Hindi ako makapagdesisyon kung pupunta ba ako sa sinasabing event ni Marcelo sa SM Calamba. Unang-una, baka hindi ako payagan ng aking magulang at pangalawa, medyo malayo ang SM Calamba sa lugar namin!
Gustong-gusto nang puso at isip ko na pumunta, pero ako mismo ang nagpipigil sa sarili ko.
"Pupunta ka?" Umagang-umaga ay ito ang tanong na sinalubong sa akin Maica.
"Idk! Wala akong kasama. Feeling ko mawawala ako!" Binatukan niya ako sa sinabi ko.
"Tanga! Kaya nga may bibig, para magtanong! Aba! Uso kayang magtanong-tanong para hindi ka mawala." Naglakad kami papunta sa bookstore upang magpa-photocopy ng aming lecture sa Mechanics 3.
"Bukod dun, baka hindi rin ako payagan ni Mommy kasi malayo yung lugar!"
"Ewan ko sayo! Uso rin namang magpaalam. Bahala ka! Chance mo nang magkita ulit kayo, palalampasin mo pa!"
Kinuha namin ang pinaphotocopy namin, at naglakad na kami pataas sa engineering building. Napapaisip ako sa mga sinabi ni Maica. Nais ko man siyang ayain, ngunit hindi ko magawa. Bakit? Simple lang, kasi magpapalibre yan sa akin at wala naman akong pera para mailibre pa siya! Buhay estudyante nga naman!
Pero sa halip na isipin ko kung ililibre ko ba siya, mas napuno ang aking isipan kung pupunta ba ako o hindi sa event.
Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na may limang message na pala ako sa cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita ko na ang tatlong mensahe ay galing kay Marcelo at ang dalawa ang galing sa numerong hind naka-save sa phone ko. Una kong binuksan ang message ni Marcelo.
Marcelo:
Wednesday na ngayon. Malapit na ang Sunday, ang event. Please come :)
Marcelo:
Hey, tell me kung pupunta ka, okay?
Napakagat ako sa aking labi matapos kong basahin ang ikapangalawang text niya sa akin. Muli kong binuksan ang panghuli at ikatlong mensahe niya sa akin.
Marcelo:
Too busy for school? Alright, I'll see you on Sunday. Missing you xx
Damn it! Bakit kailangan may ganun pang message sa dulo? Hindi niya alam kung ano ang ginagawa sa akin ng simpleng message niya sa akin! Hindi niya alam kung paano niya pinapangatog ang aking mga tuhod dahil sa mga text niya!
Damn it, Marcelo!
Mas pinili kong hindi na magreply. Ayaw kong masaktan siya sa magiging desisyon ko kung pupunta ba ako hindi. Kung sakaling itext man niya ako sa mismong araw ng event, sasabihin ko na lang na hindi ako pinayagan ni Mommy na pumunta. Ah basta! Bahala na talaga.
Natapos ang maghapon ko nang hindi ako nagrereply sa kahit anong text sa akin ni Marcelo. Nagi-guilty ako pero kailangan ko ito upang makapagdesisyon ng payapa. Hihintayin ko na lang na lumipas ang linggong ito para makamove on ako sa magiging desisyon ko.
Oo, tama kayo nang iniisip. Napagdesisyonan ko na huwag na lang pumunta dahil kung magpapaalam ako kay Mommy siguradong sasabihin nito kay Daddy na nasa ibang bansa. At isa pang sigurado na hindi ako papayagan ni Daddy! Masyadong strikto si Daddy sa amin at nakakatakot talaga siyang magalit.
Dumating ang biyernes at nararamdaman ko ang pagbigat nang aking dibdib. Tila may nais akong gawin pero hinding-hindi ko magawa. Simula noong Wednesday ay hindi na ako nagparamdam ng kahit na anong text kay Marcelo. Kahit na nagkaka-tweet kami sa twitter, medyo naghinay-hinay naman ako sa pagtetext sa kanya.
Slowly, I'm detaching myself to him.
Mahirap na, baka ma-attach ako ng sobra sa kanya tapos wala rin naman pala, di ba? Baka sadyang sweet siya sa mga readers and fans niya.
Huminga ako nang malalim saka ininom ang softdrinks ko.
"Pag-isipan mong mabuti yang ginagawa mong pag-iwas. Ikaw rin, baka magsisi ka."
Tiningnan ko si Maica na kumakain nang footlong sa harap ko. Lalo akong napaisip sa sinabi niya, mas ginulo niya ang utak at puso ko!
"Hirap kasi sayo, bakit mo ba iniiwasan? Wala namang kaiwas-iwas! Maybe, he's just being friendly..."
"Yun na nga yung point ko dun! Friendly siya pero baka iba na sa akin ang dating di ba? Friends lang sa kanya pero sa akin iba na..."
"Then don't assume! Kaya maraming nasasaktan, maraming kasing asumera! And please don't be like them!" Tumayo ako at nagbayad sa counter ng canteen. Sumunod naman si Maica. Napaisip ako sa sinabi niya. Am I assuming that much? Sobra na ba? Kabilang na ba ako sa mga asumerang sinasabi niya?
"Paanong hindi ako mag-aassume? Alam mo kung paano niya ako ituring, including his texts! You've read and knew everything! Tell me, kung ikaw ang nasa kalagayan ko, hindi ka ba makakaramdam nang kakaiba? Hindi ka ba mag-iisip na may something? Yun ang ibig kong sabihin! Hindi mo maiiwasang hindi mag-assume."
Umuwi kami sa kani-kanilang bahay namin nang walang imikan. Hindi ko alam kung sino ang tama sa aming dala. I have a point, she has too! Ang hirap timbangin nang sitwasyon!
Kinagabihan ay wala akong ginawa kundi ang mag-surf sa net nang kung anu-ano. Ngunit hindi ko binuksan ang twitter ko. Hinayaan ko na rin ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko.
Nagtagal ako nang mga isang oras na ganun ang ginagawa. Kaba minutong lumilipas, mas tumitindi ang nararamdaman kong kalungkutan. Yung feeling na may kulang sa mga ginagawa mo!
Muli kong natanong ang aking sarili, bakit nga ba ako umiiwas ngayong hindi ko naman yata kaya?
Agad kong hinablot sa ilalim nang aking unan ang phone ko. Nadismaya ako nang wala ni-isang text akong natanggap mula sa kanya. Siguro nakahalata na rin siya na iniiwasan ko siya.
Hindi na ako nag-aksaya pa nang panahon at dinayal ko na agad ang number niya. Why text him if I can call him, right?
Hindi pa umaabot nang tatlong ring ay may sumagot na sa kabilang linya. Una kong narinig ang buntong hininga niya.
"Finally..." Mahina niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit mangiyak-ngiyak na ako nang marinig ko ang boses niya. I bit my lower lip to suppress my tears.
"How are you? Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Alam mo bang nag-aalala na ako at kung anu-ano nang iniisip kong dahilan kung bakit mo ako -"
"I miss you..." Hindi ko na hinayaan pang matapos niya ang sinasabi niya. I need to tell him what I feel since wedenesday!
"I'm sorry, Em.." Putak ang mumunti kong luha. Agad ko naman itong pinunasan upang hindi mahalata sa kabilang linya ang aking pag-iyak.
"It's okay, babe. It's okay." Nagpakawala siya nang malalim na hinga saka ulit nagsalita. "I miss you too."
Tumahimik ang parehas na linya. Kahit ako ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Tama na siguro ang magsorry at sabihin na hindi ako makakapunta sa event on Sunday sa calamba.
"Hey, can't make it on Sunday. Natatakot akong magpaalam kay Mommy, kasi 99% hindi niya ako papayagan and 1% napapayagan niya ako!" Tumawa siya nang bahagya. Pinaliwanag ko pa sa kanya ang sitwasyon.
"I understand. Ako na lang ang dadalaw dyan. Okay lang ba?"
Agad na bumilis ang tibok nang puso ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya na siya ang dadalaw dito?
"You sure? I mean, okay lang sa akin."
"Great! I'll see you soon, then." Napangiti ako ng lihim.
"Alright! Good night for now. Goodluck on Sunday. I really wish I can come and meet you again."
Yes, I would like to meet and see him again and again. Kung ano man itong nararamdaman ko sa ngayon, hahayaan ko na lang muna at ipapaubaya ito sa aking puso at damdamin!
"O'right babe! Good night."
BINABASA MO ANG
Para Sa Isang MARCELO SANTOS III
FanfictionPara sa mga nangangarap. Para sa mga patuloy na umaasa. Para sa mga taga-hanga. At higit sa lahat, Para sa isang MARCELO SANTOS III.