Perfect.
Natigilan ako. Sobra akong natigilan. Bumalik lang ako sa aking ulirat nang magsalita ang isang author na nasa stage.
“Hoy Marcelo! Pumasok ka, moment ko ito.” Tumawa lang siya bilang tugon. Damn! Pati pagtawa niya, iniiritan ng mga tao. Hindi ko mapigilang ngumiti. Nakagat ko pa ang lower lip ko kakatitig sa backstage kung saan andun ang isang Marcelo Santos III.
“Waah! Ate, kita mo? Si Marcelo! Ahh!” Umirit ang kapatid ko. Naupo na rin naman ang mga tao dahil pumasok nga si Marcelo sa loob ng backstage. Lahat excited na sa kanyang paglabas at oo na, inaamin ko na, isa ako sa mga excited at nag aabang sa paglabas niya. Nais kong hilahin ang oras at ipunta sa panahon na ipapakilala si Marcelo at siya na ang magsasalita.
Nakinig kami sa author na nagsasalita sa unahan. Nang matapos siya at umakyat ang emcee, nag-iritan na agad. Nagbigay ng maikling introduction sa susunod na author, ngunit laslas ang puso ng marami nang hindi pa pala si Marcelo ang susunod na author. Kahit ako ay nanghinayang.
Gaya ng unang author, nag-iritan din ang mga tao. Kumanta siya ng dalawang kanta. And I have to admit that this man is good in singing. Hindi naman ako kagalingang kumanta pero alam ko kung paano magbigay ng critics sa isang mang-aawit.
Ang lakas ng iritan! Gwapo rin naman kasi itong sumunod na author.
Unti unting tumahimik ang tao nang umakyat ang emcee. Shit! Ipapakilala na ang susunod na author. Lahat ay nakaabang at nakikinig sa introduction ng ibibigay ng emcee.
“Ayan! Ang next author natin ay isang sa inaabangan. –“ Hindi pa natapos ng emcee ang kanyang introductory speech for the next author pero nag-iritan na ang mga tao. Kanya kanya silang sigaw kung sino ang nais nilang sumunod na author.
“Teka!” Pigil niya sa crowd. “Siya ang author ng ‘PARA SA BRO –“
“Ahhhh! Marcelo!”
“Waaaaah! Marcelo! Marcelo!”
Nagwala na ang mga tao. Hindi pa man tapos ang title ng story na sinulat ng sunod na author ay naghiyawan na naman ang mga tao. Syempre, nakiki-irit na rin ako! Hindi ko mapigilan, excited na super excited na ako.
“Sandali! Patapusin niyo muna ako! Ganito, kapag tinutok ko ang mic sa inyo, saka kayo magwala okay?” Tumango naman ang mga tao sa kondisyon na sinabi ng emcee.
“Siya ang author ng ‘PARA SA BROKEN HEARTED’.”
Nag-iritan ang mga tao nang itapat nito ang mic sa crowd.
“And the author of the best-selling novel na may extended edition ‘PARA SA HOPELESS ROMANTIC’!”
Itinapat niya ulit ang mic sa amin at nag iritan na naman kami. “Ahhhhh!”
“Ladies and gentlemen, MARCELO SANTOS III!”
Lalong lumakas ang iritan nang lumabas ang isang nilalang na naka-longsleeve na light blue. Lalong lumakas ang iritan ng kumaway at ngumiti siya. Shit! Kasabay nang paglakas ng hiyawan ay ang pagbilis din ng puso ko. Iniisip ko na humiyaw na lang ako nang humiyaw upang mawala ang pagbilis nang tibok ng puso ko. But I failed!
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.