Simula 13

1K 32 2
                                    

Buong gabi ay wala akong ginawa kung hindi ang magpagala-gala sa internet. I tried to google the photo at maraming lumabas na litrato naming dalawa ni Marcelo habang nasa school namin siya. Meron namang pareparehas lang ang kuha ngunit naka-zoom in ito para lubusang ipakita na si Marcelo ang nasa picture at may kasama itong babae.



Takot na takot akong pindutin ang bawat litrato lalo kung sa facebook ito naka-link dahil alam kong marami ng comment ang mga bashers or haters. Natatakot ako sa maaari kong mabasa! Natatakot akong masaktan.

Sabi ni Em, hindi siya ganoon kasikat pero alam kong kilalang-kilala siya ng mga kabataan ngayon.



Panay naman ang sulyap ko sa aking cellphone dahil naghihintay ako ng kahit isang mensahe galing sa kanya! Gusto kong marinig mula sa kanya na magiging okay ang lahat. I want an assurance na hindi ako mapapahamak dahil sa simpleng litrato.



Ngunit wala talaga kahit isa!



Huminga ako nang malalim bago pinindot ang isang litrato. Naka-link ito sa facebook kaya nag-open ang facebook sa aking browser. Ang litratong ito ay yung tinutukoy ni Maica. Ito rin ang ipinakita niya sa akin kanina, na puno nang mga comment ng tao. Oo, may nabasa akong ilan kanina pero may parte sa akin na gusto kong basahin ang lahat ng comments.



"Fvcker! May girlfriend na si Marcelo Santos III? Ouch :("



"Noooo! Hindi ito totoo. Kuya EM..."



"Explain this Marcelo Santos III."



"Hindi kagandahan si girl. Chillax lang tayo guys, baka past time. Bwahahahahaha."



"WTF! Maganda ang girl, bitter ang nagsasabing pangit siya. Basta ako JoCelo shipper!"



"Masisira ang career mo sa mga girls. She's not too pretty tho."



Nais kong maiyak sa mga nabasa ko, ngunit nagpapasalamat pa rin ako na kahit papaano ay may nagtatanggol sa akin. Nagpatuloy pa ako sa pagbabasa.



"Naku guys! Move on, darating at darating sa punto na magkakagirlfriend talaga yan!"



"MGF will still support you and your lovelife Kuya EM! Go fight!"



"Daming bitter! Ibash niyo na si girl. Bwahahaha sa nakakakilala sa haliparot paki-tag nga. Dadami ang follower nitong babae. Hahahahaha"



Agad akong kinabahan sa huling comment na nabasa ko. Hindi ito malabong mangyari. Anytime from now, may makakakilala at makakakilala sa akin sa litratong iyon. Kaya nagpunta agad ako sa setting ng aking facebook at agad akong nag-deactivate.

Para Sa Isang MARCELO SANTOS IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon