at the card..." Nilapitan ko ang mga bulaklak. Pinagmasdan ko ang mga ito. Ang isang bouquet ay kulay pula, ang isa pa ay puti at ang isa ay pink. Iba't-iba ang kulay kaya nakakatuwang tingnan. At ang disenyo nito? Grabe lang! Ito yung mga ibinibigay sa mga talk show after interviewhin ang isang guest celebrity.


A for effort talaga!


Kinuha ko ang isang card na nakasipit sa pink na bouquet. Dahan-dahan ko itong binuksan at mas lalo yata akong hihimatayin ng makita kung para kanino ang malalaking bouquet na ito at kung kanino galing. Pinagpawisan ako ng malamig at halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.


Jade,

Tomorrow, 4 in the afternoon. I'm gonna fetch you there.

Marcelo


Nabitawan ko ang hawak kong card at natulala na lang sa kawalan. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi ako nakakatanggap ng text mula sa kanya? Saan niya pinagawa ang mga bulaklak na ito? Sigurado akong mahal ang isa nito.


Gusto ko siyang itext pero naalala kong binura ko na nga pala ang number niya sa akin. Sinubukan kong magsend ng direct message sa twitter niya ngunit, agad ko rin naman binubura kung ano man ang naitatype ko! Wala akong lakas ng loob... wala!


Hindi pa siya nag-update ng twitter niya nang mavisit ko ang profile niya. Ngunit agad na nag-appear sa aking laptop na may new tweet daw si Marcelo. Nirefresh ko agad ang twitter.


@akoposimarcelosantosiii:

Feelings that never change, words that are left unsaid. Now, I'm ready to set it free...


Napaupo ako ng biglaan sa aming sofa na siyang kinagulat ng aking pamilya.


"Hay naku, Jade! Bago ka magpantasya dyan, pumunta ka na dito sa hapag kainan, hwag mong paghintayin ang pagkain, uyy!" Sabi ng Ate ko.


Para akong lumulutang sa ere habang naglalakad patungo sa dining area. Muntikan pa akong matakid sa upuan na nakaharang buti na lang at agad kong napansin.


Pagkaupong-pagkaupo ko ay agad akong tinanong na hot seat ng aking pamilya.


"Oh, anong drama yan? Bakit may bulaklak?" Tanong ng panganay kong kapatid.


"Mahabang istorya, pero nagkita sila kanina sa book signing." Paliwanag ni Jia.


"Di na 'yun bago. Book signing 'yun malamang sa malamang magkita nga sila doon. Eh anong naging drama?" Muling tanong ni Ate.


Hindi ako ang nagkwento ng buong nangyari kanina sa event, sa halip pinabayaan kong si Jia ang magsalita nang magsalita. Hindi pa rin matanggap ng aking isip na nakatanggap ako ng tatlong pulutong ng mga bulaklak galing kay Marcelo.


Is he really serious about the date?


I don't know.


Heto na naman ba kami? Magsisimula o may tatapusin?


Hindi ko alam. Sadyang hindi ko na alam!


Ang daming tanong ang naglalaro sa aking isip. Gusto ko lahat ng kasagutan!


Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon