Hindi ko alam kung paano hihingi nang sorry sa kanya. Ngayon naging malinaw na sa akin ang lahat. Halos sumakit ang ulo kakaisip kung anong nangyari kagabi. At nang maalala ko na ito, para akong nauupos na kandila dahil sa kahihiyan.
Tinarayan ko ba naman siya tapos nakatulugan, sinong hindi mahihiya kapag ganun ang nangyari sayo? Paano nga ba humingi nang tawad? Simple lang naman diba? Magsabi ka lang nang sorry, tapos na. Okay na. Pero bakit ba ako nahihirapan?
Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa aking contact logs para tingnan ang unknown number na nakausap ko kagabi. Huminga ang nang malalim bago nagsimulang magtype nang message.
Me: Sorry po kagabi. Good morning.
Message Sent.
Siguro naman kahit hindi na ako magpakilala sa kanya, ay alam na niya na ako yun since tumawag na rin naman siya sa akin kagabi. Nakahinga ako nang maluwag after kong isend ang text ko kay Marcelo.
Hindi ako mapakali kakatingin sa cellphone ko kahit na nasa gitna nang discussion.
“Tama na ang kaka-wifi. Makinig ka!” Bulong sa akin ni Maica. Dito kasi sa assigned room namin ay nakakasagap nang wifi. Akala niya siguro ay nagwi-wifi ako pero ang totoo tinitingnan ko kung may message na ba akong natanggap.
“Hindi ako nagwa-wifi. I’m just checking my inbox.”
“Wow! Himala at may load ka! Anong meron?”
Alam na alam ni Maica na sobrang tamad akong magload. Alam na alam rin nito na for soundtrip purposes lang ang phone ko. Noong minsan nga na wala akong dalang sasakyan, ang usapan namin ay magkikita na lang kami sa sakayan. Pero dahil wala akong load at hindi ko siya mareplyan na malapit na ako sa sakayan, ayun iniwan na niya ako. Ako pa ang nasisi niya dahil sa katamaran kong magtext. Sayang naman kasi ang load kapag walang katext.
“Wala naman. Masama bang magload? Napag-isip-isip ko lang nab aka maexpire ang sim ko dahil sa katamaran kong magload.”
Pinatay ko muna ang cellphone ko at nilagay ito sa bagay. Baka wala akong matanggap na message kasi mahina ang signal o sadyang walang nagtetext sa akin.
“Jade, may laboratory assignment ka na bas a Signals na subject natin?” Tanong sa akin ni Aimar after nang klase namin kaninang 7am to 10am.
“Yup, ipapaprint ko na lang. Nasa phone ko.”
Bigla kong naalala ang nakapatay kong cellphone. Kinuha ko ito sa bulsa nang bag ko at binuhay. Ang dami pang introduction bago ito mapunta sa home screen. Ang tagal pa bago magrespond, puro loading ang nakalagay.
Nabigla ako nang nagvibrate ang cellphone ko at lumabas ang isang message. I clicked on it at lumabas ang pangalang ‘MSiii’. Ito kasi ang ipinangalan ko sa number niya.
From: MSiii
No need to say sorry. Ako nga ang dapat humingi nang sorry kasi tinawagan kita nang sobrang late na.
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.